=SEVEN=

128 15 0
                                    

Natulog nalang ako bago pa ko dumugin ng tanong nung mga yon. Ano ba kasing trip ni raper sa buhay, kaylangan pa kong idamay. Patalon akong humiga sa kama. Madaming tanong ang nasa utak ko hanggang sa dalawin din ako ng antok.

Pumikit na ko at unti unti na kong hinahatak ng kama joke ng antok.

_·_·_·_·_·_

Nakarating na ko sa nakaraan yes nakaraan nanaman at thankfully hindi na ko kung saan saan lumalabas. Naglakad nalang ako papuntang bayan. Sana naman wala ng Caius ang haharang sa daan ko ano. Isusumpa ko talaga siya.

What if makipag kaibigan ako dito tapos pag nagkita ulit kami edi astig. Sisiga siga akong naglakad sa daan bat ba siga ako eh joke dalagang pilipina to joke ulet.

"Sana walang Caius,sana walang Caius, sana walang Caius" paulit ulit ko yong sinabi hanggang makarating sa bungad ng palengke.

Didiretso na sana ako sa palengke kaso may nahagip yung malikot kong mata eh teka parang pamilyar yung lalaking naka all black na yon. Hmmm sino nga ba to. Napairap ako ng may ma realize eh ba naman Nicole kung hindi ka ba naman tanga! Malamang si Caius yan. Yan lang naman ang malakas ang trip at laging naka all black eh!

Nagulat ako nung bigla siyang humarap saken teka imposible bat nandito si raper eh parte na siya ng present ko siguro naman ibang tao to no? Baka hindi naman niya ko nakikilala? Baka nga jusmiyo marimar.

"Dedma lang Nicole" bulong ko sa sarili sabay taas noong humarap sa palengke.

Maglalakad na sana ulit ako at iiwasan nalang siya kaso kakuntikan ng halikan ng pwet ko yung sahig sa sobrang gulat. Nasa harap ko na siya somebody help! Wala manlang pasintabe! Bat kaylangang laging nanggugulat?

"Saan ka pupunta?" Nilibot ko naman yung mata ko para makaisip ng sagot sa tanong niya. Hayst bahala na nga. Magpapanggap nalang akong hindi ko siya kilala.

"Ahm hi? Kilala ba kita?" With matching taas baba pa ng kilay para effective. Pag to di ako tinantanan pagsosootin ko siya ng red.

"Nauntog ba ulo mo? Nakalimot ka ata?" Paksheep,patay na kilala niya ko. Hindi pwede to nagkamali ata ang mga nasa taas bat ganto. Siya na ba ang malas sa buhay ko?

"Bat mo ko nakikilala?at bat ka ba nandito ha ang alam ko sa future tayo magkakilala eh bat namukaan mo ko?" Diba diba? Stalker ko ata ire eh. "Hoy yung totoo. Naengkanto ka ba o ikaw mismo yung engkanto?" Napairap naman siya sa tanong ko.

"Magkakilala pala tayo sa future well nagkita lang naman tayo 4 years ago babaeng letchon" ha ano daw? Letchon sa ganda kong to? Bulag ata to eh.

"Hoy anong letchon pinagsasabi mo diyan sa sexy kong to gagawin mo kong baboy?" Hustisya naman ho, pwes kung ako ang baboy siya naman yung stick hmp.

Nag smirk naman ang mokong feeling niya ba pogi na siya niyan? Utot mo. Mas pogi pa sayo mga kapatid ko eh. "Bagay kase sayo yung mansanas na dala ko non" aba lokong to dang sama ng ugali.

"Pwede ba bumalik ka nalang sa trabaho mo, asarin mo yung mga sinusundo mong patay." Inirapan ko siya tsaka ako pumasok sa loob ng palengke bwiset na yon panira ng araw.

Nagulat naman ako nung may bumatok sakin. Aba lintek sino yon feeling close babambuhin ko yon.

"Wag mo kong iwan"

Time Travel With My Grim Reaper.Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora