XXXIX

3.6K 118 6
                                    

J E N N I E

Nakabalik na kami dito sa MK Island ngayong umaga at nasa sasakyan na kami para ihatid si Lisa at Seulgi.





"Mandu may pasok pa bukas masyado mo pinagod si Lisa"nagtawanan sila Seulgi at Rosè sa sinabi ni Jisoo ng makita nila na tulog na tulog si Lisa habang nakasandal sa akin.




Tinignan nila ang hickeys na nasa leeg nito at makikita talaga dahil sa naka suot ito ng strapless dress.




Nung una hindi ako pumayag na suotin niya yun pero ng makita ko ay pumayag din ako lalo na at nakikita ang marks na nilagay ko sa kanya.




"Jendeukie may invitations daw na pinadala ang mga Manoban"napatingin ako kay Jisoo ng sabihin niya yun.




Napansin namin na natahimik si Seulgi ng marinig niya yun pero hindi na lang namin pinansin.




"Tungkol saan daw?"tanong ko dito at pinagmasdan si Lisa na mahimbing na natutulog pa rin.




Magsasalita sana ito ng maalala ko ang brown folder na nasa tabi ko, kinuha ko ito at inabot sa kanya.




"Ano gagawin ko dito?"takang sabi niya at sabay bukas ng folder nakita ko kung paano nanlaki ang mata niya.




"Shhhh can you do it?"tanong ko dito at ngumiti naman ito sa akin sabay kindat.




Nagtataka na tinignan kami ng dalawa, napansin ko na kukunin ni Rosè ang folder ng mabilis na iniwas ito ni Jisoo.




"Sorry love, confidential ito and exclusive for Jennie Ruby Jane Kim"nakita ko na inirapan ni Rosé si Jisoo dahil sa naging sagot habang si Seulgi ay nakangisi na tinignan ako.





"Young lady nandito na po tayo"may nagbukas agad ng pintuan ng kotse at nakita ko si Bobby pala ito.





Pinauna kong lumabas yung tatlo at ginising ko si Lisa habang hinahalikan ko ang buong mukha nito.





"Hun, wake up nandito na tayo sa apartment mo"bumangon naman ito at nakangiting yumakap sa akin.




"Labas na tayo baka kung ano isipin ng pa ng tatlo sa labas"bulong ko dito at binuksan ko ang kotse at naunang lumabas.






Sumunod agad si Lisa sa akin pagkalabas ko, hinawakan ko agad ito sa waist niya ng makababa na siya.




"Papasok pa ba kayo sa loob?"tanong sa akin ni Lisa kahit gustuhin ko man ay kailangan na namin umalis dahil alam namin tambak ang trabaho na naiwan namin.





Isa pang dahilan baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at ikulong siya sa kwarto niya.





"Hindi eh, kailangan nanamin bumalik ng bahay lalo na pinauwi namin ang mga documents and files na need namin tapusin"malungkot na tinignan ako nito at napansin ko na pumasok na sa loob ng apartment si Kang Seulgi habang yung dalawa naman ay bumalik sa loob nh sasakyan.





"I'm gonna miss you hun"sabi nito sa akin at hinalikan ko ito sa labi ng makita ko na malungkot siya.





"Me too hun, babawi ako sayo lalo na bukas may pasok pa tayo kaya magkikita tayo"yumakap ito sa akin ulit at napangiti ako sa ginagawa niya.





"Okay, Take care and call me kapag nakauwi kana ah. I love you"mabilis na hinalikan ulit ako nito at nagmadaling pumasok sa apartment nila na ikinatawa ko.






The Missing Queen (JenLisa) [Completed]Where stories live. Discover now