Chapter 33

77 5 1
                                    

Chapter 33

***Narrator***

Nasa loob ngayon ng silid aklatan si Joseph kasama ni Seraphiel. Hindi sukat akalain ng lalaki na kasama na nya ngayon ang kanyang asawa.

Or should have said, so-called wife.

"Ayaw mo na bang kumain, mahal ko? Magugutom ka niyan. Marapat lamang na manumbalik sa dati ang iyong lakas."

Hindi sumagot ang babae. Alam nyang hindi pa rin ito tuluyang nakaka-recover mula sa mahabang pananatili sa loob ng laboratoryo.

Marahan nyang hinawakan ang pisngi nito. Walang response. Nakatingin lamang ito sa kanya na may blangkong ekspresyon.

She is his first love. Ngunit, nabigo siyang mabawi ito noon sa kanyang kuya.

Ngayon, nasa kanya na si Seraphiel. Wala na syang mahihiling pa.

"Sir?" May biglang pumasok sa silid. Si Ana.

"Bakit?"

"Sir, we have a problem. Pumunta po kayo sa Command Office."

Napabuntong-hininga sya. "Sige. Susunod kami."

***

"IMPOSIBLE..." napapailing na wika ni John. Bakas sa mukha niya ang hindi maipaliwanag na hiwagang nalalaman.

"Magpahinga ka na, John. Pagod ka lang." sabi ni Azer. Nasa loob sila ngayon ng isang silid. Akmang tatayo na ito nang hilahin pabalik ni John ang braso nito.

"John?" takang tanong ni Azer.

"Ace, may naaalala ka bang kakaiba?" John asked with a sad face.

Umiling si Azer. "Wala naman. Ang alam ko lang bakasyon ngayon." ngumiti pa si Azer sa kanya.

Gustong magwala ni John. Hindi nya maintindihan ang mga nangyayari. Hindi maaaring mawalan ng ala-ala si Azer. Paano na ang mga nangyari noon?

"Lalabas lang ako. Babalik rin ako maya-maya." pagkasabi niyon ay tumayo na si Azer at lumabas ng silid.

Naiwang gulung-gulo si John. Nasapo niya ang kanyang noo. Sumasakit ang ulo nya. Hindi nya matandaang bakasyon. At nandito sya ngayon sa beach kasama ang mga kaibigan nya.

"John..." tinig ng isang babae. Alam ni John kung kanino iyon.

"Zion!" bulalas niya. "M-magpakita ka sa akin!"

"Hindi maaari... Wala na ako sa kinatatayuan mo ngayon."

"A-ano'ng ibig mong sabihin? Ipaliwanag mo sa akin."

"John, iyan ang tunay mong mundo. Ang nalaman mo nang mga oras na kasama mo ako ay parte na lamang ng nakaraan. Si Azeya na nagpanggap bilang si Sephiel, sya ang may kagagawan niyon." paliwanag nito.

"Nang mga panahong hindi siya napapansin ni Azer, humiling sya sa Celestial Witch. Ang oras ay bumaligtad. At ang nakaraan ay bumalik. Ang Book of Life and Death lamang ang may kakayahang gawin iyon. Nang magkaroon ng pagkakataong makuha iyon ni Azeya ay ninakaw nya iyon sa kanyang ama na si James.

Si Seraphiel, ang nag-ma-may-ari ng libro. Dahil siya ang Aries. Kasama niya iyon hanggang sa kanyang pag-panaw. Sa kasamaang palad, tinangkang kuhanin ni James ang libro upang buhayin sana si Seraphiel. Pero nabigo siya. Kaya naman itinago iyon ni James. Na kalaunan ay natuklasan ni Azeya. Hindi na siya nag-dalawang-isip na gamitin iyon upang makuhang muli si Azer. Ginamit lang din sya ni Selphira. At dahil sa pagkamatay ni Azeya, nagka-gulo na ang lahat.

Nasira ang barrier na pumo-protekta sa Celestial World at ang mundo ng mga tao. Iyon naman ang naging pagkakataon ni Joseph, na kapatid ni James, na gamitin ang mga Celestial Monsters upang patayin ang kuya nya. Bakit? Dahil mahal na mahal nya si Seraphiel. Inaangkin niyang asawa si Seraphiel.

Blade X (Completed) 2016 VersionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon