XXXI

3.8K 142 40
                                    

Day 1

J E N N I E

"Ms. Ruby, hindi po namin makita si Ms. Lisa sa Diamond City kahit sa Diamond Club hindi rin po nila alam kung nasaan ito ngayon"malamig na tinignan ko si Bobby habang nagrereport sa akin.





Sa totoo lang zero percent na hindi ko siya mahahanap lalo na 1 week sila nag file ng leave of absence ni Kang Seulgi.





Sa ngayon nandito ako sa office ko sa Academy dahil madami akong tinatapos na documents pero sa ngayon hindi ito mahalaga.






Hinilot ko ang ulo ko ngayon dahil sa stress na nararamdaman ko, lalo na pakiramdam ko may kulang sa akin.





Lisa..





"Jen, kumain ka muna"inabutan ako ni Chaeyoung ng pagkain at napansin ko na wala si Jisoo at si Lalice.





"Thank you, nasaan yung dalawa?"malamig na tanong ko dito sabay binuksan ang binigay niya paper bag na may pagkain.






"Nililibot ni Jisoo si Priya lalo na kakabalik lang niya dito"sabi nito sabay tabi sa akin at binuksan din ang pagkain na dala.






Nagsimula na kami kumain pero hindi pa din mawala sa isip ko si Lisa lalo na hindi ko alam kung nasaan ito ngayon.






"Jen, yung pagkain mo nasasayang"napatingin ako sa pagkain ko ng makita ko na muntik na ito mahulog.





Napabuntong hininga ako sabay sandal sa chair ko. Kinuha ko ang bagong phone ko at tinawagan ang number ni Lisa.





Unattended pa rin ang number niya na ikinainis ko. Nakita ko na naubos na agad ni Chaeyoung ang pagkain niya at ngayon tinitignan niya ako.






"Jennie, anong gagawin mo once na bumalik si Lisa?"tanong nito sa akin.






"May gagawin ako na tiyak na hindi siya makakawala sa akin"ngumisi ako dito sabay bukas ng drawer ko at nakita ko ang isang brown folder.





Tinago ko agad iyon at napansin ko ang pagtataka na binibigay nito pero hindi ko siya pinansin.





"Jen paano na si Priya?"napahinto ako sa pag pirma ng documents ng sabihin yun ni Chaeyoung.





"Matagal na tapos kung ano man meron sa amin noon"malamig na sabi ko dito at pinagpatuloy ko ang pag ayos sa mga documents.





Ngumiti ito sa naging sagot ko na tila nasiyahan siya at yumakap ito sa akin na ikinataka ko.






"I'm happy for you Jendeukie, bumabalik kana sa dati and thanks to Lisa"halatang masaya ito para sa akin at napangiti din ako dahil sincere siya sa sinabi niya.





"Yow! Anong meron?"malamig na tinignan ko si Jisoo ng sirain nito ang pag uusap namin ni Chaeyoung.





Nakita ko si Lalice na nakatingin sa akin at ngumiti ito ng makita niya na tinignan ko siya.






"Hi Nini, matatapos kana ba dyan? Labas naman tayo, namiss kita"malambing na sabi nito sa akin at napansin ko na tinitignan kami ng dalawa.





"I can't, I'm too busy right now"malamig na sabi ko dito at binalik ko ang tingin sa mga documens na binabasa ko at pinipirmahan.






The Missing Queen (JenLisa) [Completed]Where stories live. Discover now