XXIII

4K 123 11
                                    

L I S A

"It's been a while"bati sa akin ng limang tao at ngumisi lang ako sa kanila.

Kinayawan nila si Kang Seulgi at si Nancy kaya mabilis na lumapit sila sa amin.

Inabutan nila ng alak si Kang Seulgi pero tinangihan nito dahil hindi kami pumunta dito para makipag inuman.

"Hindi kami nandito para uminom"sabi nito sa mga kasama namin habang ako naman ay busy inumin ang orange juice.

"Ms. Lisa anong meron po pala?" tanong ni Kwon Yuri at napangiti ako sa sinabi nito. Dahil nakuha nito agad ang pahiwatig ko.

"Ms. Lisa nakahanda na po ang VIP suite"tumayo ako ng sabihin yun ng isang bartender at sumunod naman ang anim sa akin.

Pagpasok namin ay umayos ako ng upo at nawala na din ang tugtog dahil soundproof dito.

"Bumalik na sila"pag uumpisa ko at nakita ko na nabigla sila sa sinabi ko habang si Seulgi ay uminom lang ng juice.

"Magsisimula na ang laro"ngumisi ako sa kanila at nakita ko na palihim sila napalunok.

"Kwon, Jung, Park, Lee, Song and my friend Nancy"nakita ko na napasimangot ang lima dahil sa binanggit ko ang pangalan ay kay Nancy lang.

"Be ready, lalo na hindi lang siya nag iisa kasama niya ang dalawang tao na alam natin ay mahalaga silang pawn sa kanya"malamig na sabi ko at hindi ko mapigilan na umirap kapag naalala ko ang dalawang yun.

"Ito ang dapat niyo malaman sa kanya"sabi ni Kang Seulgi at pinakita ang larawan ng makakalaro namin. Alam ko na kilala nila ito kahit na nakamaskara siya.

"Woah! She's back ah"sabi ni Park Chanyeol na kinatawa ko lang. Ofcourse kilaka niya talaga yan lalo na isa siya sa mga branch family ng Park.

"Alam niyo na magaling siyang manipulator"dagdag ko pa sa kanila sabay inom ng orange juice at napangiti ako ng may malasahan ako na kakaiba.

"Guess what, sinimulan na niya ang laro"walang emosyon na sabi ko at tinignan nila ako ng may pagtataka sabay tingin sa ininom ko.

"Shit"rinig kong sabi ni Kang Seulgi bago ako mahimatay.

----

T H I R D P E R S O N

Mabilis na binuhat si Lisa ni Park Chanyeol at nilabas nila ito sa back door ng club.

Hindi mapapansin ang pagkakataranta nila dahil alam nila na maaaring mangyari ang ganung bagay.

"Let's go dalhin natin siya sa apartment"sigaw ni Kang Seulgi at binuksan agad ng driver ang sasakyan para makapasok sila.

Pumunta na din sa kanya kanyang kotse ang lima habang magkasama sa isang sasakyan si Lisa at Seulgi.

"Bwiset ka Lisa, alam mong may nilagay na sa inumin mo pinagpatuloy mo pa rin ininom"inis na bulong niya dito. Napansin niya na tila natutulog lang ito at nung bago sila pumasok sa VIP suite ay may sinenyas sa kanya si Lisa at alam na niya agad iyon.

Kaya palihim niya pinahuli ang nagpapanggap na bartender at ilang sandali lang ay kinuha nito ang phone niya ng mag ring.

"Hello"sagot ni Kang Seulgi sa cellphone niya ng mag ring ito.

"Ms. Kang nahuli na po namin"sagot sa kabilang linya at napangiti siya habang tinitignan ang natutulog na pinsan.

"Good, alam niyo na ang gagawin"pagtapos niya sabihin yun ay binaba niya agad ang tawag.

Sa kabilang banda naman ay kung saan nahuli ang nagpapanggap na bartender.

"Maawa na po kayo pakawalan niyo na ako"pag mamakaawa nito na ikinatawa ng mga nakaitim na damit.

"Dapat inisip mo muna na ikakamatay mo ang inutos sayo"sabi ng lalaking matangkad at may kakaibang angkin na kagwapuhan.


"Nangangailangan lang po ako kaya ginawa ko yun. Isa pa sleeping pills lang po pinalagay sa akin kaya pumayag po ako"pagmamakaawa nito habang lumuluhod.

"Jake simulan mo na patahimikin yan ng madeliver na yan"walang gana na sabi ng lalaking naninigarilyo sabay buga sa usok.

"Okay"sabay ngiti nito at sinuntok nito ang mukha sabay hampas ng baril sa ulo nito.

Nawalan agad ito ng malay at nabutas ang ulo nito dahil sa lakas ng pagkakahampas dito.

"Boy linisin na ito at ibalot"utos nito sa binatilyo na bagong sali sa grupo nila.

Nanginginig na nilinis niya ang dugo at binalot ang lalaking namatay at nagtawanan ang mga kasamahan nito dahil sa reaksyon ng binatilyo.

"Sa umpisa lang yan boy, sa susunod masasanay ka din niyan lalo na ganyan din kami dati"pagpapalakas ng loob nito sa bata at tinapik pa ang balikat niya.

Tumango naman ang binatilyo dahil tama ang sinabi nito lalo na kailangan niya ng pera para ipagamot ang lola niya na may sakit.

"Ideliver na natin yan"binitbit ito ng lalaking kulay asul ang buhok at sumunod naman ang dalawa sa kanya.

"Kayo na ang bahala dito"utos ng lalaking may hawak ng sigarilyo sa ibang kasamahan nila at sumaludo naman ito sa kanya.

"Saan po natin yan dadalhin"tanong ng binatilyo. Ngumisi ang dalawang lalaki at matapos malagay sa sasakyan sumakay na din sila.

Ilang minuto na ang lumipas hindi pa rin sinasagot ang binatilyo hanggang sa huminto sila sa isang malaking mansion.

"Palasyo po ba yan?"may pagkamangha na sabi ng binatilyo. Tumawa ang dalawang lalaki sa sinabi nito at bumaba silang tatlo binalot muna nila ang mukha nila ng bonet sabay hagis sa bangkay ng lalaki sa harapan ng gate.

"MB?"basa ng binatilyo sa malaking dalawang letter.

Mabilis na bumalik sila sa sasakyan at umalis agad dahil nagawa na nila ang pinag uutos sa kanila.

"B-bakit po natin doon iniwan?"tanong nito ulit at hinarap siya ng lalaking kulay asul ang buhok.

"Welcome gift ng amo natin"nakangising sagot nito sa binatilyo at tumango na lang siya.

Dahil hindi pa niya nakikita ang mukha ng tinutukoy nilang amo or young lady dahil lagi lang ito tumatawag kapag may pinag uutos.

----

"Kayaaaaaaahhhh"nagulat ang isamg katulong ng nasabing mansion dahil binuksan nito ang nakabalot na bagay ng lumabas siya para magtapos ng basura.

Pinuntahan siya ng mga guard at maging ang ibang katulong dahil narinig ang sigaw niya.

"Anong meron?"tanong ng babaeng naka mask ng marinig niya ang sigaw.


"Young Lady may patay na tao sa harapan ng gate"takot na sabi ng isang katulong at ngumisi lang ito na ikinataka ng katulong.

"Dennis,alam mo na ang gagawin"utos nito sa butler at yumuko ito sabay alis. Bumalik siya sa loob ng mansion at pumasok sa kwarto niya.

"Sleep well Lalisa"nakangiting bulong niya sa larawan ng tignan niya ito.

Tinanggal niya ang mask na suot sabay tingin sa salamin. Napangiti siya ng makita niya ang mukha niya.

"1-1"mahinang bulong niya sabay higa sa kama.  Dahil kailangan niya maaga matulog dahil alam niya simula bukas ay mag sisimula ang totoong laro.

----

The Missing Queen (JenLisa) [Completed]Where stories live. Discover now