XLIII

3.2K 115 13
                                    

S E U L G I

"Ms. Ruby, ako na ang bahala kay Lisa mag uwi"sabi ko dito ng makita ko na ipapasok nito sa sasakyan niya si Lisa.





"No, ako na ang bahala sa kanya"malamig na sabi nito at napansin ko na tulala na si Lisa.




Napapikit ako saglit, dahil nakikita ko nanaman ang mata ni Lisa, na walang buhay at alam ko kapag nakatulog ito ay babalik ang nightmare niya.





"Ms. Ruby Jane Kim, pinsan ko siya at alam ko ang gagawin ko sa kanya. Kaya hayaan mong iuwi ko siya"seryosong sabi ko dito at napansin ko na pinapanood na kami ng ibang kasama namin.





"No"tutol nito at pinasok na agad niya si Lisa sa sasakyan at sumunod yung dalawa sa kanya.





"Damn it!"sigaw ko at mabilis na kinuha ko ang cellphone ko.





"Bear what happen? Paano yun? Bakit magkamukha si Lisa at Lalice Manoban?"rinig kong tanong nito pero tinaas ko lang ang kamay ko sa harapan niya para huminto.





"Hello, Bambam I need you here! Kailangan kita dito sa MK Island, may nangyari kay Lisa"sabi ko dito at nagtatakang tinignan ako ni Bae Irene.




"I'll be there cousin, pupunta agad ako sa MK Island, napanood namin ang ginawang announcement nila at pinakita din nila ang mukha ng babae na yun"galit na sabi nito sa kabilang linya at mabilis na binaba ko ang tawag.




"Irene, mauna na muna ako sayo kailangan ko sundan si Lisa"sabi ko dito pero hinawakan nito ang kamay ko.





"Sasamahan kita, may sasakyan akong dala"sabi nito at nagpahila na din ako dahil sa nagmamadali na din ako.




Pumasok agad kami at kasunod ang driver niya. Binigay ko ang address at mukhang alam agad ng driver ni Irene.





"Lisa, I think matatalo ka nanaman"malungkot na bulong ko at naramdaman ko hinawakan ako sa kamay ni Irene.




"Malakas si Lisa Bear at kahit na naguguluhan ako ngayon ay alam kong may dahilan ang nangyayari"napangiti ako ng maliit sa sinabi nito.





-----

J E N N I E

"Jen"napatingin ako kay Jisoo ng tawagin ako nito at napansin ko na may gusto itong sabihin.




Tinignan ko si Lisa at tulalang nakakapit ito sa akin. Hinawakan ko ang kamay niya at gumanti ito ng hawak sa akin.




Ramdam ko ang higpit ng pagkakapit niya sa akin, nararamdaman ko na ayaw ako nitong pakawalan.




"I'm here hun"bulong ko dito at hinalikan siya sa noo. Dahan dahang ko nilagay ang ulo niya sa lap ko.




Yumakap ito sa bewang ko at diniin ang ulo niya. Napangiti ako sa ginawa nitong gesture.





"B-bakit magkamukha sila?"napatingin ako ng sabihin yun ni Rosé at tinignan nito si Lisa. Naramdaman ko na tila nabigla si Lisa sa narinig kaya pasimple ko tinignan ng masama si Chaeyoung.





"Shhh"suway ni Jisoo dito ng makita ang reaction ni Lisa. Sinuklay ko gamit ang kamay ko ang buhok ni Lisa.




Tinanggal ko ang mask nito at maging sa akin dahil hindi ko pala natanggal kanina.




The Missing Queen (JenLisa) [Completed]Kde žijí příběhy. Začni objevovat