20

15 0 0
                                    

“Aray ko! Araaaayyyy” sigaw ng lalaking hawak ko. Sa sobrang gigil ko dahil kay Aya nakalimutan kong hawak ko pala ito.

Nagtaasan ng kamay ang mga lalaki. Lumapit naman sakin si Arrister. Hinubad nito ang coat at pinasuot sakin.

Binigay ko kay Aya ang lalaki saka tinignan sya ng matalim. Tumango lang ito at inakay ang matanda.

Padarag akong hinatak sa braso ni Arrister palabas.

“Teka naman! M-masakit!” reklamo ko sakanya.

Tumigil ito sa paghatak sakin. He holds my right hand and intertwined our fingers then he continue walking out of the bar.

Tumikhim ako, pilit na tinatago ang ngiting namumuo sa mga labi ko.

Tss. Simpleng hawak lang sa kamay kilig na kilig ka na Josh!. Get a grip!!’

Nakarating din kami agad sa labas dahil sa bilis ng lakad ni Arrister.

Nakita ko si Anne at Cyrill, nagiintay ito sa labas ng van kasama ang iba pang babaeng missing.

Bumitaw ako sa hawak ni Arrister para makapunta sa dalawa pero tumakbo na ito papunta sakin at dinamba ako ng yakap.

“Ate” “Erina” sabay na sabi ng dalawa.

Natawa ako ng muntikan kaming matumba dahil sa pagyakap nila sakin.

“Thank you, Erina!” humihikbing sabi Anne. “Di ko alam kung anong gagawin ko kung hindi kita kasama. Maraming Salamat talaga.”

Narinig ko naming tahimik na umiiyak si Cyrill. Alam kong mahirap ang pinagdaanan nya dahil sa murang edad naranasan nya na ang gantong trabaho.

Gumanti ako ng yakap sa dalawa. Dama ko pa rin ang takot ng mga ito.

“Thank you din sa pagtitiwala sakin.” Mahinang sabi ko. Hinaplos ko ang likod ni Cyrill dahil kanina pa ito umiiyak.

“By the way,” Anne brushed her tears. “Bakit mo kami tinulungan? At marunong ka ng martial arts.” Shet! Eto  na nga ba sinasabi ko eh.

Nakita ko si Aya na nakatitig lang sakin with a what-now-look.
Kumawala ako sa yakap nila.

“Can we talk about this for some other time?” palusot ko. “Kailangan pa nating umalis dito at gusto ko ng magpalit ng suot.” Naalala ko si Arrister. Lumingon ako kung nasan ito pero wala na ito sa pinagiwan ko sakanya.

“Nasa sasakyan ko na. Sya ang kasama ko kanina papunta dito sa Pampanga.” Biglang sabi ni Aya.

Tumango ako at nagpaalam na sa dalawa. Nagpasalamat ulit sila bago tumungo sa van na naghihintay para sakanila.

Nang makita kong nakaalis na ang van ay agad akong naglakad papunta sa sasakyan ni Aya.

Si Aya na pinag take charge ko sa kaso na to. Kaya nya na yon. May uunahin pa akong mas mahalaga.

Nakita ko itong nasa backseat. Malakas na buntong hinginga ang ginawa ko bilang paghahanda sa kung ano mang mangyayari kapag pumasok ako ng sasakyan.

Pumasok ako at tumabi sakanya.

Ilang minuto na ang nakalipas pero hindi pa rin ito nagsasalita. Nakatingin lang ito sa bintana parang ayaw tumingin sakin.

“H-hey!” bati ko dito.

Wala akong natanggap na sagot mula sakanya.

‘Sungit!’

Napalabi na lang ako dahil parang hangin lang ako dito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 22, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Played By FateWhere stories live. Discover now