XXVIII

3.9K 136 55
                                    

J E N N I E


Napabuntong hininga ako ng mababa ko na ang tawag. Hindi ko alam pero nalilito ako.




Bumalik na siya pero bakit ng makita ko siya ay pakiramdam ko na parang wala lang.





Habang kay Lisa naman ay pamilyar sa akin ang pakiramdam na binibigay niya.




Bumalik na ako sa living room at expected ko na sasalubong sa akin si Lisa pero ang nakita ko ay tahimik at walang Lisa akong nadatnan.





Tinignan ko kung saan ko nilapag ang bag niya pero wala na doon sa pinaglagyan ko.





Nakaramdam ako ng kaba ng hindi ko siya makita. Chineck ko ang cr at ang kwarto pero walang Lisa akong nakita.





"Lisa"sigaw ko sa pangalan niya at halos itaob ko na ang mga gamit dito para makita lang siya.




Napatingin ako sa pintuan at nakauwang ito ng kaunti. Alam ko na agad na umalis ito at iniwan ako.




Napahawak ako sa dibdib ko ng maramdaman ko na tila may sumakit at hapdi akong naramdaman.




Para bang may kulang, mabilis na kinuha ko ang cellphone ko habang pababa ng tree house ko.




"Lisa sagutin mo"ilang sandali lang ay nag ring pero biglang nawala din agad.




Nagdial ulit ko at naging unattended na ang call na ginagawa ko. Napasabunot ako sa buhok ko ng hindi ko na ito macontact.




"Jendeukie"napatingin ako kay Jisoo ng tawagin ako nito. Nasa tabi nito si Park Charyoung at maging si Lili.




"Anong nangyari sayo? Bakit natataranta ka dyan??nag aalalang sabi nito pero hindi ko ito pinansin.





"Bobby"tinawag ko ito dahil nakita ko na sinusundan ako nito.





"Hanapin niyo si Lisa ngayon din"utos ko dito at mabilis na sumunod ito sa utos ko.





"Jen, may nangyari ba? Bakit mo pinapahanap si Lisa? Di ba magkasama kayo?"takang sabi ni Jisoo pero hindi ko ito pinansin.




Pilit kong tinatawag ang number ni Lisa pero unattended pa rin ito at dahil sa galit ko binato ko ang phone ko.






"Damn Mandu! Kakabili lang ng phone mo na yan"gulat na sabi ni Jisoo sa akin habang si Chaeyoung ay tinitignan ako.





"Nini, anong nangyayari sayo?"naramdaman ko na hinawakan ang kamay ko nito pero mabilis na inalis ko yun.





Malamig ko itong tinignan at napansin ko na tila nagulat ito sa ginawa ko.





Hindi ako nakaramdam ng guilt sa ginawa kong pagtanggal sa kamay niya lalo na naalala ko ang mukha ni Lisa ng mabasa ang pangalan niya sa phone ko.





Dapat hindi ko na lang sinagot,edi sana magkasama pa kami. Iniwan ko silang tatlo at tumakbo ako papunta sa sasakyan na nakaantay sa labas ng Academy.





"Ten, Diamond City"sabi ko sa driver ko at mabilis na pinaandar nito. Narinig ko na tinatawag ako ng tatlo pero hindi ko sila pinansin.




"Lalisa why did you leave?"inis na sabi ko sabay sundok sa salamin ng kotse pero hindi man lang ito nagasgasan.




"327 Blue Diamond Street"sabi ko ng mapindot ko ang button para maconnect sa iba pang kotse na sinusundan ako.




The Missing Queen (JenLisa) [Completed]Where stories live. Discover now