=TWO=

297 20 7
                                    

dalawang linggo na ang nakakalipas simula nung makita ko sa sinaunang panahon ang misteryosong lalaking iyon. I don't know why but... nababanas na ko! Isa siyang malaking palaisipan para sakin.Magkaparehas kaya kame? Kahit ilang beses kong sabihing wala akong pake, hindi ko talaga mapigilang isipin! Pero wala padin akong pake. Slight lang.

Sinubukan ko siyang hanapin kung saan saan nakarating pa nga ako at nakasalamuha si dr.Rizal kaso wala talaga eh. Hindi ko din alam kung bakit ko siya hinahanap. Una sa lahat! Wala naman dapat akong pake. Eh ano naman kung time traveler din siya? Diba wala namang saysay sakin yon. Pangalawa! Ay basta wala ng pangalawa.

Hayst tinuon ko nalang ang pansin ko kay Sir Rominez na akala mo hinahabol ng kabayo sa bilis ng pagsasalita halatang ayaw sa klase namin eh. akala mo naman mapapabilis niya ang isang oras kapag tinulinan niya. Wala tuloy akong maintindihan.

"Nico malapit ng mag time" bulong ko sa kambal kong hindi din nakikinig dahil sa antok. Pasimple din niya kong tinignan ng may namumungay na mata.

"Gutom na ko Nicole" sabi niya sabay himas sa tiyan niya. "Sasabay ka ba?" Umiling lang ako. Malapit ng mag lunch pero hindi padin ako nakakaramdam ng gutom.

Maya maya pa tumunog na ang bell hudyat na oras na para sa pagkain.Hindi parin ako gutom at inaantok din ako siguro matutulog nalang ako. Ilang oras din ang lunch kaya itutulog ko nalang.Ilang saglit pa at tuluyan na akong nilamon ng antok.

_·_·_·_·_·_

Nasa tapat na ulit ako ng gintong pintuan,saan naman kaya ako pupunta ngayon? For the first time nagsawa ako sa pagbalik sa past. Siguro dahil sa paulit ulit kong pagtakbo para takasan ang madaming tao. Pati guardia civil hinahabol nadin ako. Baka mamaya ma deads na ko nito.

Sa future kaya?madalang na ko makabisita don sige nanga.Pinili ko ang 2030. Hindi ko din alam kung saan pupunta kaya random nalang. Naghintay lang ako ng segundo.Dumating yung train ko,ngayon ko lang na realize na ang sosyal ko pala kase may sarili akong train. Umandar yon at mabilis na umandar. Di rin nagtagal ay huminto rin yon.

Bumaba ako at shems!di ko alam kung natural ba to o talagang pininturahan nila yung puno ng kulay orange,parang wala na ko sa Pilipinas eh,nasa Japan kaya ako?o baka naman Korea.Halikaw!sana makita ko ang asawa ko dito.

"Ang ganda! Shems walang akong phone!" Nanlumo ako dahil wala akong makapa sa bulsa ko. Naka uniporme padin ako. "Sayang oh! Wow" nanlaki lalo ang mata ko dahil sa pagkamangha. Pilit ko pang inaabot ang bawat sanga.

Sa sobrang pagkamangha ko di ko namalayan na may nabangga na pala ako"ay kabayong bondat!" at dahil don dumausdos ako sa kanya pero ang tanga lang dahil umiwas siya ayon ang ending?puro gasgas ang binti ko!malas! Ano ba tong lalaking to. Di na ba uso ngayon ang pagiging gentleman! tumayo ako sabay duro sa abnormal na to."hindi mo ba kayang maging maginoo?!bakit mo ko---" kusa akong nahinto sa pagbubunganga dahil sa lalaking kaharap ko. Hindi dahil gwapo siya, kase--halikaw nananaginip bako?o ito din yung lalaking nakita ko sa past? "Ma-maligno..."

Pero teka bat naka all black siya?pero parang ganto din yung suot niya non ah.Hala siya gwapo sana kaso mukhang di naliligo.Pero kahit ganon mukha parin siyang fresh.Taray ni kuya ako nga after four hours lang mukha na agad losyang.Unfair!

Ngayon ko lang namalayan na naka titig parin ako at naka nganga kaya Sinarado ko yung bibig ko at naghanda para sa line ko. Wala akong pake kung siya ngayon, ang akin lang bat hindi niya man lang ako tinulungan. Kung hindi ba naman siya sobrang arte't ayaw madikitan.

