= THIRTY FOUR=

45 2 0
                                    

Pagkatapos kong makausap si Caius tungkol sa bagay na yon ay hindi ko na ulit pang binuksan ang usaping ganon.

Natatakot akong mawala siya. Iba yung pakiramdam ko nung bumalik lahat ng alaala ni Casandra sakin. Sobrang sakit,feeling ko paulit ulit na nilatigo ang puso ko. Kaya ngayon hindi ko magawang I give up si Caius para sa kaalaman. Para lang sa alaala.

"Hoy Nicole! Aba putakte ka! Para kang tuod diyan. Nasusundan mo pa ba yung step?!" Natauhan ako bigla nung marinig ang boses ni Karla. Siya ang nagtuturo ng step namin sa sayaw para sa Christmas party.

Ewan ko ba. Eh kung bakit ba kasi kaylangan pang mag invite ng mga bigating guest kung pwede namang wag na hindi ba? Kami tuloy nahihirapan.

"Nako Nicole ha iba na yan! Nung isang araw ka pa tulala. Baka mamaya maluka ka niyan sige ka" inirapan ko nalang siya. Wala ako sa mood para sakyan lang ng trip niya sa buhay.

Kesa matulala ay pinilit ko nalang mag concentrate sa step namin. Baka kung ano nanaman ang masabi ni Karla.

"Ayy shems kapagod!" Sigaw ni Cristine sabay upo sa tabi ko. Kanina pa natapos yung practice namin ng sayaw. "Hoy teka nga! Ikaw babaita ka antagal na kitang napapansen ha! Umamin ka anong problema mo ha" turo niya sakin. Nagkibit balikan lang ako.

"Wala yon. Kulang lang siguro sa tulog tsaka mahirap mawalan ng mahal sa buhay no!" Sabi ko nalang. Pero sa totoo lang miss ko na si daddy pati nadin si lola. Wala na kong masasandalan pagdating sa kalokohan. Pero yung fact na alam ko kung saan sila ngayon. Panatag na ko.

"Sure ka ba diyan? Eh parang okay ka naman na ah" napairap ako. Ang gulo talaga ng babaeng to kahit kaylan.

"Yun naman pala eh! Mukha naman pala akong okay eh bakit tinatanong mo pa kung anong problema"

"Baliw ka talaga. What i'm trying to say is okay ka na sa problemang yon onti onti ka ng nakakapag move on pero ang hindi ko malaman eh kung bakit ka pa tulala diyan!" Pumitik pa siya. "Gising gurl!"

Tumayo ako at nagbuntong hininga. "Wala nga! Nakakapagod lang talaga. Alam mo bang kulang na ang pamilya namin nung nabawasan kami"

Napairap siya at nanggalaiti bigla. "Malamang eh nabawasan nga eh!" Natawa naman ako. Oo nga naman may point siya. "Alam mo mas maganda pa, mag new look tayo! Diba lika dali tayong dalawa lang. Wag nating sasama yung dalawang asungot" tatanggi pa sana ko kaso wala na kong nagawa eh. Kinaladkad niya na ko palabas ng locker room.

"Ano nanaman bang trip mo sa buhay ha! Dinadamay mo nanaman ako" reklamo ko pero tuloy padin sa pag sunod sa kanya.

"Malamang best friend kita eh!"

Ano ba kase Cris---" hindi na namin natuloy ang pagtatalo nung biglang may sumingit.

"Can I have your attention please" sabi nitong lalakeng bigla nalang sumulpot kung saan. "I need to talk to you miss Agape" pormal lang siya. Hindi pala lang, sobrang pormal pala. Tinignan ko ang kabuuan niya at naloka ako bigla. Para lang siyang special agent.

"Po? Ako po?" Tanong ko. Tumango naman siya.

"Hala sis. Nagbayad ka ba ng utang? Mukang sa korte ka dadalin ni kuya eh" bulong sakin ni Cristine. Babatukan ko sana siya kaso nagiintay si kuya sakin.

"A-ah sige" tumango siya at nagsimulang maglakad papalayo. Sumunod nalang ako kesa naman pagtripan ni Cristine tong mukha at buhok ko.

"I'm mr. Larry. Partner ako ni Caius at may masamang balita akong ihahatid sayo" batid kong seryoso ang boses kahit pa walang emosyon ang mukha niya. Tipikal na reaksyon ni Caius.

