=SEVENTEEN=

73 9 0
                                    

Bat ko pa ba sila tinitignan. Kung tutuosin wala namang mali kung magkasama sila. Wala namang girlfriend si Caius. At sa palagay ko wala ding boyfriend yung babae. Bagay pa sila kaya wala talagang masama. Ako lang talaga ang nagiisip ng mali.

Bumuntong hininga ako at tinalikuran sila. "Tine lika na. Masyado akong pagod wag muna tayo mag mall sa ibang araw nalang" tinalikuran ko na sila at hinila si Cristine papalayo.

"Huh?ah sige" tumingin pa siya ulit dun sa dalawa bago sumunod sakin. "Oo nga wag muna! Feeling ko may bagyo eh baka di tayo makauwi" sabi niya habang tatango tango. Sinabayan ko ang tango niya tsaka siya nginitian.

"Mukha ngang babagyo, ang init sa labas eh" sabi ko sabay lingon sa kanya. Napabusangot naman siya dahil don. Alam kong nagpapalusot siya para gumaan ang loob ko pero wala naman kaseng katuturan yung sinabi niya.

Napabuntong hininga ako nung makitang papasok pa lang sa mall yung dalawang lalake. "Oh saan kayo pupunta?" Nagkatinginan kami ni Tine. Inilingan ko siya.

"Sumakit kase yung paa ko,lika uwi nalang tayo" palusot ni Cristine para pagtakpan ako.

Nakahinga naman ako ng maluwag. Kahit papaano may masasandalan na ko. Buti nalang dumating sila sa buhay ko. "Yan kase gala ng gala, buti nga sayo" sabat naman ni Rai.

Kita kong gusto nang tirisin ni Cristine si Rai sa pagkainis. "Bwisit ka talagang kutong lupa ka wala ka nang nasabing matino!" Binatukan pa ni Cristine para dama. Natawa naman kami ni Nico.

Hanggat maaari iniiwasan kong tumingin sa kanya. Alam ko kasing mahahalata niya ang pagiging matamblay ko. "Lika na uwi na tayo inaantok na ko" sabi ni Nico sabay akbay sakin. Lokong to sakin pa binigay lahat ng bigat niya.

"Isa! Sisikmuraan kita" tinanggal naman niya tsaka siya lumapit kay Rai.

"Hmmm sungit. Sayo na nga lang Rai may dalaw ata re eh" tinawanan lang siya ni Rai tsaka siya pinalo sa tiyan. Buti nga.

Umuwi nalang kami at nagkulong lang ako sa kwarto. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Bat ba ko nagmumukmok? Sino ba siya? Sinabi lang naman niyang manliligaw siya pero hindi pa din kami kaya pwede pa siyang makakita ng iba. Kaya dapat hindi ako magmukmok kase una sa lahat WALANG KAME.

Umupo ako sa kama at bumusangot. Bwisit naman matutulog na lang ako. Tumayo ako at nag dive sa kama ko. Pag ako hindi pa nagising sa katotohanan diretsya ko nang iuumpog ang ulo ko.

Syemay di talaga ko makatulog. Kaya naman ay tumayo ako at inabot ang phone. Nagpatugtog ako yung hindi ako makaka relate para di na ko mag drama. Di rin nagtagal hinatak na ko ng antok at nag time travel.

_·_·_·_·_·_·_·_

Naalim pungatan ako dahil sa lakas ng yugyog sa balikat ko "Nicole parang awa mo na bumangon ka na male late na tayo sa misa!" Nyemas anlakas ng bunganga ni ate kaya hindi imposibleng magising ako.

Napabusangot naman ako. Hindi ko nakita si Caius sa nakaraan. Naubos ang oras ko sa paghahanap sa kanya pero wala pa din.

Bat ko nga ba siya hinahanap. Jusko hindi ako to. Ang mga bagay na kinahuhumalingan ko ay unti unti niyang pinapapangit. Umiling ako at tumayo na. Pinaliguan ko ang sarili ko kahit sobrang lamig ng tubig. Madaling araw pa lang pero dahil maaga din ang simba at dahil nadin sa sobrang kupad ng pamilya ko. Kinailangan talaga naming agahan.

"AYY NYETA LAMIG!" Nanginig ako dahil sa ginaw. Minadali ko na dahil nangangatog na ko. Dali dali akong nagbihis nagsoot ako ng kulay itim na dress walang kahit anong design. Nagmukha tuloy akong nagluluksa.

Bumaba na ko at nakitang nagaayos na sila para sa pag alis. "Wow naligo ka?" Manghang manghang sabi ni Nico. Bumusangot naman ako.

"Palibhasa di ka naliligo" tumawa naman si kuya Nick.

"Kaya pala sumigaw ka kanina. Akala ko naman kung anong nagyare sayo" nagtawanan naman silang tatlo.

"Kids tama na yan male late na tayo." Dali dali kaming pumunta sa sasakyan ni dad. Pinaandar niya din to at saktong sakto ang dating namin sa simbahan. Maguumpisa palang at may nakuha agad kaming upuan.

Nagsimula na sila hanggang sa mag sermon na ang pare. "Ano sa tingin niyo kung bakit nawawala saatin ang isang bagay?" Napatingin ako sa kanya. Maski ako hindi ko alam ang sagot. Bakit nga ba kaylangan pang mawala ng mga bagay bagay?

"Dahil may nilaan na mas maganda saatin ang panginoon. Hindi kukunin ng diyos ang isang bagay kung ito'y para sa inyo. Ang kaylangan niyo lang gawin ay magtiwala sa plano ng diyos" yun na lang ang tanging pumasok sa utak ko.

Tama dapat ay magtiwala lang ako sa panginoon. Alam niya kung anong mas makabubuti saakin. Kung para saakin siya. Ibibigay ni lord yon. Ngunit kung hindi dapat ay tanggapin ko padin.

Nakinig nalang ako hanggang sa matapos ang misa. Agad kaming nagmano kela mommy at daddy. Nagyakap yakap naman kaming magkakapatid. Masaya kaming lumabas ng simbahan.

Pakiramdam ko ay nalinis ang kalooban ko dahil nawala ang bigat non.

"Ano lika na dating gawi tayo" sabi ni dad na siyang sinang ayunan naming lahat. Dali dali kaming sumakay ng sasakyan at dumiretso sa lugawan na lagi naming kunakainan.

Bonding namin to tuwing magsisimba. Ipinagpasalamat ko na maka diyos ang pamilya ko. Dahil don ay napalaki nila kami ng tama. Pasaway man ngunit hindi namin nakakalimutang sumunod sa diyos.

"Pray na dali" sabay sabay kaming nagdasal sa pangunguna ni Kuya.

"Amen!" Sabay sabay naming sabi.

"Chibugan na!" Sigaw ni Nico na nakakuha ng atensyon ng madami pero sinawalang bahala lang niya yon at kumain. Nagtawanan naman kame.

Kahit papaano gumaan ang loob ko dahil sa pamilyang meron ako.

"I love you po mommy,daddy" bulong ko sa kanila. Natatawa naman silang humarap sakin. Pati sila ate ay nakatingi nna sakin.

"Napaliguan ka ata masyado ng holy water kanina ha" natatawa kong hinampas si kuya Nick. "Oh wag kang manakit kakasimba mo lang!"

Lalo silang nagtawanan bago ako hinalikan nila mommy at daddy. "Mahal ka din namin anak. Lagi mo yang tatandaan" nakangiti niyang sabi sakin. Unti unti ding sumilay ang ngiti sakin. Salamat lord.

========

««Nhorilize»»

Time Travel With My Grim Reaper.Where stories live. Discover now