=TWENTY ONE=

72 9 4
                                    

Nakauwi na sila daddy at mommy galing sa business trip nila and I found it weird,daddy want to have another trip together with us.

"Daddy kakauwi niyo palang po, magpahinga muna kaya kayo ni mom" see im not the only one na nawe weirdan sa tatay namin maski silang tatlo.

Tinignan ko si mom. Malungkot lang siyang nakatingin samin habang nakangiti. What nakangiti man siya pero di niya ko mabibilog. Something's wrong about it. "Okay na gets ko naman ang punto niyo mga anak pero diba mas maganda kung sulitin natin ang free time namin ng mommy niyo" pangungumbinsi ni dad samin. "At isa pa, hindi niyo ba namimimiss ang Dubai?"

Napabuntong hininga ako at tumayo "I get it too.  Let just agree about daddy's plan." Pasimple ko silang sinenyasan na bumaba.

"Okay fine basta magpahinga muna kayo ni mom ngayon. Get some sleep" masayang tumango si daddy kay kuya.

"Bukas nalang natin pagplanuhan lahat" suggest ni Nico na tila antok na antok na.

Nagpaalam na kami sa kanila at pansin ko ang higpit ng yakap samin ni daddy. Hinalikan din niya kami at paulit ulit na nag I love you. Weird kase dati naman na ganto si dad pero parang may halong lungkot. Binaliwala nalang namin yon at lumabas na ng kwarto nila.

Papasok na sana si kuya Nick at Nico sa kwarto nila pero sabay din namin silang hinila ni ate Nica. "San kayo pupunta? Maguusap pa tayo sa baba"

Napakamot naman ng ulo si kuya Nick habang si Nico ay nakakunot ang nuo. "Huh? Walang nakapagsabi sakin" inakbayan ko nalang siya at kinaladkad pababa.

Nung makababa ay nagpabilog kaming apat sa carpet animo'y maglalaro lang.

"Ang weird ni daddy..." panimula ko habang nakatulala. Masyadong malalim ang iniisip ko. Ngunit kahit anong lalim isa lang ang pinatutunguhan. Ayokong paniwalaan.

"Oo nga... sila ni mommy" sabi ni kuya habang nakahawak sa labi. Ganyan siya pag may inaalala o iniisip.

"Huh? Anong weird? Wag kayong ganyan sa parent natin. Kase pag weird sila weird din tayo" inosenteng sabi ni Nico. Hindi naman namin siya pinansin. Bahala siya diyan dang slow niya.

"Alam niyo matagal ko ng hindi nakikita ang time of death nila" nangunot naman ang noo namin sa sinabi ni kuya.

"Panong hindi nakikita?" Tanong ni ate na tanong din namin. "Imposible naman yon. Ano habang buhay silang hindi mamamatay" tanong ni ate at napatango naman ako.

"Simula pagkabata nakikita ko na ang oras ng mga tao pero kela mom and dad hindi. Noong una akala ko dahil lang sa takot ko na mawala sila pero nitong nakaraan determinado akong tignan ang oras nila pero hindi ko padin makita" mahabang linyahan ni kuya.

Lalo lamang gumulo ang mga utak namin. Ano nga bang ibig sabihin non? May kinalaman ba yon sa nangyayare ngayon. Pinilig ko ang ulo ko para alisin ang isiping iyon.

"Mabuti pa sumabay nalang tayo sa agos ng mga pangyayare. Lalo lamang sasakit ang mga ulo natin kung patuloy nating iisipin" sumangayon kami sa gusto ni ate kahit alam naming hindi kami papatulugin ng utak namin.

"Oo nga. Tutal wala naman tayong mahagilap na sagot. Edi hayaan nating mag kusa!" Sabi ko sabay tayo.

Lutang kami nung umakyat sa kani kanilang kwarto. Pabagsak akong humiga sa kama at tumitig sa kinsame. Wala talaga kahit anong pilit ko hindi ako makatulog. Kahit umikot ako pababa sa hagdan di padin ako dadalawin ng antok.

Time Travel With My Grim Reaper.Where stories live. Discover now