❤️ chapter 33❤️

Start from the beginning
                                    

"Paki ulit, hindi ko narinig." Seryoso kong sabi.

"Ayoko nang ulitin, kapagod."

"Wow ha! Ikaw pa ang ganang magsabi niyan. Tangina! Lunukin mo ang sorry mo hindi kita mapapatawad."

"Fia---"

"Huwag na huwag mo ako tatawagin! Leche ka!"

"Okay fine."

"Date tayo."

Muntikan ko ng maibuga ang gatas dahil sa sinabi niya. Bigla nalang sumulpot sa kung saan ang mga ugok. Leche! Kanina pa sila nakikinig?

"Hey! Anong date?"

"Spade huwag kang epal."

"Date pala huh?"

"Walang forever!"

"Walang date na magaganap!"

"Isumbong kita kay kuya."

"Diskarte mo rin Spade."

Napairap nalang ako, "Mga chismoso!" Iniwan ko sila sa kitchen at pumunta sa sofa.

"Hindi ba tayo pupunta sa party?" Tanong na naman ni Kev.

"Pumunta ka mag Isa mo!" Sigaw ni Carl.

Gusto ko rin sana pumunta sa party kaso potaaa! Itulog ko nalang Ito.

"Laro tayo!" Sigaw ni Francis.

"Anong laro?"

"Lie or dare."

Ngumiwi naman ako, "Baka truth or dare ang ibig mong sabihin?"

"Lie or dare nga!"

"So pano yun?" Mukhang interesado rin si Khanz sa kalokohan ni Francis.

"It's lie truth or dare but imbes na truth ang isang option. Ginawa kong lie. Magsasabi ka ng kabaliktaran ng ginawa mo. Yun yun!"

"Game!" Sigaw nilang lahat at umupo ng pabilog. Nakisama na rin ako.

"Spade uupo kalang ba diyan?" Tanong ni Alex sa kaniya dahil nasa sofa pa siya at nanunuod ng tv.

"Tsss." Tumabi siya kay Carl na nasa harapan ko.

Dumating si Xharles na may dalang zonrox. "Kailangan uminom ng zonrox ang umayaw sa dare at hindi magsabi ng lie."

Napalunok nalang kaming lahat. Seryoso ang gago!

Nagsimula silang paikutin ang bote. Sa direksiyon ni Alex ang bibig ng bote huminto.

"Lie or dare?" Tanong ni Thor dahil sa kaniya ang dulo ng bote nakatutok. Kaya siya ang magtatanong.

"Lie," simpleng sagot ni Alex.

"May gusto ka kay fia?"

Namilog ang mata ko.

"Wala,"

Pakyu ka Alex!

Pinaikot ulit nila ang bote. Si Jin.

"Lie or dare?"

"Lie,"

"May krasssss ka na ba?" Tanong ni Ram.

"Meron,"

"Bakit wala pa?" Tanong ni Glenn.

"Dahil siya parin hanggang sa huli."

Class 1-AWhere stories live. Discover now