= TWENTY EIGHT=

43 5 0
                                    

Lulan na kami ng eroplano pabalik ng Pilipinas. Di tulad nung papunta eh mas matagal ang pabalik. 12 hours ang byahe namin dahil dumadaan sa Cebu ang eroplano na ito.

Sobra na ang pagod ko kaya nung makaupo ay pabalang ko nalang ibinagsak ang sarili pati nadin ang gamit ko.

"Mommy tutulog po ako ha wag niyo na po akong gisingin sa unang pagkain sa pangalawa nalang po" paalam ko kay mommy.

"Sige bunso matulog ka na para mabawasan naman yang pagod mo" nginitian ko lang siya at tsaka hinayaan ang antok na tangayin ako.

_°_°_°_°_°_°_

Nakakapag taka na hindi manlang ako nakapili ng pupuntahan ay nakarating na agad ako sa isang lugar.

Nasa daan ako at hindi manlang ako napapansin ng mga tao.Sinubukan ko silang hawakan pero wala.

"Naisilang na daw ang ikalawang tagapagmana ng mga Montecillio" napatingin naman ako kay aleng chismosa at sa hindi malamang dahilan naengganyo niya akong makipag chismisan.

"Bali balita nga iyan sa ating baryo. Nako halika na't masilip manlang ang bagong silang" nagkapit kamay pa silang lumakad at ako tong si chismosa sumunod sa kanila.

"Sino ba yong sanggol na yon? Nako aling chismosa pag yang bata na yan hindi cute papakuha ko yan sa tiktek!" Reklamo ko pero tuloy padin sa pagsunod sa kanila.

"Napaka gandang nilalang naman ng sanggol na ito" sabi nung isang ale habang nakahawak pa sa dibdib.

'Feel na feel po?'

"Babae siguro..." wala sa sariling usal ko tsaka ako nagpunta sa unahan. Buti nalang talaga tumatagos ako sa kanila. Para tuloy akong multo nire.

"Tiyak na napaka kisig ng batang iyan pagdating ng panahon" taka naman akong napatingin sa katabi ko.

'Babae pero makisig?'

"Mga kababayan!" Naagaw nung lalakeng nasa harapan ang paningin ko. Makisig ito at halatang mayaman. Ang ipinag tataka ko lang eh. Bakit kamukha niya si Caius.

Caius Velma.

Caius Velma ang pangalan niya hindi Montecillio.

"Ang aking bunsong anak!" May ngiti sa labing saad niya. "Gusto kong mabatid niyong lahat ang ngalan niya!" Nakanguso ko siyang pinanood. Antagal sabihin naiintriga na ko eh.

"Si Caius, Caius Velma Montecillio!" Natigilan ako at agad nilapitan ang sanggol.

WTF? Caius?

Tinitigan ko siya ng matagal sa sobrang gulat. Kingina si Caius to? Seryoso walang lokohan?

"W-wow shems Caius ang cute mo HAHAHAHA!" Hindi ko mapigilan ang tawa ko dahil nasa harapan ko na ngayon ang bagong silang na Caius. "Napakaduga mo bat di mo sinabing ganyan ka kaCute nung bata? Edi sana nag stay ka nalang ganyan!" Biro ko pa.

Napatalon ako sa gulat nung biglang tumitig sakin ang sanggol na Caius at kunot noo akong tinignan. "H-hehehe joke lang, eto naman eh kay bata bata mo dang sungit mo padin!" Nakangusong reklamo ko at ngumiti naman siya animo'y anghel na kay ligalig.

Time Travel With My Grim Reaper.Where stories live. Discover now