EPILOGUE

151 10 4
                                    

CAIUS POV.

Nagising ako na tanging liwanag lang ang nakikita. Sobrang linaw na aakalain mong nakakabulag. Ngunit tila naghahatid ito ng kapayapaan dahil habang tumatagal ay kinakalma nito ang aking kalooban.

Ngunit hindi ito ang gusto ko. Batid kong inaalis nito lahat nt sakin gayon nadin ang nararamdaman ko para sa ibang tao.

Patay na ata ako.

"Caius" nag eeko ang boses na tumatawag sakin. Sobrang payapa ng boses niya at tila kay tamis ngunit kahit ganon ay iisang tinig lang ang maganda sa pandinig ko.

Nicolr..

"Caius" umulit ang boses. Nageeko padin ito kaya naman hindi ko malaman kung saan ito nanggagaling.

"Sino ka?" Nagulat ako ng maski ang sarili kong boses ay nag eeko. Nasaan ba kase ko?

"Ako ang diyosa ng oras" pakilala niya. Tila natauhan naman ako sa kung sino ang nilalang na kausap. "Marahil ay alam mo na ang aking pagkakakilanlan."

"Siya nga mahal na diyosa. Utang ko sayo ang aking buhay dahil sa walang pagaalinlangan mong pagtulong saakin" yumuko ako kahit hindi ko alam kung nasaan siya. "Mahal na diyosa marahil ay sumosobra na ako kung hihilingin ko pang mabuhay muli"

Narinig ko ang magaan niyang buntong hininga "sa totoo lang ay gusto ko kayong muling tulungan. Ngunit patawad dahil wala na akong magagawa pa"

Gusto kong malungkot o di kaya ay magalit ngunit ang lugar na aking kinaroroonan ay pinipigilan ang ano mang emosyon na gusto kong maramdaman. "Patawad kung ang pangalawang pagkakataon na inyong binigay ay muli lamang na nasayang." Paghingi ko ng tawad.

"Hindi ko alam kung nasayang nga ba o hindi. Ang oras dito ay hindi katumbas ng oras doon. Ang babaeng iniibig mo ay nagdurusa ngayon dahil sa iyong pagkawala ngunit nagpapatuloy sa buhay. Oras lang ang hawak ko at hindi ang buhay ngunit ako'y nakasisigurong mabubuhay siya ng mas matagal kaysa sa nauna niyang buhay" napahinga ako ng malalim. Kaya kong tumawid sa kabilang buhay kung masisiguro kong mabubuhay siya.

"Ngunit wag kang panghinaan ng loob Caius. Pwede mong makausap ang nakakataas" sabi ng diyosa.

"Po?" Gulat akong nagtaas ng tingin.

Tumango siya sakin. Ngayon ay nakikita ko na siya."Maari mo siyang makausap"

"Ano pong sasabihin ko?" Natataranta ako. Pano ko kakausapin ang tulad niya? Paano kung magkamali ako? Edi wala den hindi ko din makakasama si Nicole!

Mahinhin na natawa ang diyosa "Huminahon ka iho"

"Patawad ngunit ako po ay kinakabahan" pagamin ko.

"Sabihin mo lamang ang laman ng iyong damdamin. Maiintindihan ka niya" sa ngayon ay pagkakatiwalaan kong muli ang mahal na diyosa. Pero ang problema ay hindi ko alam kung paano ko pagkakatiwalaan ang sarili.

Ngayon ko lang ipinagpasalamat ang harang na pumupigil sa emosyon ko. Baka himatayin ako sa sobrang kaba kung sakali mang dama ko lahat yon.

Nakilala ko ang diyosa noong nagpakita siya saakin nung mga oras na dinala niya sakin si Nicole. Yung oras na may dala akong mansanas pampukol sana sa ulo nung kaluluwang nagtatangkang tumakas. Hindi pangkaraniwang mansanas yon. Ginagamit ko yon pansundo sa makukulit na kaluluwa.