"ikaw yun diba?oo ikaw nga!ikaw yung nakita ko non sa past!ikaw yon!ikaw!ikaw!ikaw!" dinuduro duro ko pa siya,grabe hindi ako makapaniwala! siya nga yon pero anong ginagawa niya dito? Pero wala na kong pake. May atraso siya sakin. Puro gasgas ang tuhod ko dahil sa kigwa na to.

"Pano mo ko nakikita?"ha?hatdog ba siya anong akala niya sakin?walang mata? may sapak din ang isang to eh.

namewang ako na parang nanay na naiistress na sa batil niyang anak."at bakit naman kita hindi makikita aber?multo ka ba?engkanto? aba hindi ako nainform na kaya palang magtime travel ng isang multo"umarte pa ako na parang nakakamangha yon.Grabe best actress na ko. "Hoy kuya kung sira yang tuktok mo ipatingin mo ha! Abnormal na to"

Ibang klase.Ang gwapong multo naman nito. Pinilig ko ang ulo at gusto kong batukan ang sarili. Wala yan sa mukha Nicole, pag may sapak ang kausap mo no choice ka kundi itumba siya. At tsaka, kaylan pa ko naging interesado sa mukha ng tao? Madami na kong nakitang gwapo pero wala naman akong interest. No Nicole baka kase kaya ka interesado sa kanya dahil sa lahat ng gwapo siya pa lang ang kilala mong may sapak. Oo ganon yon!

"Alam kong gwapo ako pero hindi ako multo at hindi mo nadin kaylangang sabihin" ang hangin tinatangay ako help!"walang malakas na hangin tama lang naman ang klima. Ikaw ata ang may sira diyan eh" tipid din siyang ngumisi.

"ha?t-teka,hindi ko naman sinabi yon ah?"shems dont tell me na may sa maligno ang taong to?nangilabot naman ako sa naisip ko at napalayo sa kanya. Ang alam ko kase sarili ko lang ang kausap ko nung sinabi ko yon. Bat niya alam?

"Sinabi mo."sabay turo niya sa ulo niya.Teka bakit parang di siya interesado sa usapan namin.Aba loko to ah dinededma ang beauty ko! Pero wala padin akong pake.

"anong ibig mong sabihin?" teka wag nyang sabihing grim reaper siya?diba nakakabasa sila ng isip?aba kalokohan!may sira ata tuktok nito eh.

"tama ka"o diba maski ang sarili niya ay aminadong may sira siya "tama ka na grim reaper ako tsk. Ang daldal mo no. Pwede bang itikom mo yang utak mo. Ang daming sinasabi"

"gago ka ba?"hindi siya nagsalita at iniwan nalang ako basta.Aba hindi pa kami tapos magusap bastos to.

"hoy raper hindi pa tayo tapos!" hinarap naman niya ako tsaka niya ko sinamaan ng tingin.Sabi ko nga dapat behave lang ako.Tsk Naglakad nalang ako pero napansin ko yung kirot ng sugat ko.Gusto ko na tuloy gumising para mawala na to. Lagi kasi akong na didisgrasya kaya malaking tulong sakin yung paggising ko wala na lahat ng sugat ko.

Ganon naman lage di ako pwedeng mamatay sa pag ti time travel pero nararamdaman ko padin ang sakin.May time pa nga na nadawit ako sa world war one eh tas nasaksak ako ayon hindi ako nakahinga hanggang sa mawalan ako ng malay. Saktong pagwala ng buhay ko ang siyang pag gising ko.

Cool diba?maka gising na nga lang.Bumalik ako sa pinanggalingan ko para higupin ng kadiliman pabalik sa ulirat.

_·_·_·_·_·_

Nagising ako at naramdaman ang kirot sa binti.Sa sobrang gulat ko nahawakan ko yon ng madiin at napadaing nalang ako sa sakit!

"imposible…"bakit nadala ko hanggang dito ang sugat na to?may kinalaman kaya si raper dito? Pano? Eh diba isa sa rules yon? Bat nalabag bigla! Ano yon naengkanto nanaman ba ko? Anak ng teteng ka raper!

Isa kang malaking, MALAS!

Napasapo nalang ako ng noo at napabuntong hininga. Wala na kong magagawa kundi gamutin to!

Kumurap pa ko ng tatlo at pinisil ulit yung gasgas ko. Baka sakaling namamalik mata lang ako. "Aray.." napasabunot nalang ako sa sarili. " sira ang balat ko!"

========

«Nhorilize»

Time Travel With My Grim Reaper.Where stories live. Discover now