Chapter 30

121 9 6
                                    

Chapter 30

***John Sander***

Dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko. Hindi ko masyadong maaninag ang paligid. Nakakakita ako ng maraming color. They all swayed with the wind. Parang gumagalaw...

Gumagalaw?

I opened my eyes widely. Nasa gitna ako ng kalsada! Teka! Bakit ako nandito?! Kanina lang kasama ko si Azeya ah! Paanong... Nagteleport ba ako?!

"Sumunod ka sa akin." May babaeng humawak sa kamay ko. Hinila nya ako para sumunod sa kanya. Sumunod naman ako kahit shock pa rin.

Nasaan ba ako? Bakit parang pamilyar ang lugar na ito? Nilinga ko ang paligid. The people were busy with their businesses. May mga sidewalk vendors, takatak boys, may ragbi boys, may mga nakaparadang jeep, traffic pa, at iba pa. A normal day---night na pala dito.

Huminto ang babae sa paglalakad. Nasa esknita kami. May hawak syang libro at nakasuot sya ng school uniform namin. Uniform namin...kaklase ko ba sya?

"Sino ka?" I asked.

Humarap sya sa akin. "I'm Zion."

"Sinong Zion? Wala akong kilalang Zion. Isa pa, nasaan ba tayo? Bakit ako nandito?" Naiinis kong sabi. Nakasuot pa sa akin ang headphones ko. Nakalagay pa nga ang mp3 ko sa bulsa ng damit ko e.

"Hindi mo talaga ako kilala dahil si Azer Zarften kang ang kilala ko." She said. She's emotionless. Wala akong mabakas na emosyon sa mukha nya.

Wait... Si Azer nga pala! Nakita ko sya kanina habang nag uusap kami ni Azeya about sa plano nya. Kasama nya yung Sephiel. Kaso.. May biglang kumuha kay Azeya at the last thing I knew was...I'm unconscious.

"Nasaan si Azer?" Nagpalinga-linga ako.

"He's not here." Sabi nung babae na may libro.

"Nasaan ba sya? Kasama ko ba sya dito?"

"Hindi. Hindi natin sya kasama." Lumapit sya sa akin. "May kailangan akong ipakita sa iyo."

"At ano naman 'yon?" Kunot noo kong sabi. Nahihiwagaan na ako sa babaeng 'to.

Itinaas nya ang kanang kamay nya. May lumabas na bilog sa no'n at may star sa loob. May mga nakasulat sa loob.

"Nasa past tayo kaya makikita mo si Azer." Sabi nya. Tapos biglang nagliwanag ang paligid.

***

Napunta kami sa isang nursery school. Ang daming mga batang naglalaro. Para bang hindi kami napapansin ng mga tao doon. Wala ni isang lumalapit sa amin.

Until mapansin ko ang isang payat na batang lalaki na nakaupong mag isa sa swing. He was lonely. Wala syang kausap. At walang pumapansin. Liban sa teacher nila.

She was blonde and she's beautiful. I think, nasa mid twenties na sya. Nilapitan nya ang bata at tinapik ang ulo nito. Kinausap nya ito at ngumiti naman ang bata. Tapos biglang inubo.

"That kid was Azer Zarften," sabi nung babaeng katabi ko. "He's not a normal one. Sakitin sya kaya wala syang naging kaibigan. He's a loner ever since."

Loner. Totoo naman 'yun. Nang makilala ko si Azer, wala talaga syang kinakausap. Akala ko nga hindi ko makakasundo ang isang yon e.

"But, something is wrong." Sabi nya.

"O, ano naman 'yon?" Sabi ko. Tapos bigla nanamang lumiwanag. Nag iba nanaman kami ng location. "What the!"

This location ... O remember this! Highschool na kami sa lugar na 'to ah! Dito kami nag aral ni Azer!

Blade X (Completed) 2016 VersionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon