IX

4.5K 173 31
                                    

L. I. S. A

Gumugulong gulong ako ngayon dito sa kama ko sa apartment. Apat na araw na akong nakakulong dito sa bahay simula magkaroon ng 1 week break sa school.


"Lisa kakain na ng lunch"mabilis na tumayo ako ng tawagin ako ni Seulgi.

Sa loob ng apat na araw ay puro kain at tulog ang ginagawa ko pero pumupunta naman si Bae Irene kapag natatapos ang voice lesson nito.

"Hi Lisa"nandito pala ngayon si Bae Irene at mukhang makikikain.

"May dala akong dessert binili ko malapit dito sa inyo na Ice Cream Parlor"sabay pakita nito ng limang gallon ng ice cream.


"May chocolate flavor?"tanong ko agad dito.

"Oo tatlong gallon ng chocolate flavor dinala ko"sabi nito at napalakpak naman ako sa sinabi niya.

"Thanks Irene"sabi ko dito at matapos ay nag simula na kami kumain ng lunch.

Matapos kaming kumain ay kinuha ko ang isang gallon ng ice cream sa ref at nag simulang kumain ng ice cream habang nanonood ng tv.

"Flash News Report"napasimangot ako ng marinig ko ang sinabi sa tv dahil naantala ang pinapanood ko na cartoons.

"Ano ba naman yan"inis na sabi ko at napansin ko na nasa tabi ko na pala ang dalawa at may kinakain din na ice cream pero strawberry flavor na nasa cup.


"Dumating na mula sa America ang tatlong kilalang Heiress ng Top 2-4 na wealthiest family in the world. Makikita mula sa ating screen ang pagdating nila at kasalukuyan sila kinukuhanan ng ating camera. Hindi sila basta bastang malalapitan at maiinterview dahil sa pag iingat. Ngunit may nakalap kaming information na babalik sila sa pag mamay ari nilang Academy at iyon ay ang Royalties Academy -"hindi na natuloy ang sasabihin nito ng ilipat ko ang palabas dahil boring.


"Lisa nanonood kami bakit mo nilipat"napatingin ako kay Bae Irene ng sabihin niya yun.

"Boring"maikling sabi ko at walang gana na kumain ulit ako ng ice cream.

"Ipapakita pa naman sana ang video ng 3 Queens"nakapout na sabi nito pero hindi ko siya inintindi.

"Wala akong paki"nasabi ko dito at hanggang sa binalik ko doon ang ngunit nag continue na pala ang cartoons na pinapanood ko.


Tumatalon talon pa ako habang sinasabayan ang kanta ng cartoons na pinapanood ko.


"Anong kailangan? Mag tulungan"kanta ko habang tumatalon pa dito.

"Lisa manners may bisita tayo"napasimangot ako kay Seulgi ng sawayin ako nito.

"Hindi naman bago sayo si Bae Irene"nakasimangot na sabi ko sa kanila.

"Kahit na Lisa"umayos ako ng upo sabay kuha ng ice cream ko.

"Pasyal tayo nakakaboring na eh"napatingin ako kay Seulgi ng sabihin niya yun sa akin.

Napangiti ako sa sinabi nito alam ko na gusto nito pagaanin ang loob ko kaya nag aaya ngayon to.

"Yeheyy"mabilis na tumayo ako para magbihis narinig ko na tumawa pa silang dalawa.

2 hours later....

"Enchanted Kingdom"masayang sigaw ko habang nandito kami sa loob ng sasakyan ni Bae Irene.

The Missing Queen (JenLisa) [Completed]Where stories live. Discover now