=TWENTY THREE=

60 10 0
                                    

Nasabi samin ni Dad na sa kaybigan nila kami tutuloy. Pilipino din sila pero piniling tumira sa Dubai. Sa pagkakaalam ko Feline Mendoza ang name niya at Arturo Cruz naman ang asawa niya. May anak daw yun na bata nasa pitong gulang na.

Sobrrrrraaangggg hilig ko sa bata!

Kaya ngayon kinakalma ko ang sarili ko dahil baka panggigilan ko ng sobra yung anak nila. "Daddy malayo pa ba?" Pang siyam na tanong ko na ata to pero iisa lang ang reply sakin ng tatay ko.

"Malapit na anak wait ka lang" napanguso naman ako.

"Eh dad kanina mo pa po dinasabi yan eh! Feeling ko sa sobrang tagal ng byahe makakarating na tayo sa Pinas eh!" Natawa naman siya sa reklamo ko.

"Malapit na talaga. Ayan na yung papasok sa kanila oh!" Turo ni dad sa isang kanto. Napangiti naman ako sa sobrang tuwa.

Ayan na may mapanggigigilan na kong bata. Hindi ko napigilang hampasin ng malakas si Nico "ARAY NAMAN PUTAKTE KA MASAKIT YON!" Sigaw niya sa sobrang gulat sakin.

"Hehe excited na ko ih." Nag peace sign pa ako.

"Baliw ka talaga kahit kaylan. Dapat yung likod nalang ng upuan ni dad yung hinampas mo!" Turo niya sa upuan ni daddy na kaharap ko.

"Baliw kaba edi nagalit sakin si daddy!"  Sigaw ko din sakanya.

"Exactly! Para mapababa ka" sinimangutan ko siya at hinampas ulit. "Aray jusko Nicole ha nakakadalawa ka na ha"

Hindi ko na siya pinansin dahil huminto na ang sasakyan namin. Kasing laki lang siguro ng bahay namin to. Excited akong itinulak si Nico pababa.

"Dalian mo dang kupad eh!" Reklamo naman siya ng reklamo hanggang sa makababa kame.

"Oh buti naman nakadating na rin kayo!" Bungad samin nung may idad na  babae sa tingin ko kasing edad niya lang si mommy. Nginitian ko naman siya ng matamis.

"Hello po!" Ako habang kumakaway pa sa kanya.

"Oh hi iha! Ang ganda naman na ng bunso mo Mariel. Dalagang dalaga na ah" namula naman ang pisngi ko sa hiya. Enebe tita ako lang to.

"Oo nga eh. Eto nga pala si Nicole tas eto naman si Nico, ang kambal ko!" Pakilala samin ni mom. "Eto naman si Nick panganay ko tas si Nica pangalawa"

"Malalaki na nga ano. O sya sya halika na kayo ng makakain na ng hapunan." Sumunod naman kami sa kanya papasok ng bahay.

Hinihintay ko talaga yung anak niya.

Napadaan kami sa sala at saktong may batang lalake doon na mukhang koreano. Naglalaro siya ng train nung mapatingin siya samin.

Napangiti naman ako at kumaway sa kanya "hi! Anong pangalan mo baby?" Tanong ko habang umuupo sa tabi niya.

"Hi lady i'm Cris" nakangiti niya ding sabi. Grabe sobrang cute niya sa sobrang cute ay ang sarap tirisin.

"I'm Nicole. You can call me ate!" Pakilala ko sabay pisil sa pisngi niyang sobrang taba.

"I think they like each other " rinig kong komento ni tita Feline.

Time Travel With My Grim Reaper.Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang