Chapter 5

471 25 7
                                    

CHAPTER 5

MALAKING eyebags, lantang katawan. Zombie mode ako paggising. Hindi rin ako nakatulog nang maayos. Bakit? Sinipa-sipa lang naman ako ni Azeya habang tulog siya. Ang saya, 'di ba?

"Ano ba namang klaseng pagmumukha 'yan? Maghilamos ka nga! Baka pati ipis, matakot sayo, e," aniya habang kumakain ng tinapay. Wow. Just wow. Nakuha pa niyang manita. Kainis.

And so I went to the bathroom at naghilamos. Diretso ligo na. Super duper puyat talaga 'ko, e. So I let the water flow down on my body. Hindi ko feel ang lamig ng umaga. Siguro inaantok pa rin ako.

"Hindi ka pa ba tapos maghilamos?" Biglang may bumukas ng pint—YUNG PINTO!

"Aaaaah!!! Azeya! Isara mo nga!" Napasigaw ako. Grabe! Nakakagulat naman 'tong si Azeya! Nakahubad pa naman ako!

"Feelingero." Sabay sara niya ng pinto. May narinig pa 'kong sinabi niya. "Wala namang malaki r'yan, e!" Ano raw? Minamaliit niya ba ang aking... Tsk! Hindi 'to maliit! Humanda siya!

Lumabas ako sa bathroom. Syempre, nakabihis na ko. 'Tapos ay saka ko siya sinugod! Sinakal ko siya! At sinuntok! Pero syempre, imagination ko lang yun.

"O, bakit?" Nagpamewang pa siya habang hawak ang sandok. Nagluluto kasi siya.

Itinaas ko naman ang kamay ko upang sampalin—este upang kunin ang sandok sa kanya. "Ako na lang diyan." Binigay naman niya ang sandok. At ako na ang kumuha ng niluto niyang umagahan. Naisip ko kasing wala rin akong panlaban sa kanya. Hindi nga siya tao, 'di ba? Kumusta naman ako sa kaniya?

After naming mag-almusal, nilisan na rin namin ang hotel. May mas mahalaga raw kaming misyon ngayon. At kailangan naming magawa ito sa lalong madaling panahon. Pero ako na dakilang taga-usap sa kanya ay nakatikom ang bibig. Well, may aftershock pa kasi ako. Ikaw ba namang masilipan ng babae sa banyo? 'Di ka ba magugulat?

"We're here," saad niya at huminto ang kotse sa tapat ng isang gate. Lumabas kami pareho at nakita ko ang pangalan ng building na hinintuan namin.

"Homizon International High" or H.I.H. Mukhang pang-sosyal ang school na 'to, ah? Lahat ng students na nakikita kong papasok lahat naka-kotse. Astig!

"Ah—sorry!" Nabangga ako ng isang lalaki dahil nakaharang ako sa gate. Ang tangkad niya. At mukhang suplado.

"Harang." Yun lang 'tapos ay tumalikod na siya. Ang cold niya, boy version ni Azeya!

"Anong hinihintay mo r'yan, pasko?" Ayan at sinungitan na naman po ako ni Azeya. Buhay nga naman. Kung minsan, unfair!

***

May gumagalang beast sa Homizon International High. At pinangalanan siya ni Azeya na Capricorn. Ang target daw ni Capricorn ay magagandang babae, 'tapos ay kukunin niya lahat ng dugo nito at saka papatayin. Yun ang sabi ni Azeya. Nagpanggap kami bilang mga high school students para 'di nila kami makilala—part of our mission.

"Okay, good morning, class," sabi ng prof na magtuturo. May salamin sa mata at kulot ang buhok.

"Good morning, Sir!" bati ng mga estudyante. Naalala ko tuloy no'ng high school pa 'ko.

"Oh, we have new students here. Come here in front. Introduce yourselves."

Well, syempre kami ni Azeya... at pati yung lalaking suplado ang tumayo. Aba, transferee din pala 'to?

"I'm Azer—" Siniko ako ni Azeya. Oo nga pala, nagpapanggap lang kami. "I'm Azer John Seph. Nice to meet you all." Nag-bow pa ko.

"I'm Sephiel. That's all." Si Azeya. Ayos, ah? So, ako lang mahaba ang speech?

Blade X (Completed) 2016 VersionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon