Chapter 29

113 7 2
                                    


"Hindi ko akalaing aabot sa ganito ang lahat." Sambit ni Reiha habang hawak ang libro. "Dumating na ang raw na kinatatakutan nating lahat!"

"Maghiwa-hiwalay tayo!" Sigaw ni Alisa sakay ng motorsiklo nito. "Kailangan nating mahanap sina Ann at Sephiel!"

"Sa kanluran kami," ani Alice na kasama si Andrea. "Kayo, Aliya at Eunice, sa norte kayo."

"Rodger!" Wika ng dalawa at sabay na tumalon mula sa 18th floor ng isang building. Hindi nag landing sa lupa ang mga ito dahil mayroon silang parachute.

"Kayo nang bahala sa iba!" Agad na tumalon sina Andrea at Alice pababa.

"I think," nilingon ni Freeda ang mga naglalakihang robot sa likuran nila ni Marjorie. "We have no choice."

Nag shrug lang si Marjorie saka inihanda ang baril. Habang nililinlang ni Freeda ang mga kalaban ay sya ang nagpapaulan ng bala sa mga ito. Ngunit, wala pa mang dalawang minuto ay may dumating.

Pisces: the Fish

"Ooohhh... Mukhang naglalaban pa pala kayo ng mga alaga ni boss." Ngumisi pa ito. May tainga ng isda, kaliskis, at buntot.

"Mukhang napaaga ka ah." Sarkastikong wika ni Marjorie sabay sindi ng sigarilyo.

"Tsk. Tsk. Mga assassin nga naman..." Napapailing na wika nito. Bumaba ito mula sa pinapatungang kable ng kuryente. "Alam mo, sayang ka e. Sexy ka pa naman."

"Oh talaga? Hah! Salamat." Marjorie laughed.

"May kamukha ka..." Iniligay nito ang isang daliri sa ilalim ng babà. "Ah! Yung babaeng may eyepatch! Si Ana!"

Nawala ang ngisi sa labi ni Marjorie. Gulat na ang pumalit. "Ano kamo?"

"'Ano' ang alin? 'Yung kamukha mo?"

"Ano uli 'yung pangalan nya?" Si Freeda na nakalapit na.

"Ah! Si Ana? Iyong anak ni Dr. Brend. Kamukha mo kasi sya. Kasing katawan mo din." Ngumiti pa ito. "Bakit? Kilala mo ba sya?"

"Anong...anong ibig mong sabihin? B-buhay si Ana?" Hindi makapaniwalang wika ni Marjorie.

"Ha? Oo. Buhay na buhay sya."

"Marjo..." Alalang wika ni Freeda. "Ayos ka lang ba, Marjo?"

"P-paanong...paanong nangyari 'yon?.. Patay na si Ana...patay na---" hindi na naituloy pa ni Marjorie ang sasabihin nang may matulis na bagay na tumagos mula sa liod nito hanggang sa tyan.

"MARJORIE!" Hiyaw ni Freeda at agad na nalingunan si Pisces na nakangisi habang umatras ito palayo. Ang matulis na bagay na iyon ay lumabas sa kamay ng lalaki.

"Ooppss! Sorry! Ayoko kasi ng drama habang nasa labanan e." Inilabas ng katawan nito ang iba't ibang matutulis na bagay at itinapat iyon sa dereksyon ni Freeda.

"HUMANDA KA!!" Sinugod ni Freeda ang halimaw ngunit masyado itong mabilis at agad na nakapunta sa likuran nya.

Naalarma naman sya kaya't agad syang lumayo sa pag atake nito. Inilabas nya ang siyam na buntot at ang matutulis na kuko. Kasunod ang mga apoy na nasa gilid nya.

"Ooohhh... Ang exciting!" Sarkastikong wika ni Pisces. "Hulaan ko, matatalo ng tubig ko ang apoy mo, di ba?" Naglabas din ito ng mga water balls sa paligid.

"Hindi ako papayag!" Sigaw ni Freeda sabay hagis ng maliliit na apoy sa kinaroroonan ni Pisces.

Natawa naman ang lalaki, "Nababaliw ka na! Hindi mo ba maintindihan? Celestial Spirit ako, at robot lang kayo! Hindi kayo mananalo sa amin!" Ito naman ang nagpakawala ng nagbabagang tubig na kapag tumatama sa sahig ay tila nalulusaw iyon.

Blade X (Completed) 2016 VersionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon