~♥~ Flashbacks (5) ~♥~

Start from the beginning
                                        

" I see." Sabi nya at napatigil, halatang nag-iisip. " Sisimulan ko'to dalawang buwan bago ang kasalukuyan sa kwento mo, nak." Sabi ni tito Jaxton na ikinakunot ng noo ni Jakxic.

" Bakit bago magdalawang buwan sa kwento ko, dad? I mean, sa'kin kasi ay isang buwan lang. Bakit sa'yo, dalawa?" Kunot noong tanong ni Jakxic/Monkey kaya tumawa naman si tito Jaxton.

" Para malaman mo ang pakiramdam ko bilang ama at ang mga nangyari sa'min ng kasaman kong ulol dito!" Nakangiting sabi ni tito Jaxton habang naka tingin sa lalaking katabi nya na nakangiting umiliing.

" Fine, ikaw ay ang magsmimula ng kwento nating dalawa, sisingit nalang ako." Sabi ng lalaking tinutukoy nya. Napatango naman kami at tumahimik nanaman ang lahat.

" Ahem! Sa kwento ko, isasama ko'tong matalik kong kaibigan, maayos ba?" Nakangising tanong ni tito Jaxton habang nakaturo sa katabi nyang laki. Tumango tango lang naman sila.

" Maayos naman." Halos sabay sabay nilang sabi. Napangiti naman sya.

" Bakit? Tito... Bakit kailangan mo pang isama?" Kunot noong tanong ko sakanya.

" Malaki kasi ang kinalaman nya sa nakaraan. May babae rin akong babanggitin sa nakaraan. Ang babaeng 'yon ay ang mahal ng katabi kong ulul na'to." Pagpapaliwanang ni tito Jaxton kaya napatango tango naman ako.

----------------------------------------------------
*ɪʙᴀɴɢ ᴛᴀᴏ ɴᴀɴᴀᴍᴀɴ ᴘᴏ'ᴛᴏ!
*ᴅᴀᴅᴅʏ ɴɪ ᴊᴀᴋXɪᴄ!
#ɴᴀᴋɪᴋɪ Sᴀᴍᴀ ʟᴀɴɢ ᴘᴏ'ᴛᴏ Sᴀ
ᴋᴀɴɪʟᴀɴɢ (ᴘᴏᴠ) ʙᴜᴛ sᴛɪʟʟ.. .
#Ʀᴇᴍᴇᴍʙᴇʀ ᴛʜᴇ ᴅᴀᴛᴇ.
-----------------------------------------------------

( Jaxton Atlanta, Corleone Point Of View )
<< Mon. Jan. 28, 2017.>>

[{-Kailangang pag-isipan natin ang mga bagay nna kailangan nating gawin, nasa huli ang pagsisisi. Magsisi kaman. .. Hindi na mababago no'n ang sakit ng damdaming naidulot mo sa taong nagawan mo ng pagkakamali.-}]

Na upo ako ngayon sa swivel chair habang hinihintay 'yung report sa'kin ng inutusan ko kung saan makakahanap ng pinakabagong Sniper dito sa America. Malapit na kasi ang 11th Birthday ng anak kong si Jakxic.

Kahit nagpabaya ako at inuna ko ang trabaho kong 'to, alam ko parin ang gusto ng anak ko. Alam kopa rin naman 'yung mga bagay na gusto nya at ayaw nyang gawin.

**Buntong hininga!**

Ang bagong Sniper lang ang alam kong makakapagpasaya sa anak ko.

'Hindi mali ka ng iniisip.' Sabi ng isip ko.

pv___vq

'Ang makakapag pasaya sa anak ko ay kung ipaparanas ko sakanya ang normal na buhay ng pagiging bata at ang makasama ako, ang mabuo ang pamilya namin, pero hindi, eh, nagkamali ako.'

Natatandaan kopa noong bata ang anak ko na inapakan ko'yung laruan nya hanngang sa masira 'to.

'Kitang kita ko kung paano ako tignan ng anak ko no'n. Kitang kita ko sa mata nya 'yung pagtataka na kung bakit ko ginawa 'yon. Kitang kita ko na naguguluhan sya, dahiln ayun 'yung sinasabi ng mga mata nya. Kitang kita ko sa mga mata nya 'yung hatred sa'kin ng oras na'yon. Kitang kita ko kung paanong manubig 'yung mata nya. At nasasaktan ako ng makita ko lahat ng 'yon! Napaka walang kwenta kong ama at wala man lang akong masabi sakanya kung bakit ko sinira yung laruan nya. Sa totoo lang, gusto kong maging matatag ang loob ko sa magiging pasya nya dahil alam kong kapag nasa tamang edad na sya at nagkaroon na sya ng kaalaman sa lahat ng bagay ay malalaman na nya 'yung mundong ginagalawan ko. Kaya gusto ko syang maging matatag.

'Til The Perfect DayWhere stories live. Discover now