Chapter 34

87 7 1
                                    

Salamat sa mga nagbabasa :)

♦♦♦

"Aries..."

Nakatulala lamang si Leo habang pinagmamasdan ang babae na nasa harap niya. Dalawang babae na magka-mukha.

Tiningnan ni Seraphiel ang lalaking may baluti. Hindi man niya maalala ang pangalan nito, ramdam niya ang koneksyon niya sa lalaki.

"Mommy..." umiiyak na wika ni Sephiel. "Paano nangyari'ng buhay ka?" hinarap niya ang ina na hamggang ngayon ay wala pa ring emosyon.

Ibinu-buka at isina-sara ni Seraphiel ang bibig. Wari'y hindi matukoy ang sasabihin. Napayuko na lamang ito.

"Sephiel," sabi ni Leo mula sa likuran niya. "Huwag mo na s'yang pag-aksayahan ng panahon. Umalis ka na dito. Kailangan mong makuha ang libro."

"Isasama ko si mom." matigas na wika ni Sephiel. "Hindi ko sya iiwan dito."

"Hindi mo s'ya isasama. Halika na!" hinatak na ni Leo ang braso ni Sephiel. Ngunit nag-matigas ang babae at ayaw sumama. "Sephiel!"

"Huwag mo akong diktahan, Leo! May sarili akong desisyon." She coldly said. Binalingan ang ina. "Halika na, mom. Sumama ka na sa akin."

Nagpa-tianod lamang si Seraphiel sa babaeng hindi nya kilala. She also heard that Leo man groaned. Mukhang naiinis ito sa katigasan ng ulo ng babaeng humihila sa kanya.

Malapit na silang maka-labas ng gusali nang biglang may nagpa-putok ng baril. Napahinto silang tatlo sa pagtakbo. Ang daanan upang makalabas sila ay nagsara na nang tuluyan.

"At saan nyo balak dalhin ang asawa ko?" wika ni Joseph na nagmula sa likuran at may hawak na baril.

"Hayop ka!" sigaw ni Sephiel. "Ano'ng pinagsasabi mo? Hindi mo s'ya asawa! Asawa sya ng daddy ko!"

Isang putok nanaman ng baril ang umalingawngaw. Inilagay ni Seraphiel sa tainga nya ang dalawang kamay. Natatakot sya sa nadidinig. Nanginginig siya habang nakaharang sa harap niya si Sephiel.

"Asawa ko s'ya. Kinuha nyo lang sa akin kung ano ang akin!" Galit na galit na wika ni Joseph. "Magsama kayo ng walang kwenta mo'ng ama!"

Mabilis na kinalabit ni Joseph ang gatilyo ng baril, ngunit maagap na nasalag ng espada ni Sephiel ang bala niyon. Patuloy sa pammaril ang lalaki na sinasalag lamang ni Sephiel. Nang maglakad na ito palapit sa kanila ay tiningnan ni Leo si Seraphiel na nakaupo sa sahig.

"Tumayo ka d'yan!" marahas na hinatak ni Leo si Seraphiel sa braso. Nagulat pa ang babae.

"Bitiwan mo sya Leo!" sigaw ni Joseph. Ngunit huli na. Lumutang ang katawan ni Leo sa ere habang yapos-yapos ang bewang ng babae.
"Leo! Saan mo dadalhin ang mommy ko!?" histerikal na sigaw ni Sephiel. "Bitiwan mo sya!"

"Mali ka, Sephiel. Hindi mo ina ang babaeng ito." Sephiel saw his cold dark eyes. Puno ng paghihinakit ang mga mata nito.

"What the heck do you mean?! Baliw ka na ba?!"

"Let her go, Leo! Let go of my wife!" tinutukan ng baril ni Joseph si Leo at pinaputukan ito. Pero nagkaroon ito ng barrier at natunaw lamang ang bala. "Fck! Let her go!"

"Sephiel..." tumingin si Seraphiel sa dalagang may pangalang 'Sephiel'. Nakita niya ang pag aalala sa mga mata nito.

"Mommy..." Halos maiyak si Sephiel. Pilit inaabot ni Sephiel ang kamay ni Seraphiel.

"Hindi mo sya ina, Sephiel." sabi ni Leo. "Dahil... Siya ay ikaw mismo."

•••

"JOHN!" bati ni Azer sa kaibigan habang inaayos nito ang mga gamit sa loob ng locker nito.

Blade X (Completed) 2016 VersionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon