Chapter 23

133 13 3
                                    

Chapter 23

***Gerald***

Ang sakit ng mata ko.... Ang init-init naman dito. Nasaan ba ako?

Teka, teka lang... Saan nga ba ako pupunta? Ah! Naalala ko na! Sa mga Montelvana nga pala ako pupunta! Tama! Kailangan ko nga pa lang makita si James! Tama! Naku! Kailangan ko ng mag madali! Nasasayang na ang oras! Baka hindi ako maka-abot at maunahan ako ni Filimon!

"Hoy! Mister! Bayad mo!" Sigaw nung maning sa karinderya.

"Pasensya na ho manong! Wala akong pamabayad! Hayaan nyo ililigtas ko kayo sa pagdating ni Selphira!" Sigaw ko at pinaharurot ang motor ko.

"HOY!! BUMALIK KA RITO!! HOOOYYY!!"

Ang kulit naman ni manong e. Sabi ko ililigtas ko na lang sya sa pagdating ni Sephira.

Si Selphira ang wicked witch ng Celestial World. Ang mundo ng mga Zodiac monsters. Kaya pala laganap pa rin ngayon ang mga masasamang halimaw.

Kailangan ko lang mahanap ang hinahabol ni Selphira na si Leo: The Lion. At ang kalaban nyang si Aries: The Ram. Naku po naman o!! Ang laki pa naman ng lugar na to!! Saan ko kaya sila makikita???

May mga lalaki na humarang sa akin. Mga nasa lima sila. Tsk... Malalaki lang katawan pero mga bahag nga buntot nyan panigurado.

"Boss, ganda ng motor mo ah. Arborin na namin." Sabi ni tabachoy. Tsk.

"Hwag kayong humarang sa daan. Kung ayaw nyong mabangasan"

"Yabang mo bata ah! Ano lalaban ka?!" Sabi nung rabbit ang ngipin.

Walang sabi-sabing tumayo ako sa motor ko at inilabas ang espada ko. Pina-liwanag ko iyon. At lahat sila, nabulag.

"AAAHHHHH!! HALIMAW!!"

Nagtatakbo sila na wala naman silang nakikita. Tsk.. Sabi sa inyo e, bahag ang mga buntot e. Ahahaha!

"GERALD?!"

Nilingon ko yung tumawag sa akin. At nakita ko nanaman ang mukha ng babaing to. Ang babaing nanakit sa pagkalalaki ko! Ang babaing sumira ng pants ko! At ang babaeng una kong...

"ANN!"

***

"Ano namang ginagawa mo dito ha? Nagnanakaw ka nanaman ba ng seashells?" Natatawa pa sya habang sinasabi yan.

"Ewan ko sayo." Sabi ko. Nakayakap sya sa akin habang naka-angkas sa motor ko.

"May abs ka na pala!" Hinawakan nya yung tyan ko.--Waaahhh!! Ayan nanaman sya!!

"HOY BABAENG ANO! TIGILAN MO NGA YAN! GUSTO MO BANG MABANGGA TAYO?!"

"Bakit, Gerald? Nagawa na natin yun Dati di ba?"

"ANO BA!! ARRGHH!! TIGILAN MO KO!!"

Nakakainis! Pinaaalala nanaman nya yung nangyari! Kainis!! Nagtatawa lang sya sa sinabi ko. Kainis talaga o! Sa lahat naman ng pwede kong makita... BAKIT SYA PA?? MAY GALIT BA SA AKIN ANG MUNDO?!

***

~Ang Love story nina Ann at Gerald~

Noong unang panahon, nang nakatira pa noon ang binatang si Gerald sa lugar na kung tawagin ay Alphaz, nakilala niya ang pinakasikat na mandirigma ng taon: si Ann.

Sikat sya sa bansag na 'Archer X' at hindi makapaniwala ang binata na isang babae ang nakapatay sa libong nga halimaw sa kanilang baryo. Hindi pa man nakikita ng binata ang babae'y hinangaan na niya ito.

Blade X (Completed) 2016 VersionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon