Chapter 25

131 10 0
                                    

Chapter 25

***Ann***

Nandito kami ngayon sa headquarters naming mga assassin. Actually underground floor lang to ng bahay ng mga Montelvana.

Nakapwesto na sila sa kani-kaniyang mga silya at nakatutok ang mga mata sa malaking screen. It looks like a big computer actually. Sa sobrang laki, para kang nanonood sa sine.

Ang nakapaloob rito ay mga surveillance cameras na naka-kabit sa buong lugar ng bahay ng mga Montelvana. Pati na rin ang labas na bahagi.

Maya-maya pa, may dumating at tumapat iyon sa may gate. Namukhaan ko agad kung sino.

Si Gerald ^___^

"Ann, harapin mo nga muna yung bisita mo." Sabi ni Alice. Busy sya sa pag tingin sa mga papers.

"OKAY." Masigla kong sabi. I flipped my hair. Syempre paglabas ko ng headquarters namin, sumakay ako sa elevator pa-akyat sa third floor.

Yes. Pinaka-underground kasi ang headquarters namin. Ang first floor ay lagayan ng mga experimental subjects. Like mga sandata namin, mga another experiments ni Mr. Montelvana, at iba pa.

Sa second floor ang tulugan naming mga assassins. Yup. Dun kami natutulog. Bawal kami sa itaas. Then ang third floor, na kung titingnan sa labas ay first floor ng bahay ng mga Montelvana, ay ang main house.

Pumasok sya sa may main door. Saktong kakalabas ko lang ng pintuan nang makita ko sya. Ang gwapo nya pa rin.

"Hi Gerald!" With a flirty tone pa yan.

"Heh!" Singhal nya. "Nasaan si Zion?"

Si Zion?? 0__0

"Kasama sya ni Azeya e."

"Kinuha ko na sya e. Tapos bigla syang pumunta dito... Nagtatakbo... Nawala bigla..." Sabi nya. Hinimas-himas pa nya yung baba nya.

"Hala ka! Nawawala yung bata! Lagot ka!" Panakot ko. Haha xD

"Abnoy!" Inirapan nya lang ako. "Bakit ko ba kailangang kausapin ang tulad mo? Hindi dapat kita kinakausap e. Wala ka namang kwentang kausap..." Bulong nya.

Grabe... Irap-irapan lang ba ang beauty ko?! Ang sama nya ah! T^T At WALA RAW AKONG KWENTANG KAUSAP?? ToT

I cried. He's so cold to me!! Bakit ba ganyan sya?? Napaka nya!! Akala nya ba di ko feel ang coldness nya?! Bakit ba sya ganito?! T^T

"O-oy! Babaeng ano! Bakit ka..umiiyak?"

"SHUT UP!" Tumalikod ako. Ang bad nya! Super!

"H-hindi ko sinasadya... Uy.. Hwag ka ng umiyak..." Lumapit pa sya at tinapik ang balikat ko.

Tinampal ko nga. "Hwag ka ng lalapit sakin! I HATE YOU GERALD!" Sabay takbo ko sa may kwarto. Kwarto ni Azeya---Sephiel pala.

Sobra na sya.. As in... Di ko na ma-take ang ugali nya...

***Gerald***

'Nak ng tokwa naman o! Sa lahat naman ng panahon at oras, bakit ngayo pa? Bakit naman kasi sa dinami-rami ng taong makikita ko, ito pang babaeng 'to? Sobrang liit naman yata ng mundo at talagang nagkita pa kami. Yung bata lang yung hinabol ko rito e! May nag emot namang isip bata! Jusmiyo! 

"Kuya!!" Lumabas na si Zion sa kung saang lupalop man siya galing. Kung saan-saan kasi nagpupunta ang isang 'to. Batukan ko kaya to??

"Saan ka ba galing ha? Bigla ka na lang nawala." Inis kong sabi.

"Imbisibol chi Chion!" Sabi nya. May pangiti-ngiti pa ang lokong nilalang na 'to. 

Wait... Invisible? Bigla akong natigilan. Nagiging invisible siya? Paano? Bakit? Sandali---'yun ba 'yong...

"Zion, tulungan mo si kuya ha. Gagamitin natin yang powers mo. Maglalaro tayo ng tagu-taguan."

Natuwa naman sya sa sinabi kong tagu-taguan. May kailangan lang akong makita. At kailangan kong malaman kung tunay ba yun...

***Ann***

"Bad ka! Bad ka!" Sinuntok-suntok ko yung unan ni Sephiel. Grabe talaga yung inis ko ngayon. Well, sorry unan, pero Ikaw muna ang sasalo sa init ng ulo ko.

Hindi ko rin alam kung bakit ba ako nag e-emot dito. Maybe kasi napa-sobra na sya ng pananalita sa akin. Kasi naman... Wala raw akong kwenta? Grabehan lang? Para namang sobrang gwapo niya para sabihan ako ng gan'on! Gwapo nga ba? Hindi! Mukha siyang kwago hindi gwapo! At kahit pa gwapo siya, masakit pa rin siya sa bangs, 'no? Akala mo kung sinong matalinong lalaki na pinakain ng oath meal kung makapag-bunganga sa babae. Dinaig pa 'yung kakilala kong menopause na.

Niyakap ko rin yung unan. My tears fell down. Ngayon ko lang na-realize.. May mga bagay pala na hindi madaling makuha.

All my life, lahat ng gusto ko nakukuha ko. Fame, beauty, power... Lahat! Pero may isang bagay na hindi ko nakuha... AFFECTION. Ni wala pang lalaking sumeryoso sa akin. Kaya lahat sila pinaglalaruan ko lang.

Wala na nga ata talagang matinong love life na nakalaan para sa mga assassins. Just look at Aze--I mean, Sephiel. Si Azer, hindi sya tao. He is one of those zodiac monsters. Kaya nga ba hindi sila magka-ayos ni Sephiel. Kawawa naman ang love story nila.

Wait, speaking of the real Sephiel... Nasaan nga ba yun? Pagka alis ni Azer umalis din yun e. At ang isa pa, nasaan ang tunay na Azeya? Kanina pa walang tao ang bahay ah? Nag lakwatsa yung dalawang mag kamukha? Nakakaloka naman yung dalawang yun.

Tapos si Gerald di man lang ako sinundan? Haayyy... Ano pa bang aasahan ko sa kumag na yun? 

Real Azeya's POV***

Kailangan kong makita si John! Kailangan ko talaga syang kausapin ngayon pa at wala nang maalala si Sephiel.

That's part of our plan....

Nakarating ako sa school. Oo, may pasok talaga kami ngayon. Yung dalawa, hindi pumasok. Alam kong nag aaway pa rin sila. Laluna si Azer.. Nakikipagtalo pa rin sya kay Azeya na kilala nya to. Pero... Sorry Ace...

"Seph.." Bati nya sakin. Nakapasok na pala sya sa school?

"Azeya." Pag tatama ko. Nai-kwento ko na kasi sa kanya ang lahat.

"So, how is it so far?" Kitang-kita ko ang ngisi sa kaniyang mga labi. Mukhang mayroon siyang binabalak na hindi niya sinasabi sa akin. 

Seryoso ko siyang tiningnan. Hindi ko gusto ang ngisi niya. Pero kailangan kong maging maingat sa bawat galaw ko. Mahirap na, baka mabulilyaso pa ang mga plano ko. Kailangan kong siguraduhin na maayos ang lahat. At hindi ko magagawa mag-isa iyon. Kailangan ko ng kasama. "Doon tayo sa rooftop mag usap. Kailangan kong i-discuss ang 2nd plan." 

Blade X (Completed) 2016 VersionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon