18

15 2 1
                                    

Palihim kong kinuha ang cellphone ko at nag text kay Aya.

Me:
I already made her wear the earrings. Where are you now? Can you hear her?

“Excited na ako sa trabaho. Madali lang naman daw ang gagawin. Ikaw Erina?” tinago ko ang phone ko ng humarap sya saakin.

“Ahhh, yes! I’m looking forward to it.” Simpleng sagot ko. Ngumiti pa ako sakanya para convincing.

Nagpatuloy na ito sa paglalakad.
Kinuha ko ulit ang phone and luckily, nagreply na si Aya.

Aya:
Nastuck ako sa traffic by an hour or 2 nandyan na ako. And yes, I already connected her in my system. And by the way may kasama pala ako. Sorry makulit eh.

The eff. Masama ang kutob ko dun sa kasama sya ah. Sana mali ako.

“Mr. Lim!” dinig kong sabi ni Anne.
Shit, I didn’t even have a chance to reply.

Mabilis akong kumilos at pasimpleng in-on ko ang tracking device na nasa necklace ko. Pati na din ang communication device sa earrings ko.

Kinakausap pa ni Anne si Mr. Lim.

Pinagmasdan ko ang paligid. Ngayon ko lang napansin na walang masyadong bahay sa lugar na to. Mukang madalang din ang dumadaang sasakyan.

“Connect to Aya!” bulong ko.

Ngumiti ako ng makita kong tinuro ako ni Anne.

Tumingin sakin si Mr. Lim. Lumapit ako sakanila. Tiningnan ko isa isa ang mga kasama nito at nginitian din.

The glasses that I am wearing is a special one. It can project information about the thing that my vision sees. And automatically, this information will be stored sa system ni Aya pati na rin ang images ng mga tao.

“Hello po. Gusto ko din po sanang mag-apply Sir. Baka pwede pa, kailangan na kailangan ko lang po.” Lumapit ako at sensual na hinaplos ang braso nito.

Nabigla si Anne sa inasta ko, I just winked at her and look at Mr. Lim.

Niluwagan nito ang suot na tie at hinawakan ako sa bewang.

Parang biglang nangati ang kamay ko at gusto kong pilipitin ang braso nitong nakahawak sakin.

“Sure, darling. Anything for you.” Bulong nito malapit sa tenga ko.

Aba’t talaga naman!’
Pasimple akong kumawala sa hawak nya at pumunta kay Anne.

“Narinig mo yun! Makakasama kitang magtrabaho. Yehey!” Humawak ako sa braso nito para di na ako malapitan ni Mr. Lim.

“Let’s go. Madami ng customer ang naghihintay.” Sabi nito. Inakay kami nito papasok ng sasakyan pero bago kami sumakay ay huminto muna ako.

“Customer? San po ba kami magtatrabaho, Sir” kunwaring taking tanong ko.

“Sa Cabaret! Bilis sakay na.” nagmamadaling sabi nya.

“Cabaret? Akala ko po ba s a Restaurant, Mr. Lim?” takot na sabi ni Anne. “Di bali na lang po Salamat na lang po pero hindi po ako sasama. Tara Erina!” inakay nya ako paalis pero humarang samin ang mga kasama ni Mr. Lim.

“Too late, little girl. Whether you like or not sasama kayo samin.” Tumingin ito sa nakaharang samin at sumenyas.

Hinawakan kami pareho. Halos magwala na si Anne sa pagpupumiglas pero isang suntok sa tiyan ang natanggap nito kaya nawalan ng malay.

“Anne!” sigaw ko. Lalapitan ko sana ito pero hinatak ako ng may hawak sakin at tinakpan ang ilong ko gamit ang isang panyo.

Shit! Chloroform.’

Played By FateOù les histoires vivent. Découvrez maintenant