=FORTY=

50 5 0
                                    


"Ugh!" Sigaw ko.

Lintik na yan maguumaga na pero wala parin akong tulog. Hindi talaga kame matutulog, yun ang plano. Pero masisisi niyo ba ako kung pabagsak bagsak ang mata ko?

Caius is unfair. He can manage not to sleep but me? That was my paradise! I do time traveling while sleeping.

But now? I'm afraid. Natatakot ako na pag natulog ako kasama ni Caius bigla niyang malaman kung anong laman ng isip ko. Baka pagbalik ko sa nakaraan o sa hinaharap malaman niya kung ano at sino siya.

"Sabi na dapat hindi kita tinuruang bakuran yang isip mo eh" sabi niya bigla. Nasa gilid ko na pala siya at dala dala ang almusal namin.

"Tsk. Kung hindi mo yon ginawa edi sana nahuli na tayo" sinabi ko yon na hindi tumitingin sakanya. Busy ako sa pagaayos ng kubyertos. Idadaan ko nalang sa kain ang antok.

"Pero pwede mo naman sigurong sabihin sakin yang laman ng utak mo diba?" Umupo nadin siya sa harap ko at sinimulan ang pagkain niya.

"Oo pero ayoko" binelatan ko siya at dirediretso ang subo. Nasamid pa ko sa sobrang dami ng nasubo ko.

"Mabulunan ka! Dahan dahan naman" suway niya sakin at inirapan ko lang siya. Pinuyat niya na ko kaya hayaan niya kong magpakasasa sa pagkain. Susubo pa sana ako ng may mahagip ang mata ko. Doon, tuluyan ko ng naduwal yung pagkain. "Damn it Nicole!" Sigaw niya sabay tayo. Sakanya natapon lahat ng pagkain ko.

"Damn it talaga. We need to get out of here!" Tumayo na ako at kinaladkad siya.

"Teka lang, ano bang nangyayare sayo?" Alam kong takang taka na siya pero papasalamatan niya din ako mamaya maya. Sinikap kong makadaan sa dagat ng tao at hanggat maare sa pinaka puno.

"I see him!"

"Who?"

"The guy!" Natataranta na ko dahil ramdam ko padin ang mata niya samin. "The one who told me the truth!" Tila natauhan siya sa sinabi ko at siya na mismo ang kumaladkad sakin.

"Damn it!" Rinig na rinig ko ang mga mura niya habang nililigaw ang mga nakasunod samin.

Sobra sobra ang kaba ko at unti unti na nitong nilalamon ang buo kong pagkatao. Ang takot ay unti unti nading umuusbong. Wala akong maisip na paraan kundi ang pagtakbo.

Takbo lang. Kahit sobrang pagod na ko sa lahat takbo lang. Dahil alam kong pag huminto ako, mawawala si Caius sakin. Parang bumalik lahat ng lakas ko kahit wala akong tulog ay para akong nahimbing ng mahabang panahon. Sa pagbalot sakin ng kaba at takot ay unti unting pagalis ng lahat ng pandama ko.

Wala akong maramdaman.

"Dito!" Hinila niya ko bigla sa isang kanto ngunit agad din kaming napahinto ng tumambad samin ang mga mukha ng mga humahabol samin.

Kung bibilangin ay hindi sila lalagpas sa sampo. Ngunit dalawang mukha lang ang natatandaan ko. Ang lalakeng kumausap sakin at ang babaeng kasa kasama lagi ni Caius.

Hindi ko maalis sa kanya ang tingin dahil tensyonado niya ang tinitignan. "Ano mang binabalak ninyo ay wag niyo ng ituloy" sabi ng babaeng ito habang nakatingin sa mga mata ko. "Alam niyo sa umpisa palang na wala kayong laban" gusto kong manghina dahil isinasampal niya sakin ang katotohanan.

Ano nga ba ang laban ko kung isa lang akong hamak na time traveler? Sa halip na makatulong yon ay nagiging sumpa pa yon saming dalawa ni Caius.

"Alam niyo din dapat na wala kaming pakeelam hindi ba?" Sagot ni Caius sa kanila. Hindi ko maiwasang mapatingin sa kanya. Kahit anong sabihin niya ay wala na kaming laban! "Ang babaeng ito ang bukod tanging minahal ko. Kaya kahit anong mangyare ay hindi ko hahayaang mawala pa siya sa piling ko" seryoso siya. Kasing seryoso ng mga kaharap namin. Sobrang taas ng tensyon pero wala akong maramdaman. Tila namamanhid pati ang aking kalooban.

"Maari mo itong ikamatay Caius---!"

"Sinabi ng wala akong pakialam!" Pinutol niya ang tangka pang pagsasalita ng lalaking nakakatanda. "Buong buhay ko ay wala akong gustong gawin kundi ang makaramdam. Ang mapalapit sa mga taong nagmamahal sakin. Ngayon na dumating siya sa buhay ko. Gagawin ko ang lahat maski ang kapalit nito ay ang karapatan kong mabuhay! Alam ko, alam kong namatay akong hindi ipinaglaban si Nicole kahit sa huling sandali. At ang desisyon na yon ang paulit ulit na pumapatay sakin. Pero ngayon? Ngayon na may pagkakataon ako. Hinding hindi ko na yon sasayangin" lumuluha siya. Lumuluha ang taong pinakamamahal ko. Ang sakit isipin na puro pasakit ang dala ko sakanya ngunit nagagawa niya padin akong ipaglaban maski kay kamatayan. "Pakiusap pabayaan niyo kaming makatakas! Ito ang una't huling hiling ko sainyo. Hayaan niyo akong makasama ang babaeng mahal ko." Tumigil siya at bumaling sakin. Kitang kita ko sa mata niya kung gaano siya kapagod at kakabado. "Kung mamamatay man ako.."

" Caius!" Hindi ko napigilang pagbantaan siya rinig ko din ang pagbasag ng boses ko habang tumutulo ng paunti unti ang mga luha ko pero hindi siya nakinig sakin sa halip ay nagpatuloy lang siya.

"Kung mamamatay man ako sa pangalawang pagkakataon. Mas gugustuhin kong makasama siya sa huling pagkakataon nayon." Lumuhod siya pero hindi niya binitawan ang kamay ko. Ngayon ko lang namalayan na hawak niya padin ito. "Pakiusap"

Napatingin ako sa lahat ng nasa harap ko ngunit bumalik lahat ng kaba ko nung makitang blangko ang mga mukha nila habang nakatingin saming dalawa. Bumuntong hininga ang bukod tanging lalaking kilala ko.

Wala akong maasahan. Mga alagad sila ng batas at hindi nila ipagpapalit iyon para lang sa pagmamahalan namin. Gusto ko ng maiyak. Bakit wala akong magawa? Bakit hanggang ngayon si Caius lang ang lumalaban para samin? Can I... can I do at least one thing for him? He done enough for me!

"Kung ganon ay pagbibigyan ko ang hiling mo." Sabi nito. Huminto ang paghinga ko. Hindi ako makapaniwa sa tinuran niya. Agad na humarap sakanya ang babaeng kasama ni Caius dati.

"Hindi maari!" Agad siyang tumalima.

"Kung ito ang disisyon ni Caius ay malugod kong tatanggapin. Bibigyan ko kayo ng tatlong araw upang makalayo. Ngunit hindi ko maipapangako na mapipigilan ko kung ano man ang hakbang na gagawin ng nakakataas" nagmistulang banta ang huli niyang tinuran pero hindi nawala ang umuusbong na saya sa dibdib ko. Sa pagkakataong ito ay parang gusto ko siyang pasalamatan at bigyan ng mainit na yakap. "Humayo na kayo"

Tumayo si Caius at tumapat sakin. Iniyuko niya ang kanyang ulo bilang paggalang. "Maraming salamat"

Tumalikod siya at agad akong hinila. Sa huling pagkakataon ay humarap akong muli sa lalakeng nag mistulang anghel para samin.

Nginitian ko siya. Ngiting matamis. "Thank you"

========

««Nhorilize»»

Time Travel With My Grim Reaper.Kde žijí příběhy. Začni objevovat