XXV

4K 130 24
                                    

J E N N I E

Hindi pa rin nawawala ang galit ko sa nakita kong ginawa ni Lisa. Lalo na nung nakita ko kung paano magbulungan ang dalawa kanina.

Alam ko may nagawa akong kasalanan sa kanya hindi ko nasagot ang tawag at text niya kahapon dahil sa nalaman ko.

Sumunod pa kanina nung narinig kong tinawag niya ako pero tinitigan ko lang siya dahil sa dadating na bagong student which is hindi naman bago.

Napaparanoid ako ngayon lalo na wala dito sa classroom si Lisa at si Chou Tzuyu.

Nasaan na kaya siya?

Halos ihagis ko na ang cellphone ko dahil hindi pa rin sinasagot ni Lisa ang tawag ko.

"Jendeuk"napatingin ako kay Jisoo ng tawagin ako nito. Napansin ko na nakatingin sa akin halos lahat.

Hindi ko na sila pinansin at lumabas na ako ng classroom dahil hindi mapanatag ang loob ko.

"Nini"napahinto ako ng marinig ko ang tawag sa akin ng taong matagal kong hinanap at hinintay.

Ngunit mas may nagsasabi sa akin na kailangan ko mahanap si Lisa. Kaya tinuloy ko na ang paglabas ko at tumakbo ako kahit nakaheels dahil kailangan ko siya makita.

"Damn! Where are you Lisa"galit na bulong ko sa sarili ko sabay tingin sa mga gilid. Hanggang sa naisip ko ang secret garden ko.

Mabilis na pinuntahan ko yun at kahit hinihingal ay tinakbo ko pa rin kaya nakarating agad ako.

Pagpasok ko sa gate ay bumungad sa akin ay katahimikan. Napaupo ako sa sobrang pagod dahil halos kalahating oras ko din nilibot ang school.

Hanggang sa may naalala ako, tumayo ako at kahit gusot pa ang palda ko ay mabilis na pinuntahan ko ang office ko.

Nakarating ako agad at kinuha ang remote control ng cctv at chineck ko muna ang mga bawat cctv monitor.

Napangiti ako ng makita ko siya pero nawala ang ngiti ko ng makita ko na kasama pa rin nito si Chou Tzuyu at masayang nagkwenkwentuhan habang kumakain.


"Lalisa"malamig na banggit ko sa pangalan niya sabay labas ng office ko para pumunta ng cafeteria.

"Ms. Ruby"rinig kong tawag ni Bobby pero hindi ko ito pinansin dahil kailangan ko siya puntahan.

Lisa..


Hindi ko namalayan na nakakuyom na pala ang mga palad ko. Ano ba itong nararamdaman ko?

Nakarating ako sa cafeteria na wala pang gaano na tao dahil class hour pa.

Nakita ko agad ang dalawang babae na masayang nagtatawanan na ikinagalit ko.

Lumapit ako sa pwesto nila, napansin ako ni Chou Tzuyu dahil nakaharap ito sa gawi ko. Habang si Lisa ay nakatalikod sa akin.


Malamig na tinignan ko si Chou Tzuyu at nakita ko na napalunok ito. Tila naramdaman ni Lisa na may kakaiba kaya tumingin ito sa tinitignan ni Chou Tzuyu.


Nagtama ang mata namin nginitian ko ito ng malamig at nagulat ako ng inalis nito ang tingin sa akin sabay balik ng tingin kay Chou Tzuyu at nakipag kwentuhan.

Nakarating ako sa pwesto nila pero hindi pa din ako hinaharap nito habang ang kausap niya ay tumatango lang sa nagsasalita.


"Pagtapos ng klase kain tayo sa labas, mag bonding tayo"napataas ang sulok ng labi ko ng marinig ko ang sinabi niya.

The Missing Queen (JenLisa) [Completed]Where stories live. Discover now