7

21 4 1
                                    


Kinabukasan maaga akong nagising. Naalala ko ang usapan namin ni Arrister.

'Papahirapan kitang payatot ka'

Since today is Saturday, I can train him whole day if he can do it.

I took a bath first then wore black leggings and razor back black sando. Mamaya ko na lang itatali ang buhok ko dahil basa pa ito. Sinuot ko na din yung sapatos ko bago ko ayusin ang gym bag ko.

Nagpack lang ako ng ilang damit na pamalit dahil panigurado magpapawis ako mamaya.

I cooked breakfast yung madali lang lutuin. Nilagay ko na din ito sa mga baunan dadalhin ko na lang, panigurado hindi pa nakakain yon.

Kinuha ko ang mga susi ko at saka ako bumaba papuntang parking lot ng condo.

"Gising na kali ang mokong na yun?" usal ko sa sarili.

Sumakay na ako ng kotse at saka pinaandar ito papuntang bahay ni Arrister.

I grab my phone and connect it to my earpods then call Arri.

After a few rang, he answered.

"Why the heck did you call this early?" his bedroom voice made me shiver.

I swallowed hard before answering his question.

"Baka nakakalimutan mo, may usapan tayo kahapon!" I coldly say to him.

I heard him tsked before saying that he will prepare.

"Good boy! Papunta na ako. I'll be there in a few." Binaba ko na yung tawag at nagfocus sa pagdadrive.

After a few minutes, I arrived in his house.

Nasabihan nya na siguro ang guard at pinapasok ako sa village kung nasan ang bahay nya.

Bumusina ako ng nasa tapat na ako ng bahay nya. Automatic na bumukas ang gate nito kaya pinasok ko na ang kotse ko sa malawak nyang garahe.

Bumaba na ako sa sasakyan at kinuha ang gym bag at paper bag na naglalaman ng breakfast namin. Pagkakuha ko nito, nilock ko ang kotse ko.

Pinagmasdan ko ang mga nakapark na sasakyan. Parang biglang gusto kong mahiya dahil Toyota Vios lang ang sasakyan ko. Di hamak na mas mahal ang nakikita kong sasakyan ng payatot na yon.

'Rich kid!'

"Shit!! Is that Lamborghini Huracan EVO?"

Nilapitan ko ito at chineck kung iyon nga. Damn, ito nga yon.

Akmang hahawakan ko ng may magsalita sa likod ko.

"Anong ginagawa mo babae!" napalingon ako sa likod. Nakita ko dun si Sir. He's wearing nothing but a gym shorts that's hanging low on his waist.

Humalukipkip ako. Pinasadahan ko ng tingin ang katawan nya.

"Lakas naman ng loob mong lumabas ng walang pangitaas na damit, payatot!" sabi ko sakanya.

I saw how his ears turned red because of what I said. Tumawa na lang ako, pumunta na ako sa tabi nya.

"S-shut up! I can do what I want. This is m-my house." Utal nya pang sabi. Tumalikod na ito at naglakad papunta sa loob.

Sumunod na lang ako sakanya.
"I cooked breakfast. Kumain ka na ba?" I asked him.

"No. Kakagising ko lang tapos naligo agad ako." Tinatamad na sagot nya.

"Let's jog first before eating breakfast" sabi ko.

"I hate sweating. Damn this woman!" he mumbled.

Played By FateWhere stories live. Discover now