Chapter 21

144 11 2
                                    

Chapter 21

***Azer Zarften***

Nakakabagot....

Yun ang masasabi ko sa sarili ko. Kasi naman, kanina pa ko nakatunganga sa harap ng t.v at nanonood ng palabas na hindi ko naman maintindihan. Ewan ko ba... Ang boring dito sa bahay... Mabuti pa nung nasa misyon kami ni Azeya----no.

Sephiel pala.

Masama ang loob ko. Yes. I feel like I was deceived by two people. I feel exhausted with these things. Hindi ko ma-feel na may girlfriend ako... She lied to me. Yet, I can't help but to be worried for her. Mahal ko sya, hindi ko kayang magalit sa kanya.

Ganito siguro pag nagmamahal ka. Corny na, sawi pa... Haaaayyyy...

Nagkakamali ka kung iniisip mo na nanonood ako ng wrestling o boxing dahil yan ang tunog. Well, doorbell namin yan. Si mama ang nagpalagay nyan. Mahilig kasi silang manood ni papa ng wrestling.

Tumayo ako at tumungo sa may pinto. Binuksan ko ang main door at lumabas papunta sa main gate. Pagbukas ko, walang tao. Lakas naman ng trip nung nag doorbell. Trip siguro yung tunog nun. Hay nakooo.. As I turned around, mayroon akong nabanggang maliit na... BATA!

"Sino ka?! Tyanak ka ba??" Natakot ako kaya halos mapasiksik ako sa may gate. Ang liit nya kasi! Tapos para syang little red ridding hood dahil naka-red na damit sya. She just stared at me. Oo babae yung bata.

"Ato chi Chion.." Sabi nya.

"A-alien ka ba?! Hindi kita maintindihan!" Alien pala sya! New species! Nak ng!

"Ato chi Chion ! Ato chi Chion!" Sigaw nya. Paulit ulit. Hala!!! Anong ibig nyang sabihin?? Sasakupin nya ang mundo??

"M-minumura mo ba ko? O sinasabi mo na sasakupin mo ang mundo?"

"HUWAAA!! ATO CHI CHION!! HUWAAAAA!! NIYAYAWAY MO TO!!! BAD CHA! BAD CHA!! HUWAAA!!" umiyak yung alien. Umiiyak pala sila? Ang galing.

Kinaraga ko naman sya. Ang cute naman nya. Mukha syang manika. "Uy.. Sorry... Hindi ko naman alam na hindi ka nagsasalita ng salita namin e. Hayaan mo, bibilhan kita ng lollipop."

Pagkasabi ko ng lollipop biglang lumiwanag yung mukha nya. "Lollipop!!" Tuwang-tuwa syang niyakap ako. Aba! May emosyon din pala ang mga aliens! Nakakatuwa!

Actually, ako lang mag isa sa bahay. Kaya, pampawala ng stress, maglalaro kami ni alien girl. Haha!

***Azeya Montelvana***

"Si princess Zion nandito na!" Sabi ni Alexa. Si princess Zion ang anak ng punong ministro ng Seiren Land. Malayo yun dito at isang mystical country ang lugar na yun. Tanging mga Celestial Bodies lang ang nakakapasok dun.

"Paano nangyari yun?? Bakit di tayo na-inform agad?" Sabi naman ni Marjorie. Sya kasi ang dapat na mangangalaga kay Zion.

"Nag landing daw sa kung saan yung bata at hindi pa nakikita ng mga guards nya." Sabi naman ni Alice na patuloy na nagwawalis sa bakura.

"Hanapin natin sya!" Sabi ni Ann na full of confidence.

"Marami kaming inaasikaso na mga cases. Hindi kami makakasama ni Reiha. "Sabi ni Eunice.

"Sorry ... Hindi rin ako..." Si Alisa.

At lahat sila ay hindi pwede. Kami lang ni Ann ang pwede. Kaya kami ang napagdiskitahan. Okay lang. Naiinip na rin ako dito.

Habang nasa byahe kami, panay ang lagay ng foundation sa mukha si Ann. Gusto nya kasi lagi syang fresh tingnan. Kaya ayan, nag me-make up.

"Alam mo sis, dapat talaga mag usap na kayo e. Hay nakuuu... Pag pinatagal nyo pa yan, Ewan ko na lang.

Blade X (Completed) 2016 VersionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon