1

58 6 0
                                    

'Tapos ka na, bata'

Napabangon ako sa higaan and I realized na panaginip lang pala iyon. Muli ako napahiga.

Madami nangyaring pagkatapos ng incident na yun.Nagbago ang lahat dahil sa pagkawala ni Mom 'Pati ako'

Nangilid ang luha ko pero mariin akong pumikit at saka napabangon ulit.

"Shit" mahinang usal ko at napatingin sa bedside clock ko. Agad napalaki ang mata ko ng makita ang oras.

I cursed and agad na bumangon at pumuntang banyo para maligo.

After a few minutes natapos na ako at nagayos. I wore black pants and white tube top pinatungan ko ng leather jacket at pinaresan ko ng black pumps.

'Late na ako' coding ang sasakyan ko kaya wala akong masakyan papunta sa meeting place namin ng mga kaibigan ko.

I checked the time and continue my walk run.

Ng malapit na ako sa tawiran nakakita ako ng komusyon doon. Nagaalangan akong lumapit dahil malelate na ako pero, heck maiintindihan naman siguro ako ng mga babaeng yon.

Agad akong lumapit para makita kung anong nangyayari. Nabigla ako sa naabutan ko.

Nakita ko na yung isang lalaki na may buhat buhat na batang babae habang may nakatutok na baril sa sentido neto.

Napaikot na lang ako ng mata sa nakita ko.' How boring!' Napahikab ako at ibinalik ang tingin dun sa lalaki.

"Jusko! Parang awa mo na wag mong sasaktan si senyorita." Sabi ng matandang mukang tagabantay ng bata.

"Argghh, let me go you dirty cheap old man!" Sabi ng bata I think nasa 12 years old na ito. She looked familiar. Inisip ko pa kung san ko sya nakita. Hmm.

"Manong help me!" Sigaw ng bata. Napatigil naman ako sa pagiisip at tumingin ulit sakanila.

"Manahimik ka bata" sigaw ng lalaki at mas diniin ang baril sa sentido ng bata.

Oh my. Mariing pumikit ang bata at tumahimik na lang. Isang kalabit lang ng baril na yun at sabog ang bungo ng batang iyon.

Napangisi na lang ako at unti unting lumapit don.

" Hoy miss, anong ginagawa mo?" Sabi sakin nung babaeng katabi kong nanonood.

Ngitian ko lang sya at nagpatuloy sa paglalakad.

' Nababaliw na ata ang babaeng yun!'
'Pigilan nyo bilis!'

Ilan lang yan sa narinig ko.

"Miss b--" hindi na nya natuloy ang sasabihin nya nung bumaling ako sakanya and i just stared at him coldly. Bago ako bumaling sa goon.

"Hoy panget" dinig ko naman ang singhapan ng mga taong nandito.

I smirked and continue talking.

"Let the child go"  ani ko.

"Ha!" Sigaw nya naman. I chuckled at mas lumapit ba sakanila.

"Oh my bad. Tatagalugin ko na lang"
Tinignan ko yung bata at nakahinga naman ako ng maluwag nung nakita kong wala naman syang galos or something.

"Bitawan mo sya" tumawa lang ang lalako at tinutok sakin ang baril.

"Magiging pera ko to bat ko bibitawan ano ka tanga!" Napaatras at napangiwi naman ako dahil tumalsik sakin ang laway nya.

'Kawawa naman yung bata'

'Tumawag kayo ng pulis, bilisan nyo!'

Unti unti syang humakbang paatras at nagtaka naman ako kung bakit. Napatingin ako sa paligid at nagulat ako ng biglang may humintong van malapit sa amin.

Played By FateWhere stories live. Discover now