Gusto ko sanang gamitin kay Nicole yon that time dahil alam kong may kakaiba sa kaluluwa niya.

--------

Ngayon ang araw na dinala ako ng diyosa sa bathala. Gusto kong mamangha sa sobrang payapa ng lugar. Kung simpleng tao lamang ako ay ito na siguro ang oinaka payapang lugar na mapupuntahan ko. Ngunit ako si Caius. Ang pinakapayapang lugar para sakin ay ang mga mata ng babaeng minamahal ko.

Tila kumakalma ang buong paligid at hindi alintala ang panganib at sakit pag ang mga mata niya ang nakakatagpo ko. Kung tutuusin ay halos parehas sila ni Nico ng mata pero alam ko kung anong pinagkaiba non.

Sadyang mababakas mo ang lahat ng emosyon sa mata ni Nico at malihim naman ang mga mata ni Nicole. Ngunit tila may hipnoso ang mga mata niya at dadalin ka sa paraiso.

"Nandito na tayo" iginaya ako ng diyosa sa isang sobrang laking pintuan. Huminga ako ng malalim at humakbang. Gagawin ko to para sayo Nicole. Ako ang hihiling para sa ating dalawa.

Tuluyan akong pumasok at namataan ang taong may balabal sa mukha. "Caius ang magiting na tao at grim reaper" pagpapakilala niya para saakin. Yumuko ako para magbigay galang. "Anong maipaglilingkod ko sayo" ito na ang pagkakataon Caius. Gawin mo na.

"Lumaki ho akong nakakulong sa batas ng pamilya ngunit hindi ko po hihilinging makaalis don. Tumanda ako na puro sugat ang katawan ngunit hindi ko po gustong takasan yon. Nabuhay ako sa loob ng mahabang panahon para lamang po sumundo ng patay, ngunit akin pong ikinalulugod yon. Ngunit bathala nais ko pong humingi ng kapalit." Bumuntong hininga ako. "Hindi ko man lang po naranasan magpalaki ng sarili kong supling ni ang makabuo noon ay hindi ko nagawa. Nais ko pong pakasalan ang babaeng kasama ko sa hirap at ginhawa ngunit wala po akong oras. Nais ko po sanang humingi ng kalayaang umibig at mabuhay kasama ang nagiisang babaeng minahal ko sa napakahabang panahon"

"Bathala ngayon lamang po ako hihiling sa inyo. Nawa po ay hayaan niyo po akong baguhin ang paulit ulit naming tadhana" yumuko ulit ako at hindi umalis doon hanggang hindi ko naririnig ang sagot niya.

"Maipapangako mo bang magiging masaya ka at siya lang ang tanging iibigin?" Basag niya sa mahabang katahimikan.

Hindi na ako nagisip pa at agad na sinagot iyon. "Isinusumpa ko po"

"Kung ganon ay humayo ka at hagkan ang babaeng matagal ka ng pinapangarap. Dinidinig ko ang kahilingan mo"

At doon, doon ko napatunayan ang lahat.

Sabi ng diyosa ay mas dapat daw na ipagpasalamat anv pangalawang pagkakataon kaysa sa una. Dahil kokonti lamang ang nabibiyayaan nito.

Ngunit para saakin?

Mas kailangan ipagpasalamat ang ikatlong pagkakataon. Dahil bilang sa kamay ang nakakatanggap nito at labis na nakakamatay.

Pero kung ang makasama lamang si Nicole ang kapalit non. Kaya kong mamatay ng paulit ulit kahit hindi na mabilang pa.

Masasabi kong si Nicole ang nagdadala ng sakit sa akin. Dahil kung wala siya ay wala din akong mararamdaman. Wala akong pagsusugalan.

Now I think I'll merry my pain. And introduce her the word happiness.

END

Time Travel With My Grim Reaper.Where stories live. Discover now