I

13.4K 248 13
                                    

L. I. S. A

"Ayun siya, habulin niyo dali"napahalakhak ako ng makita ko na hinihingal kakahabol sa akin ang mga bodyguard ng headmaster ng school na pinapasukan ko.

Kita ko ang pagod at galit ng mga ito habang hinahabol ako, kaya lang naman nila ako hinahabol dahil pinag tripan ko ang Lamborghini ng headmaster.

Kaya napag tripan ko yun dahil napangitan ako sa kulay, puti ba naman ang kulay hindi bagay sa panot na headmaster.

"Lisa, dito dali"napatingin ako sa tumawag sa akin at nakita ko si Seulgi habang kumakaway sa akin.

Pumunta ako sa kung nasaan siya at may nakita ako trampoline sabay talon dito at napunta ako sa kabilang bakod ng school.

"Lisa, galit na galit sayo si panot nagsisigaw sa office niya. Nalaman ko na hindi pala sa kanya yung sasakyan na yun kundi sa may ari ng school na to"gulat na napatingin ako dito ng sabihin niya yun.

"What? Pero nakita ko siya bumaba galing doon"sabi ko dito habang naglalakad kami papunta sa garden.

"Sinabay lang siya doon, kaya nagkakagulo ang buong faculty at department dahil nakita ng may ari ng Lamborghini ang sasakyan niya"naiiling na sabi nito at napangisi na lang ako dahil sa sinabi nito.

Sa totoo lang hindi lang naman yun ang unang ginawa ko dito sa Sandoval Academy.

Nung una pinag tripan ko ang isang buong klase ng mga matatalino dito dahil minaliit ako.

Kaya ang ginawa ko nilock ko sila sa room nila sabay lagay ng mga kung ano anong hayop.

Ayun nalaman ng school dahil nakita sa cctv pero nakakapag taka lang dahil walang nag reklamo na magulang ng mga estudyante na pinag tripan ko.

Meron pa noong naparusahan ako at nakita ko paano dumihan ng mga babaeng hitad ang nilinis ko na salamin sa cr.

Hinahalikan nila yun at may mga baka ng lipstick kaya ang ginawa ko ay pinakita ko sa kanila paano ko nililinis.

Ginamitan ko ng map ang salamin at halos mamatay ako kakatawa noon ng makita ko na halos masuka sila sa nasaksihan.

Isa pa yung wala ako magawa ay pinag tripan ko si Headmaster binuhusan ko ito ng slime habang naglalakad sa hallway.

"Ayun siya"nabalik ako sa wisyo ng marinig ko ang boses ng mga bodyguard ni panot.

"Lisa dito dali"hinatak ako ni Seulgi at mabilis na pumunta kami sa isang abandonadong building.

Nagtago kami sa isang room at mabilis na nilibot ko ang tingin ko dahil ngayon lang ako pumasok dito.

"Nasaan na sila? Yari tayo nito kapag hindi natin nahanap ang batang yun"palihim ako natawa dahil sa narinig kong sinabi nila.

Ilang sandali lang ay nawala na ulit ang mga ito, tinignan ko si Seulgi at nakahawak ito sa noo niya.

"Lisa alam mong mapapaalis kana dito sa Academy kapag pinag patuloy mo pa yang pagiging Rebel Queen mo"inis na sabi nito pero tinignan ko lang ito sabay ngiti.

Tumayo kami at lumapit ako sa isang tela na may takip, curious ko ito tinignan dahil tila may nagtutulak sa akin na tanggalin ko yun at may makikita ako.

Dahan dahan ko nilapit ang kamay ko sa tela para tanggalin ng biglang bumukas ng malakas ang pintuan ng room kung saan kami nagtatago.

"Ms. Lisa, sumama kana sa amin wala kana matataguan"walang gana ko tinignan itong nagsalita at napansin ko na iba ang suot nito at hindi sila ang humahabol sa amin kanina.

"Bodyguard kami ni Ms. Dara ang may ari ng school na ito at ang sasakyan na pinintahan mo ng kulay pink na pintura"seryosong sabi nito at naramdaman ko na napahawak sa uniform ko si Seulgi.

"Sumama na tayo Lisa, para matapos na to"napa pout naman ako dahil sa sinabi nito.

"Ehhhhh"tutol na sabi ko pero mabilis na kumapit sa akin si Seulgi sabay hatak sa akin.

"Wag kana tumutol"nagpapadyak ako habang hinihila ako nito, napansin ko na yumuko sa amin ang mga naka puting polo na ito.

Nauna kaming naglakad ni Seulgi habang nasa likod namin ang aat na bodyguard.

Hanggang sa nakarating kami sa headmaster office, hinanda ko na ang tenga ko dahil alam ko tatalakan nanaman ako ni panot.

"Sa wakas nandito kana din Ms.Lisa"inirapan ko si panot ng makita ko ito. Kita ko ang pag pipigil nito na huwag ako sigawan.

"Ito na ba ang nag pintura ng sasakyan ko?"walang gana na tinignan ko ang babae sa harapan ko.

Maganda siya, pero mas maganda ako ngunit halata dito na nasa mid 30 na siya.

"Yes maam"kinakabahan na sabi ni panot dito pero si Seulgi ay nakita ko na nakaupo na sa isang couch habang nag lalaro sa cellphone nito.

"Panot, may klase pa ako"walang gana na sabi ko kay Headmaster at nakita ko na lumaki ang mata nito sa sinabi ko.

"Ms. Lisa manners"may halong pagbabanta nito sa akin pero nginisihan ko lang siya.

"Lisa, alam mong mahal ang sasakyan ko? Paano mo mababayaran yun?"direct na sabi sa akin nito at kita ko ang kakaibang kislap sa mata nito.

Inobserbahan ko siya,kalmado lang ito habang nakatingin sa akin ngunit may kakaiba sa mata niya.

Tila natutuwa pa ito habang kinakausap ako, walang gana na tinignan ko ito.

"Wala akong pambayad"sabi ko dito at nakita ko na tumawa ito bigla dahil sa sinagot ko.

"Paanong wala? Nakapasok ka nga dito sa Sandoval Academy alam mo na pang apat ito sa pinaka mahal na paaralan"tila natutuwang sabi nito at sa naging sagot ko sa kanya kanina.

"Malay ko ba? Isa pa pinaganda ko lang yung sasakyan mo dahil masyadong plain"ngumisi ako dito at nakita ko na nawala saglit ang ngiti nito pero mabilis na bumalik din.

"Dahil sa plain ang Lamborghini ko kaya nagpaint ka?"natatawang sabi nito at sasagot pa sana ako ng may tumawag dito.

Nag sign ito na sasagutin niya ang tawag pero ilang sandali lang ay bumalik ito at iba na ang aura niya.

"Mr. Lee, alam mo na ang napag usapan natin. Ikaw na mag settle ng lahat"nagulat ako ng magpaalam ito sa akin at maging kay Seulgi.

Nagkatinginan kaming dalawa at sabay kibit balikat, akala ko tapos na ang lahat ng biglang magsalita si panot.

"Ms. Lisa hindi na ako magpapaligoy pa, drop out kana simula ngayong araw sa school na ito"seryosong sabi ni panot sa akin.

Napangisi na lang ako sa sinabi nito, well sino ba naman ang makakatagal sa isang Lisa.

Sa loob ng ilang buwan ay dito ako nagtagal dahil umabot ako ng limang buwan dito.

Isa pa pangatlo ko na din ito ngayong taon na pinasulan na school, well alam ko namam sa sarili ko na medyo sumobra ako.

Naramdaman ko na tinapik ako ni Kang Seulgi tila pinapalakas ang loob ko.

"Okay aalis na me"sabay talikod dito ngunit napatigil ako sa sinabi nito.

"Hindi pa ako tapos, ililipat ka ng ibang school utos na din ni Ms. Dara ito. Naayos na ang lahat ng documents mo kaya ready kana mag start agad kinabukasan sa Royalties Academy"nanlaki ang mata ko sa sinabi nito.

Sino ba naman ang magugulat, lalo na ng marinig ko ang pangalan ng school na yun.

"Are you kidding me? Top 1 school yun dito sa bansa at wala akong pera pang tuition fee dahil mayayaman ang mga nandoon"paliwanag ko dito ngunit hindi nagbago ang itsura nito.

"That's final"sabay palabas nito sa amin.

"What the hell?"nasabi ko na lang sa huli.




The Missing Queen (JenLisa) [Completed]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora