14

14 4 1
                                    

It’s been a week since that accident happened.

Isang linggo ko na ding hindi nakikita at nababantayan si Arrister.

I know Boss appointed someone temporarily to guard him but I know that guard was guarding him on his shadow.

Hindi ako panatag.

Dad and kuya, unfortunately, knew what happened to me. Pinilit nila akong magstay sa hospital ng isang linggo kahit sabihin ko pang ok lang naman ako.

And here I am now.

Super bored at walang magawa.

Bukas lalabas na ako although ayaw pa rin nila Dad pero wala silang magagawa dahil buryong buryo na ako dito.

Dinalaw din naman ako nila Blacey at Aya noong unang dalawang araw ko dito.

But right now they have assignments.

Blacey’s in Davao while Aya’s in Iloilo.

Luckily, hindi natrigger ng todo ang trauma ni Blacey, probably because of what happened to me and I'm thankful na wala syang ginawang masama sa sarili nya.

Alam kong pinapakiramdaman ni Aya ang kalagayan ni Blacey at lagi nya itong sinasamahan.

Dahil don mas naging kampante ako habang nandito sa ospital.

Natigil ako sa pagmumuni muni nang may marinig akong kumatok.

“Come in!” malakas na sabi ko.

Agad na bumukas ang pinto at dun ko nakita ang lalaking kanina ko pa gumugulo sa isip ko.

Pumasok ito at nilapag ang dalang mga prutas sa bedside table.

“Hey!” malumanay nitong sabi sakin. He smiled and patted my head.

Nanlaki ang mata ko dahil sa ginawa nya.

Napapiksi ako dahil sa gulat.

“H-hey! W-what are you doing here?” I tried to smile pero parang ngiwi ang nagawa ko.

“I came to visit you. Ano pa ba?” masungit na sabi nito.

Napanguso na lang ako dahil sa sinabi nya.

“W-what I mean is, why are you here at this time of the day? Wala ka bang trabaho?” ganti ko dito.

Inirapan lang ako nito at kinuha ang upuan malapit sakanya saka umupo doon.

“I’m the boss!” iyon lang ang sinagot nito sakin na para bang sinasabi nito na tapos ang usapan.

I heaved a heavy sigh. Umayos ako ng upo at nakipagtitigan dito.

“Next week balik trabaho na ako. Ako na ulit bodyguard mo.” Seryosong sabi ko.

Wala man lang syang sagot sa sinabi ko nanatili lang syang nakatingin sakin.

Nung una nakakaya ko pang makipagtitigan sakanya pero habang tumatagal para akong hinihigop at nilulunod ng bughaw nyang mga mata.

“B-bakit ganyan ka makatingin?”nauutal kong sabi.

Tumikhim pa ako at nagiwas ng tingin.

“Why did you do that? Bakit kailangan mong iharang ang sarili mo sakin?” tanong nya.

Bumalik ang tingin ko sakanya

“S-syempre! Bodyguard m-mo ako. I-it’s my duty to protect you.” Damn! I can’t stop my stuttering.

“Kahit na malagay yung buhay mo? Para lang maligtas ako?” seryosong seryosong sabi nito.

'Nakakatakot naman to!'

Played By FateМесто, где живут истории. Откройте их для себя