16

14 4 1
                                    

Hindi pa rin kami nakakapagusap ni Boss about sa information na pinangako nya as akin.

I’m here at Pampanga mag-iisang linggo na rin. Ito ang pinagkakaabalahan ko simula ng matapos ang pagiging bodyguard ko kay Arrister and isang linggo na rin kaming hindi nakakapagkita at nakakapagusap. Nakailang missed call at text na ito pero hindi ko sinasagot.

“Leave your personal matter outside when your working” that’s what my father said. At totoo naman yon, lalo na sa uri ng trabaho ko.

I don’t want to lose my focus on my mission. And actually, I’m sorting out everything that happened to us.’

So now here I am conducting investigation. May natanggap na tip ang intelligence team ng organization namin, which is sila Aya, na sunod sunod na missing report ng mga babaeng nageedad 18-25 years old.

Since hindi available si Aya dahil may on going mission sya sa Davao, ako muna ang inassign ni Boss na magimbestiga dito.

Sa isang linggo kong inilagi dito, pagtatanong pa lang ang nagagawa ko. Nakakadismaya na hindi masyadong pinagtutuunan ng pansin ng mga pulis ang nangyayari.

Hindi ako pwedeng makialam sa imbestigasyon ng pulis dahil ang government lang ang nakakaalam ng existence namin.

I’ll have to investigate behind their shadow or else I’m doomed but that’s impossible. Ako pa ba!

Ok, enough with that. I have to move fast.

Napasulyap ako sa entrance ng café na pinuntahan ko, finally dumating na din ang inaantay ko.

May pumasok na isang lalaki kasama ang isang estudyante probably, a college student.

Pinagmasdan ko ang dalawa hanggang sa umupo malapit sa table ko.

I put my earpods para kunwari nakikinig ako ng music.

Tinignan ko ang laptop ko and tap the on button of recording.

“You can start your job immediately if you want. Kung may kilala ka pang ibang kailangan ng trabaho sabihin mo sakin.” Dinig kong sabi ng lalaki.

“M-makakapag s-start na po ako agad? Maraming maraming Salamat po! Kailangan na kailangan ko po talaga ng trabaho ngayon.” Galak na sabi ng babae. “Ano pong kailangan kong dalin na requirements?” dagdag nito.

Sumandal ang lalaki sa upuan nya at pinagcross ang mga braso nito.

“Just present your ID, ako ng bahala magpasok sayo.” Mahinang sabi nito.

Tumango tango ang babae. Makikita mong masayang masaya sya dahil magkakaroon na sya ng trabaho. But too bad, hindi basta bastang trabaho ang pinasukan nya.

Sa pagtatanong na nagawa ko nitong mga nakaraang araw. Iisa lang ang sinabi ng mga pamilya ng biktima.

“May aaplyan daw po syang trabaho. Pero nung kinagabihan hindi na sya umuwi. Ang akala naming nung una baka nagpalipas lang ng gabi sa kaibigan nya. Pero ilang araw na ang lumilipas hindi pa rin namin sya macontact.” Ilan lang yan sa mga sinabi ng magulang ng mga biktima. At pano ako nakakapagtanong sa mga pamilya? Simple lang I have a fake ID ng pulis. Ngayon ko lang to gagawin dahil hindi ako uusad kung di ko gagawin ito.

At isa pa sa iisang bayan lang nangyari ang pagkawala ng mga babae. Kaya dito ako nagfocus.

“Maraming Salamat po talaga Mr. Lim. Iintayin ko na lang po kayo mamaya. Mauna na po ako may klase pa ako.” Paalam nito sa lalaki.

“Ok, no problem.” Maikling sabi nung Mr. Lim.

Nakalabas na ang babae sa café. Sinara ko ang laptop ko at mabilis na inayos ang gamit.

Played By FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon