Chapter 15

253 16 0
                                    

***Azeya Montelvana***

"Azeya... I love you..."

Hindi ako naka-react agad. I don't know how to respond to those words. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko masaya ako sa narinig ko. This is the first time I felt this feelings. Its been so long since I learned how to love people. At sa maling lalaki ko pa naramdaman... Hindi sya tao... Sya ang pumatay sa mommy ko... Hindi ako dapat magkaroon ng feelings sa pumatay sa aking ina...

But when he touched my face, I don't want to let him go again... Bakit?... Bakit ikaw pa Azer? Bakit pa kita nakilala?

Niyakap nya ko. Ramdam ko sa mga yakap nya ang pagmamahal na matagal kong inasam na makamtang muli. Hindi ko alam ang mararamdaman... Ayokong humiwalay sa kanya. Pero... My mind tells me to stop fooling myself.

"I never love anybody the way I loved you. Ayoko nang pakawalan ka... Hindi na ko papayag na mawalay ka sakin..."

Napapikit ako ng mariin. Kung pwede lang... Kung pwede ko lang burahin ang mga ala-ala ko... Kung pwede ko lang kalimutan ka... Pero hindi ko kaya... Ikaw ang isinisigaw ng puso ko...

I hugged him back... Kusang gumalaw ang mga kamay ko. Kahit sa kaunting panahon lang... Bubuksan ko muna ang puso ko.

Humiwalay sya sa pagkaka-yakap at tumingin sa mga mata ko. Ramdam ko naman ang pagmamahal na binibigay nya sakin at ako rin naman... Until our lips met again. My tears fell. Not because of the pain. But because of the joy that he gave to me.

*************

***Unknown's POV***

"Sir, may meeting po kayo sa board mamaya." My assistant told me that earlier. Inulit nanaman nya.

"I know." Irita kong sabi. Kinuha ko ang suitcase ko at pinagpagan ang suot kong uniporme. Papasok ako sa school ngayon. Bilang guro ni Azer. Ngayong alam ko ng napagtanto na nya ang kapangyarihan nya, hindi ko na sya titigilan.

Kailangan kong maiganti ang pagkamatay ng asawa ko. Hindi ako papayag na hindi sya mapatay. Ngunit kailangan kong mapag aralan ng mabuti ang bawat galaw nya. At para magawa yun, kailangan kong makipag kaibigan sa kanya. Bilang si Mr. John Freign.

Sumakay na ko ng kotse. Kasama ko si Aloi. Ang secretary ko. Hindi sya tao. Isa rin sya sa thirteenth ward. At gusto kong sya mismo ang pumatay kay Azeya Montelvana. She's no use for me. Lalupa't may pagmamahal na sya para kay Azer. Wala syang kwenta.

"Sir, natanggap nyo po ba ang tawag ko?" Sabi ni Aloi. Nasa passenger seat sya kaya nilibgon nya ko.

"Yeah. Alam ko na yun" Simple kong sagot.

"Ano pong balak nyo sa black alliance?"

"May tamang panahon para sa kanila. Hwag lang silang haharang sa mga plano ko." I opened my phone. Agad kong tiningnan ang larawan ng akong asawa.

Sandali na lang mahal... Sandali na lang at makakamtan na natin ang hustisya... Pangako ko yan...

****************

***Azer Zarften***

It is not the typical day ng pasukan. Why? Kasi iba to sa mga unang araw ko. Kasi nga... Uhhhmmm paano ko ba sasabihin?

"Stop grinning. You looks like a dog." Sabi nya na cold pa. Nauuna kasi syang maglakad. Sino pa ba?

"Ikaw lang naman ang dahilan ng pag ngiti ko e." Inakbayan ko pa sya. Hindi naman sya pumalag. Tiningnan lang ako ng masama. "Kinilig ka noh?"

"Shut up." Kinain nya yung tinapay nya. Oo kumakain sya habang naglalakad kami.

"Kunwari pa yan... Ayiie.." Pinisil ko pa yung pisngi nya. Tinapakan naman nya yung paa ko. "Araaaayyy!!"

Blade X (Completed) 2016 VersionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon