XXVI

3.9K 113 19
                                    

J I S O O

"Lalice Priya Manoban"banggit ko sa pangalan ng Queen of Heart at nanlalaki ang mata nila na hinarap ako.



Well bumalik ako dito sa cafeteria dahil nagugutom ako kaya sinabi ko kay Chaeyoung at Lalice na mauna na sila.





"Ms. Jisoo ikaw pala"naiilang na sabi ni Kang Seulgi dahil alam niya na narinig kong tinanong niya ang pangalan ng Queen of Heart.




"Nah it's fine, lalo na ipapakilala na din naman si Lalice sa media lalo na nahanap na siya"nakangiting sabi ko sa kanila.





"Pwede makishare ng table? Kakain lang ako ng chicken hehe"sabay pakita ng bucket ng chicken ko.





Inayos naman nila ang upuan at pinaupo ako bali katabi ko si Chou Tzuyu habang si Kang Seulgi at Bae Irene ay magkatabi din.





Inalok ko muna sila pero tumanggi at tinuloy ko na ang pagkain ko. Pasimple ko tinignan si Kang Seulgi at tila napansin nito ang tingin ko ay tinignan din ako nito.





"Ms. Kang pwede magtanong?"pagkaubos ko ng isang chicken ay tinanong ko si Kang Seulgi.






"Sure ano po yun Ms. Kim?"ngumiti ako dito ng tawagin niya akong Ms. Kim.





"Sino nag pro-provide ng financial sa inyo ni Lisa? Lalo na nalaman ko ikaw ang guardian ni Lisa at pinsan ka pa niya"tanong ko dito at nakita ko na tila nagbago ang tingin na binigay nito sa akin. Nakita ko na naging seryoso ang expression nito.





Napansin ko na tila inaabangan din ni Bae Joohyun si Kang Seulgi sa sagot nito. Lalo na alam namin na malakas ang impluwesya ni Lisa sa Diamond City which is sakop ko pero hindi ko mahanap ang access para makilala sila ni Lisa.





Lalo na may pagkamisteryoso silang dalawa ni Lisa at kung paano sila napunta doon 3 years ago.





Pinaimbestigahan namin sila ni Jendeuki pero lahat ng mga inutusan namin ay nawala ng parang bula.





Lalo na huling balita nila ay sa Diamond City sila nag iimbestiga pero ilang araw lang ay nawala na ang communication namin sa kanila.





Kaya may hinala ako na may iba sa kanila at may tinatago sila na hindi dapat malaman.





"May lolo kami, at siya na lang ang nag iisang pamilya na meron kami kaya siya ang nagpapadala sa amin ng mga kailangan namin at sinabi namin na magpart time kami hindi siya pumayag dahil mas kailangan namin makapag tapos ng pag aaral dahil mas kailangan daw namin yun ng hindi kami maaapi lalo na hindi man halata pero mataas ang IQ namin ni Lisa"seryosong paliwanag nito at nakita ko na tinignan siya ni Irene na may pagkamangha na ikinangiti ko ng palihim.






Halata ka masyado Bae Irene halatang may gusto ito kay Kang Seulgi lalo na binibigyan niya ng mga banta ang sinuman lumalapit kay Kang Seulgi pero palihim lang yun.






"Nasaan ngayon ang lolo niyo?"tanong ko pa dito at nakita ko na tila naaasar na ito sa tanong ko dahil alam ko may higit pa doon.




Ringgg...  Ringggg....





Napabuntong hininga ako ng makita ko kung sino tumatawag. Medyo natagalan na din pala ako nawala kaya hinahanap na niya ako.





----

S E U L G I

"Thank you sa pag share ng table and mauna na ako"ngumiti ito sa amin sabay binigyan ako ng kakaibang tingin.





The Missing Queen (JenLisa) [Completed]Where stories live. Discover now