V

4.7K 165 4
                                    

L. I. S. A

Isang linggo na ang lumipas simula ng pumasok kami dito sa R. A natatawa na lang ako dahil umabot ako ng isang linggo na wala pang ginagawa na kalokohan.

Siguro dahil nalilibang ako sa ginagawa ng mga kaklase namin ni Seulgi.

"Nandyan na siya, ayusin niyo na dali for sure success na to"

Palihim ako natatawa habang pinapanood sila sa phone na hawak ko.

Hindi nila alam nung unang araw ko palang dito sa Academy ay sinabihan ko si Ms. Dara na kailangan ko ng access sa lahat ng cctv at ginawa agad nito na walang pag tatanong kung ano dahilan.


"Lisa para kang tanga na tumatawa dyan"tinignan ko si Bae Irene ngumisi ako dito sabay pakita ng phone ko at napansin ko na tumingin din si Seulgi.


"P-aano?"gulat na sabi nito sabay kibit balikat lang ako.

Ilang sandali lang ay nasa harapan na kami ng pintuan ng classroom at natatawang tumingin ako sa phone ko dahil pinapanood ko kung paano sila sabik na mabuhusan ako ng slime.

"Seulgi"nakangiting tawag ko dito at nakita ko na umiling muna ito sa akin.

Mabilis na sinipa nito ang pintuan at natatawang pumasok ako dahil bumungad sa akin ang mga basang sisiw sa loob.

"Hindi niyo man lang ako ininform na wet party pala ngayon"nakangiting sabi ko sa kanila at mas lalo ako napangiti ng makita na masasama ang tingin na binibigay nila.

"What the? What's happening here?"napatingin kami ng makita ko si Ms. Yang ang physic teacher namin.


"Ms. Yang, that girl siya ang may gawa nito"umiiyak na sabi ni Ms. Chou Tzuyu.

Napatingin naman sa akin ito dahil halos lahat tinuturo ako, nakita ko na magsasalita sana si Bae Irene ng pigilan ito ni Seulgi.

"Totoo ba Lisa?"masamang tinignan ako nito. Walang gana na nagkibit balikat ako dito.

"Answer me?"sigaw nito sa akin nakita ko na palihim na ngumiti ang mga iba dito sa loob.

"I'm bored"gulat na napatingin ito sa akin dahil sa sinagot ko. Tila iniisip nito na ako may gawa ilang sandali ay tinignan nito ang dalawang nasa likuran ko.

"Ms. Bae si Lisa ba ang may gawa nito?"mahinahon na tanong nito.

"Hindi Ms. Yang dahil magkasama kaming tatlo ng pumasok dito at nakita namin na ganyan na lang itsura nila"inosenteng sagot nito at nakita ko ang gulat sa mga mukha ng nandito.


"Bae Irene what the hell? Bakit ba mas kinakampihan mo yang mga transfer student"galit na sigaw dito nung Momo.

"Lisa go to detention room now"galit na sigaw ni Ms. Yang at nakita ko na tila nanalo ang mga kaklase ko ng marinig ang sinabi ni Ms. Yang.

Napansin ko na pasimple ito tumingin sa gawi kung nasaan si Chou Tzuyu. Ngumiti ako dahil alam ko naman na ganto ang mangyayari.

"It's unfair Ms. Yang, walang ginagawa si Lisa pero paparusahan mo siya?"galit na sigaw ni Bae Irene dito at napansin ko na napaiwas ng tingin si Ms. Yang.

"Ms. Bae sa tingin mo maniniwala ako sa sinabi mo, lalo na lahat sila basang basa ng slime habang kayo tatlo tuyo?"paliwanag nito walang gana na naglakad ako. Nakita ng lahat nila na naglalakad ako papunta ng pintuan para lumabas.

The Missing Queen (JenLisa) [Completed]जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें