Epilogue

142 8 0
                                    

Epilogue

"Ay nako! Bahala ka na nga sa buhay mo. Kanina ko pa sinasabi sa'yo na blah blah blah..."

Natatawang naiiling na lang ako kay John habang sinesermunan ang anak nyang si Josh. Paano ba naman kasi, naglaro ng naglaro sa labas, nagka-sugat tuloy nang madapa.

"Gusto ko lang pong subukan iyong bike." Sabi naman ni Josh.

"Anak, six years old ka pa lang. Huwag kang atat." Naiinis na wika ni John. "Paano kung hindi lang yan ang inabot mo? Paano kung naaksidente ka? Paano kung----"

Tinapik ko ang balikat ni John. "John, hayaan mo na. Sa susunod, gabayan mo na lang. Bata yan e. Explorer."

Napakamot na lang si John sa batok. "Sige. Sige." Tumingin ito sa anak. "Basta, next time na maglalaro ka ng bike, isasama mo si papa, ha?"

"Opo, papa!"

Napangiti naman ako maswerte si John at nagkaroon sya ng anak. Nagkaroon ng mabait na asawa at stable na trabaho.

Ako? May stable na trabaho. Pero, asawa at anak? Wala pa akong balak.

Nagpaalam na ako sa mag ama. Naglakad-lakad ako sa tabing dalampasigan at tinatanaw ang bughaw na karagatan.

Payapa ang lugar na ito. Maaliwalas ang langit. Tahimik. At mahangin. Pakiramdam ko gumagawa ako ng music video habang naglalakad-lakad.

I am forgetting something...

Simula nang magising ako ng umagang iyon, wala na akong maalala. Pero pakiramdam ko, isang importanteng panaginip ang hindi ko na maalala. Kung ano man iyon, sana maalala ko din.

Tumigil lang ako saglit nang may makita akong babae na namumulot ng shells. May dala syang timba at doon nya nilalagay lahat ng shells.

Napansin siguro nya na nakatingin ako sa kanya. Tumingin sya sa akin at ngumiti.

And my heart skips a beat.

Wakas

Blade X (Completed) 2016 VersionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon