Chpater 7

394 22 4
                                    

CHAPTER 7

AZER

MASAKIT na tagiliran, masakit na katawan, masakit na mata. Paggising ko kinaumagahan, sobrang sakit ng buong katawan ko. Hindi ako makagalaw nang maayos at hindi rin ako makakain.

"'Buka mo bibig mo," utos niya sa 'kin. Sino pa ba? Binuka ko naman ang bibig ko. Lugaw lang ang kinakain ko sa loob ng 24 hours. Wala, e. Yun lang ang kaya ko.

"Isipin mo na lang litson 'yan." Natatawa pa siya habang sinusubuan ako. "Masyado kang malungkot, Zarften." She called me by my surname again.

Ang akala ko talaga, mamamatay na ko. Tagos yung espada hanggang sa likuran ko. But then, ito at humihinga pa 'ko. Ganoon 'ata talaga kapag masamang damo.

"Azeya, paano kung hindi na natin magawa ang misyon? Anong mangyayari kay Seph?" Tumingin lang siya sa mangkok 'tapos ay tumayo na. Inilapag niya iyon sa mesa sa tabi ng hospital bed ko.

"Marami pa tayong oras. H'wag ka munang mag-alala." Inayos niya lahat ng mga gamit.

"Pero..." agad kong tugon. "Ako yung isa sa mga halimaw. Nasa katawan ko pa rin siya... Mamamatay rin ako, 'di ba?"

Hindi siya sumagot. Tapos bigla niya 'kong tinalikuran. Dala niya yung tray na may lamang baso. "Azeya! H'wag mo 'kong iwasan!"

"Oo! Oo na!" Alam ko sa tono niya na naiinis siya. Kahit maikli lang ang pinagsamahan namin, nakilala ko na rin siya. Lalo pa't nakita ko ang nakaraan niya.

"Anong 'oo na?'" Naguluhan ako. Hindi ko alam kung "Oo, alam ko" or "Oo, mamamatay ka" ang meaning ng sinabi niya.

"Zarften, makinig ka..." Inilapag niyang muli ang tray at lumapit sa 'kin. Hinawakan niya ang pisngi ko. "Gagawa ako ng paraan para mailigtas kayo ni Sephiel, okay? Walang dapat na mamatay sa inyo..." And then she hugged me.

My heart started to pound fast. I understand why. Yet I don't know if this is the right time to fall in love with someone who already has a true love. And it wasn't me.

It's Leo...

***

"Anak! Diyos ko! Ayos ka lang ba r'yan, ha? Kumakain ka ba namg maayos?" nag-aalalang bungad na sabi sa akin ni Mom mula sa kabilang linya.

I answered her, "Yes, Mom. I'm very well fine." Hindi ko lang masabi na tadtad ako ng bandage sa katawan ngayon at pinilit ko lang sagutin ang tawag niya.

"Salamat naman kung gano'n, anak! Nag-aalala na kami rito ng mga kapatid mo, e. Pati ang dad mo."

"I know, Mom. Thanks... I love you... Bye." Yun lang at naputol na ang koneksyon. Kailangan lang tumagal ng 15-30 minutes ang conversation for their safety. Baka raw kasi ma-trace kung nasaan ako.

"We have to go," sabi ni Azeya habang iniimpake ang mga gamit ko. Medyo okay na rin 'ko. Pero may bandage pa rin ang tiyan ko dahil hindi pa humuhilom ang sugat.

Nagsuot ako ng gray hoodie at tinted na shades. Disguise kumbaga. Delikado kasi kapag nakita kami ng mga kalaban. Si Azeya naman ay may suot na sunglasses at naka-jacket na maong. Sa ilalim no'n ay isang black na sando. At aaminin ko na hindi ko maiwasang magka-crush sa kaniya. She's sexy and beautiful. Hindi mo aakalaing hindi siya tunay na tao. By her looks, aakalain mo pa siyang model o actress.

Sumakay kami sa kotse. Yung kotse na lagi naming ginagamit. Siya na rin ang nag-drive.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko sa kaniya habang hinahalungkat ko ang bag pack ko. Hinahanap ko ang maliit kong notebook.

Blade X (Completed) 2016 VersionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon