Chapter 2

811 38 7
                                    

CHAPTER 2

IT'S been two weeks mula nang mangyari ang malagim na pangyayari na 'yon. Natanggap na rin ni Auntie ang lahat. Pero ako? Hindi pa. Naninindigan ako sa paniniwala ko. At kung anuman ang pinaniniwalaan ko, yun at yun iyon.

"I'm off," sabi ko bago ako tuluyang lumabas ng bahay.

"Kuya." Sumunod sa 'kin si Eisle—yung kapatid ko na pumigil sa 'kin no'ng araw na nakita ko si Sephiel.

"Yeah? Ano 'yon?"

"Pakibigay po 'to kay Ate Sephiel." Inabot niya sa 'kin ang isang maliit na box. "'Di ba classmate mo siya? Please, Kuya?"

I sighed. Kaya ko na bang kausapin si Sephiel? Pero, para lang to sa kapatid ko. Kinuha ko yung box at isinuksok 'yon sa bulsa ng pants ko. "Alright. Pero isa lang 'to, ha? Bukas, wala na."

"Yehey! Thank you, Kuya!" Then he hugged me.

Kung alam mo lang, Eisle. Kung alam mo lang ang pinagdaraanan ng kuya.

***

"Yes! Vacation is coming to us!" sigaw ni Rabie sa room. Binato siya ni Lawrence ng eraser. At nagtawanan ang lahat. Ako? Nakapalumbaba at nakatingin sa labas ng bintana.

Wala na 'kong gana para magsaya. Mas kailangan kong pagtuunan ng pansin ang nangyari sa uncle ko. But it's not only because of my uncle. It's also because I want to know the truth behind Sephiel's mysterious action.

"Ace..." Isang pamilyar na boses ang bumasag sa katahimikan ko. "Can we... talk?"

"YOU know me, Ace, I can't do such thing! Hindi ko maatim gawin ang bagay na yun!" saad niya matapos ang ilang sandali nang makarating kami sa school garden. Hindi ako tumitingin sa kaniya. I'm just keeping my mouth shut at nakatingala lang sa langit habang ang dalawang kamay ko ay nasa bulsa ko.

"Ace, please, listen to me. Please..." I know, naiiyak na siya. Alam ko namang iyakin siya, e. Ayoko lang ipahalatang naaawa ako sa kaniya.

At gaya ng inaasahan ko, umiyak na nga siya. "A-Ace... Why can't you believe me? Hindi ako nagsisinungaling! Totoo ang sinabi ni Paulo. Hindi ako pumunta ro'n!" She sobbed. "Why don't you trust me? Look at me, Ace! Look at me!"

Hinila ko siya pasandal sa punong malapit sa 'min at hinawakan ko ang pulsuhan niya. Mahigpit. Para maramdaman niya kung anuman ang nararamdaman ko.

"Ace..." She's still crying.

"How can I trust you after that? I saw it... and I believe THAT IS YOU!"

"Ace, listen to me! I'm not that girl! Hindi ako yo—"

Hinigpitan ko pa ang hawak sa kaniya. "H'wag mo nang bilugin ang ulo ko, Seph! Kung sila napikot mo, pwes ako, HINDI."

"Really?" May nagsalita sa likuran ko. Babaeng boses. At paglingon ko, isang malakas na suntok ang sumambulat sa'kin.

"Lampa," saad niya. Kinapa ko ang ilong ko. Dumugo iyon sa sobrang lakas ng suntok niya. I looked at her at nagitla ako sa nakita ko. Dalawang Sephiel!

Sandali... nahihilo lang ba ko dahil sa suntok niya? Sinampal ko ang sarili ko. Hindi! Dalawa pa rin sila!

"Azeya! Bakit mo ginawa iyon?" sigaw ni Sephiel #1.

"Sephiel, dapat lang 'yan sa gagong bumabastos sa 'yo," sabi ni Sephiel #2 na ang pangalan ay Azeya.

"Ace? Ace, are you okay?" Tinulungan akong makatayo ni Seph.

"K-kambal kayo?" naguguluhan kong sabi.

"Oo..." mahinang sabi ni Sephiel. "Her name is Azeya Montelvana." Tiningnan ko yung babaeng sinabi niyang Azeya. Napatingin ako sa mga mata niya. It was redish brown. Lumingon naman ako kay Seph. It's brownish.

Blade X (Completed) 2016 VersionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon