Chapter 9

271 19 3
                                    

CHAPTER 9

AZEYA

"SERYOSO ka ba ro'n?" sabi niya na parang may halo pang pagdududa. Kung pwede ko lang ibalibag 'to sa labas, ginawa ko na, e. Kaso may awa pa naman ako kaya hindi ko ginawa.

"Kung ayaw mong maniwala, huwag kang maniwala." Patuloy pa rin ako sa pagmamaneho. Lagi naman akong taga-drive, e.

"Ang alam ko kasi, yung mga gaya niyo, hindi pwedeng mabuntis. Kasi nga 'di ba... hindi kayo... tao..."

"Alam mo naman pala, nagtanong ka pa." Inirapan ko na lang siya. Minsan, hindi rin matikom ang bunganga nitong si Azer, e. Kung anu-ano ang pinagtatanong.

Tumahimik naman siya pagkatapos. Dahil kung hindi, susupalpalin ko lang din siya. Ilang oras pa ang nakalipas at nakarating na kami sa pupuntahan namin. Sa lugar kung saan, hindi ko na dapat puntahan pa.

"Wow!" Hangang-hanga siya habang nakatingin sa gold na gate ng mansyon. Labas pa lang nakakamangha na para sa kaniya. Paano pa yung loob?

"Hi, Ma'am. Sino pong sadya niyo rito?" sabi nung gwardya na nasa labas lang. Kung makatingin ang lagkit. Dukutin ko mata niya, e.

"Marjorie Stevan," simple at malamig kong tugon.

"Naku, Ma'am! Kaaalis lang po, e. Balik na lang kayo." Kinindatan niya pa 'ko. Tukmol na 'to! Malilintikan 'to sa 'kin.

"Papasukin mo kami," saad ko.

"Sorry, Ma'am, pero hindi po kami nagpapapasok ng taga-labas." Sumeryoso na si manyak.

"Sir, kaibigan naman po siya ni Miss Marjorie, e. Sige na, o." Pamimilit ni Azer. At kaibigan? Kailan ko naging kaibigan ang babaeng 'yon?

"Pasensya na talaga. Napag-utusan lang po ako." Lumapit na siya sa 'min.

"Aalis na lang—" Tatalikod na sana si Azer pero pinigilan ko siya. "Azeya?"

"Hindi ako naniniwala sa 'yo. Alam kong nasa loob ang babaeng 'yan. Palalabasin mo siya rito o..." Inilabas ko ang espada ko at itinutok sa leeg niya. Halatang nagulat pa siya sa ginawa ko. "...papatayin kita? Pili ka lang."

"M-ma'am... Napag-utusan lang po talaga 'ko. M-maawa po kayo sa 'kin..."

"Azeya, huwag kang ganyan..." pagpigil sa akin ni Azer. Sampalin ko kaya 'to? Pakialamero.

Bigla naman akong nakarinig ng papalapit na kotse sa 'min at halatang sasagasaan talaga kami. Itinulak ko si manyak na guard at sinipa ko palayo si Azer. Sa bilis ng mga pangyayari, buong lakas kong iniharang ang kamay ko at sa lakas ng impact ng kotse, nayupi ang harapan.

Nakita ko ang nakangising babaeng pinakakinasusuklaman ako nang sobra. Kasama ang alalay niya na assassin din. Si Freeda.

"Azeya! Nice to see you again!" plastik nyang sabi sa 'kin. Sapakin ko kaya 'tong Freedy na 'to?

Lumabas si Marjorie sa kotse. Naka-shades pa at may nakasalpak na sigarilyo sa bibig. She wears her office suit. Meaning, naka-assassin suit siya. Hapit na hapit ang damit na akala mo prostitute. Feeling hot chick.

"Azer! Oh my gee!" Tumakbo si Freedy kay Azer. Nawalan ng malay si mokong. Napalakas ata ang sipa ko.

"Antonio, itapon mo na ang kotseng 'yan. Hindi ko na kailangan," utos niya sa guard na gulat pa rin. Kumilos naman ito at tumayo.

"Ikaw, pumasok ka na sa loob." Iyon lang at tinalikuran na niya ko. Astig din 'to, e. Sarap sabunutan.

PINATULOY niya muna sa kwarto niya si Azer. Wala pa rin kasing malay kaya hihintayin ko muna siyang magkamalay.

Blade X (Completed) 2016 VersionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon