13

10 4 1
                                    

Blacey!

Mabilis na nangilid ang luha sa mata.

I know matapang si Blacey, she can handle any fight basta hindi lalaki ang kaharap nya.

She have Post Traumatic Disorder kaya naging sniper sya sa organization dahil hindi nya kayang malapit sa nga lalaki lalo pa't labanan ito.

Saaming tatlo si Blacey ang pinakamahina emotionally. She's putting her façade mask. Akala mo ok sya pero alam namin na hindi naman talaga.

Mas lalong nanlalabo ang mata ko. Feeling ko anytime mawawalan ako ng malay.

Gamit ang pamputol ko sa wire, sinugatan ko ang braso ko para maramdaman ko ang sakit at hindi ako mawalan ng malay.

"What the! Anong ginagawa mo sa sarili mo?" Galit na hinablot ni Arrister ang braso ko.

Binalingan ko sya ng tingin at saka masamang tingingan sya.

"Shut up!" Malamig na sabi ko at binawi ang kamay ko.

Pikit mata kong pinutol ang isang wire. Fortunately, huminto ang timer ng bomb. Madali kong inalis ito sa katawan ng babae at saka sinabihan sya na lumabas ng mall at ipaalam na may bomba sa jewelry store na ito.

Tumango ito at nagpasalamat bago tumakbo palabas.

Binalingan ko si Arrister na ngayon ay nakahinga na ng maluwag pero bakas pa rin sa mukha nya ang pagaalala.

"You too. You should go outside and wait for me there. Dun ka sa madaming tao. May gagawin lang ako" sabi ko sakanya.

"No! I'm coming with you. At pano mo nakakausap si Aya ng wala ka namang hawak na phone? Nasan silang dalawa? Yung sugat mo nagdudugo." malumanay nitong sabi sakin.

Hays, bodyguard nga pala ako nito. Di ko sya pwedeng iwanan magisa.

"Fine! Sumama ka sakin pero wag ka ng tanong ng tanong." Mataray kong sabi sakanya.

"Let's go!" dagdag ko pa.

Pilit kong binabalewala ang sakit sa tama ng baril sakin. Blacey needs me mas importante sya kaysa sa nararamdaman kong sakit.

Naramdaman kong sumabay sa pagtakbo sakin si Arrister. Alam kong natatakot sya pero pilit nyang pinapatapang ang sarili.

Nakarating din kami agad sa floor kung nasan si Blacey. I saw her fighting two men.

Hindi sanay si Blacey sa close combat pero magaling naman to. Kayang kaya nyang patumbahin ang limang kalaban basta hindi ito lalaki.

We knew her history, kaya hanggat maari di namin sya pinapalapit sa lalaki.

I saw how she flinched when the man touched her. Nakita ko ang takot sa mga mata nito kaya agad akong tumakbo papunta kay Blacey.

Hinawakan ko ang kamay nitong nakahawak kay Blacey. Diniinan ko ito dahilan para mabitan nya si Blacey. I twisted his arm then tripped him kaya napahiga sya. Tinadyakan ko ang tagiliran nito at saka bumaling kay Blacey.

"Are you ok?" tinignan ko pa ang kabuuan nito.

"I-I'm fine. T-thank you!" nangingig ang boses nito at maluha luha nya akong tinignan.

Akmang may susugod sa likod nito kaya mabilis kong hinila si Blacey kaya nagkapalit kami ng pwesto.

Isang suntok ang sumalubong sakin, mabilis kong iniwasan ito. Tinaas ko ang tuhod ko at saka buong pwersa kong tinuhod sa tiyan ang lalaki.

May naramdaman akong presensya sa likod kaya lumingon ako pero bago pa ako makagawa ng aksyon ay nakita kong hinila ni Blacey ang damit nito at sinuntok sa mukha saka sinabayan ng isang roundhouse kick dahilan para mawalan ito ng malay.

Nagthumbs up ako kay Blacey at saka muling binalingan ang lalaking namamaluktot sa sakit ng tyan sa harapan ko.

Hinablot ko ang kwelyo nito.

"Sino nag-utos sainyo?" mariing tanong ko dito.

Ngumisi ito.

"Wala kang makukuhang sagot sakin!" sagot naman nya.

Sinuntok ko ulit sya sa sobrang inis.

"Wala kang makukuhang matinong sagot sakin! Patayin mo man ako nga-" hindi na nito natuloy ang sasabihin nya ng may bumaril sakanya sakto sa gitna ng noo.

Blood splatted on me. Agad ko itong nabitawan saka lumingon sa likod ko.

Nakita ko Arrister na napayuko dahil siguro sa tunog ng baril. Napansin ko din ang lalaking tumatakbo pero malayo na ito saamin.

"We have to get out of here!" Blacey said in a hurry.

Agad kong hinila ang nakatulalang Arrister. Nagamit ko na ang natitira kong lakas.

Nanlalabo na ang paningin at pandinig ko. Nagpatuloy lang kami sa pagtakbo hanggang sa nakarating na kami sa first floor.

"Aya, where are you?" dinig kong bulong ni Blacey.

Di ko na ito nasagot at saka huminto.

Pinakiramdaman ko ang paligid.

'Something's wrong'

My instinct was kicking and telling me to be careful.

I saw Arrister catching his breath.

"Are you ok?" I asked him ng makalapit ako sakanya.

"J-just let me c-catch my breath f-first." Tinaas pa nito ang daliri para sabihing wait.

Tumango na lang ako.

Napahawak ako dito ng muntikan na akong mawalan ng balanse.

Wala sa sarili nitong hinawakan ako sa bewang at inalalayan.

"You're losing too much blood, we need to go to the hospital!" Mahinang sabi nito.

"I-i'm ok! Wag mo kong intindihin." I gave him a small sincere smile para hindi ito magalala masyado.

"Ok! Magkita na lang tayo sa parking." Binalingan ko si Blacey ng marinig ko tong nagsalita. She probably talking to Aya.

Tumango ito sakin tanda na dapat na kaming kumilos.

Patalikod na si Arrister ng may napansin ako.

Pero hindi ko inaasahan na bumalik ang lalaking bumaril dun sa nakalaban ni Blacey kanina pagbaling ko dito. Tinutok nito ang baril kay Arrister.

Mabilis akong kumawala sa pagkakahawak nito sa bewang ko at pinatid ang paa nito dahilan para matumba sya palikod.

"Damn!" I heard him groan.

Pero nawala ang attention ko dito dahil narinig ko ang putok ng baril.

He hit me in my stomach.

Nakita kong humugot ng baril si Blacey at pinaputukan ito.

Pilit ko mang awatin si Blacey pero di ko magawa. She knew it's against the rule ang maglabas ng baril pero parang hindi na nito naisip iyon.

Mabilis tumakbo ang lalaki palayo at nagtago sa poste.

Hindi nagpaawat at patuloy lang sa pagbaril si Blacey dito.

Napaluhod ako at hinawakan ang parteng tinamaan sakin.

Ilang segundo pa nagpalitan ng putok ang dalawa bago maingat na umalis ang lalaki at naglaho na lang ito na parang bula.

'Damn! Too much gun shot for today huh'

Played By FateWhere stories live. Discover now