15

12 4 1
                                    

Matapos ang awkward na nangyari sa hospital ay mas naging malapit kami ni Arrister. We often go out ng kaming dalawa lang, well I consider it date sa loob loob ko pero di ko lang alam sakanya.

Nagpatuloy din kami sa training nya ng self defense and somehow nagimprove naman sya but sa tingin ko hindi pa rin nya kaya kapag actual combat talaga.

Today’s my last day working for him. Boss called me last time na sya na ang bahala kay Arrister since Nawala na rin naman ang mga death threat na natatanggap nya. So far so good.
Balik na ako sa normal mission ko after this and syempre matatanggap ko na rin ang information na pinako ni Boss.

‘The last time I saw you, pinagbigyan kita. This time I won’t give you any mercy. Be careful!’

“A-aray! Let go, Erina!” daing ni Arrister. Nabitawan ko naman agad sya.

Shete! Nagtetraining pala kami ngayon. Masyado akong nadala sa naiisip ko at naibuntong ko ang galit kay Arrister.

“S-sorry! I was spacing out! Are you ok?” malambing kong sabi dito.

“N-no! Mukang nabali ata ang braso ko.” Hinawakan nya pa ang braso nya.

'Isang malaking OA'

Ngumiwi ako at tinignan yung braso nya.

“Nasan ba yung masakit?” tanong ko.
Tinignan kong mabuti ang braso nya.

“Dyan. A-aray naman dahan dahan.” Sagot nito.

“Tsk. Anong gagawin ko dito?” bulong ko. Muli kong tiningnan ang braso nya at chineck maigi.

“Kiss mo ko mawawala yung sakit hehe.” Dinig kong sabi nya.

Malakas kong binitawan ang brasong hawak ko at binigyan sya ng nakamamatay na tingin.

“Eh kung tuluyan kong baliin nyang braso?!”Singhal ko sakanya. Inambaan ko sya ng suntok.

Tumayo ako, inayos ang damit ko.

Narinig ko syang tumawa saka lumapit sakin saka yumakap.

Napangiti agad ako dahil sa kinilos nya.

Hindi ko akalain na magiging ganto kami. I mean, wala akong planong pumasok sa relasyon hanggat hindi ko natatapos ang dapat kong gawin.

Naging bodyguard nya lang ako dahil gusto kong makuha ang information galing kay Boss which is pinsan nya.

“Nagbibiro lang eh. Masyado kang hot ah.” Natatawang sabi nito.

Ginantihan ko ang yakap nya at tumingala sakanya.

I hate the fact na sa tangkad ko na to kailangan ko pa ring tumingala para makita mukha nya sa sobrang tangkad nya.

“Akala ko talagang nasaktan kita. Sorry!” mahinang sabi ko. I put my arms around his neck and touch his face.

Napaigtad ito dahil sa biglaang paghawak ko sakanya.

He swallowed hard and his gaze intensified.

Inipit nya sa tenga ko ang takas sa buhok sa aking mukha.

"I... That's fine! I'm just joking!"
He buried his face to my neck and his hug became tighter.

“Ano ba kasing iniisip mo? Kanina ka pa wala sa sarili.” Malambing na tanong nya.

'I'm thinking about the man i'm planning to kill.'

Kung pwede ko lang sabihin yan.

“N-nothing. It’s just that,” I paused and took a deep breath. “tapos na yung pagiging bantay ko sayo so i might not see you again."

Played By FateOù les histoires vivent. Découvrez maintenant