"Po? Ano po ba yon?" Kinakabahan kong tanong. Baka may nangyare kay Caius.

"Nalaman ng nakakataas ang relasyon niyong dalawa. Ito ay mahigpit na ipinagbabawal para sa tulad namin. Hindi maaring magkaron ng nararamdaman ang isang grim at maari namin itong ikamatay. Dahil ang pagkakaroon ng nararamdaman ay nagpapahiwatig ng pagbalik ng mga alaala. Sa oras na bumalik ang alaala ni Caius. Alam mo na kung anong mangyayare" makahulugan ang huli niyang salita pero klarong klaro sakin ang ibig sabihin. Muling nabuhay ang takot sa dibdib ko. "Yun lamang. Mauuna na ko" paalam niya tsaka nag bow.

Nakaalis na siya pero nakatunganga padin ako dito. Pinoproseso ko lahat ng narinig. Matalino si Caius,pag binigyan ko siya ng kaunting kaalaman nahuhulaan niya agad kung ano at para saan yon. Hindi malabong bumalik ang alaala niya pag nababanggit ang may kinalaman dito. Kailangan kong ilayo ang kaalaman sakanya. At ang kaalaman na yon ay nakapaloob sa buo kong pagkatao.

Ibig sabihin kailangan kong lumayo alang alang sa kanya.

"What should I do then?" Frustrate kong tanong sa sarili ko. Hindi ko na talaga alam ang gagawin. Gusto kong manatili siya dito pero ang tanging paraan lang non ay malayo ako sakanya. "Kaya ko ba?"

"Ang alen?" Napatalon ako nung marinig ko ang boses ni Nico sa likod ko. "Bat mo kinakausap sarili mo Nicole?" Takang tanong niya. Napabuntong hininga nalang ako. Sasabihin ko ba? Baka naman may paraan siyang maisip diba?

"Nico kailangan ko ng tulong mo" hinawakan ko siya sa dalawang balikat at pinagkatitigan. "Makinig ka ng mabuti sa lahat ng sasabihin ko" seryoso kong sabi. Kahit bakas ang pagkalito sa mukha niya ay tumango padin siya sakin.

Sinabi ko lahat sa kanya. Simula sa umpisa hanggang sa kaalaman na nalaman ko kanina. Walang mintis. Nakinig lang si Nico at parang pinagiisipan ng mabuti ang mga sinasabi ko sakanya.

"Ano ng gagawin mo Nicole?" Tanong niya pero umiling lang ako.

"Hindi ko na din alam. Ayoko siyang mawala ulit sa mundong ito pero hindi ko naman kayang lumayo sa kanya. Naguguluhan na ko Nico. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko" sumbong ko. Para na kong maiiyak dito sa sobrang stress.

"Layuan mo muna siya." Seryoso siya.

"Ano?! Hindi mo ba ko narinig Nico. Ang sabi ko, hindi ko kayang lumayo sakanya! Ang tagal kong naghintay at nasaktan bilang Casandra pati ba naman sa katauhan ko ngayon masasaktan padin ako!" Seryoso ko ding sabi. Hindi ko kaya ang pinapagawa niya.

"Hindi ganon ang ibig kong sabihin. Ang akin lang. Layuan mo muna siya habang wala pa tayong naiisip na paraan." Paliwanag niya. Pilit niya kong hinaharap sa kanya at tinignan ng mata sa mata. "Ako. ang. kambal. mo. Hindi kita iiwan okay? Tutulungan kita hanggang sa makahanap tayo ng paraan"

Nangilid ng todo ang mga luha ko. "Nico kasi natatakot ako eh" hindi ko na napigilang maluha. Sobrang gulo ng utak ko. Kahit alam ko ang dapat kong gawin hindi ko padin kaya. "Pano kung wala ng paraan. Pano kung, kung hindi tayo magtagumpay. Nico pano na ko?"

Niyakap niya ako tsaka hinagod sa likod. "Shhh. Akong bahala. Makakahanap tayo ng paraan okay?" Tumango ako at kinumbinsi ang sariling magtiwala kay Nico.

==========

««Nhorilize»»

Time Travel With My Grim Reaper.Where stories live. Discover now