Chapter 24

116 13 0
                                    

Chapter 24

***Azer Zarften***

Nakatulog ba ko?....

Hindi ko maimulat ang mga mata ko...

Ang sakit din ng ulo ko...

Teka... May tao...

Tao?...

"Azer?" Nakita ko bigla pagmulat ko ng mga mata ang mukha ng isang babae na may maikling brown na buhok.

"Sino ka?" Napa-upo ako bigla sa kama.

"Si Sephiel to Ace..." Sabi nya.

Ah. Si real Azeya pala to...

"B-bakit ka nandito? Nasaan na sya ?" Cold kong sabi. Ayoko syang harapin ngayon. Wala ako sa mood.

"Bumaba sya saglit para kumuha ng tubig." Sagot nya. "K-kumusta ka na, Ace?" She tried to smile. Pero kitang-kita ko ang pamumula ng pisngi nya. Meaning iiyak na.

Kumusta ako? Ito. Okay naman. Gulung-gulo pa nga e. "Okay lang." Sagot ko.

"Ace... I'm sorry..." She said. Umiiyak na sya. Ang bilis naman nitong umiyak. Magda-drama pa sana ako e.

"Sorry for what?" Sabi ko na nakatingin sa labas ng bintana. Ayoko syang makitang umiiyak. Nasasaktan din ako gaya nya

"Sorry kasi...."

"Gising ka na pala." Biglang bumukas ang pinto at lumitaw si Azeya na may dalang tray na may lamang isang basong tubig at tinapay.

"Azeya..." Tawag ko sa kanya.

She just looked at me with a blank face. "Sa susunod, hwag kang mag trespassing dito. Mapapatay na kita kapag ginawa mo pa yan."

Hindi mo pa man nagagawa, napatay mo na ko Azeya... Noon pa...

"Ate..." Sabi nung nagpapanggap na Sephiel. "Ate, I have to tell you this... Habang wala pa sila."

Pareho kaming napalingon sa kanya. Inilapag ni Azeya yung tray sa may mesang malapit sa kama.

"Huh?" Bulalas nya. "Ano namang sasabihin mo, Seph?"

"Ate... Kasi...." Hindi nya tuwid na masabi. "Ano... Kasi..."

"Kasi ano? Puro ka ganyan. Deretsahin mo na nga ko. Ano ba yun ha?" Mataray na sabi ni Azeya.

"Hinipnotize ka ni Alexa, ate... Kaya hindi mo maalala si Azer. Boyfriend mo..."

Hypnotize? Woah. Just woah. Ang tindi ah.

"Bangag ka nanaman noh? Kakanood mo yan ng SciFi." Natawa lang si Azeya. "O, Ikaw naman, bumangon ka na dyan at nang makaalis ka na."

"Azeya..." Yan lang ang nasasabi ko the whole minute. Wala akong masabi sa kanya.

"Wala akong panahon sa inyong dalawa." Matapos nun ay lumabas na sya.

Tiningnan ko yung tunay na Azeya. "Paano ko maibabalik si Sephiel sa dati?"

Nagulat sya nang banggitin ko ang tunay na pangalan nung tunay na Sephiel. Nakabawi rin naman sya.

"Kailangan mong kausapin si Alexa. Sya lang ang may alam sa ganyan..." Tumayo na sya. "Pero, hwag muna ngayon, Ace. Masyado pang vulnerable ang lahat. At busy sila sa paghahanda sa pag sugod ng thirteenth ward. Tyumempo ka...." Iniwan naman nya ko mag isa sa kwartong yun.

Iniwan nila akong dalawa...

Tumayo na ako at tinungo ang bintana. Mabilis akong tumalon pababa.

Pero......

Blade X (Completed) 2016 VersionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon