=FOUR=

165 18 1
                                    

  

Walang pasok ngayon at dapat ay rest day ko pero sabi ni daddy may pupuntahan daw kaming pamilya. Dapat daw pormal,naisip ko tuloy na baka mag tatravel kame sa lupain ng presidente. Pero sinong niloko ko? Eh kada may pupuntahan kaming pormal ay dun lang sa building ng mga ka business niya. Badtrip makikita ko nanaman yung mga taong yon.

Naka dress ako na black and white,white siya sa bandang taas at pagdating sa waist ko ay fitted at palobo ng onti sa baba,pa v line din siya.Naghalo naman ang kulay ng black at white sa medyo baba wala din siyang manggas.

Ang gulo ko talaga mag paliwanag.

At dahil maganda naman ang buhok ko kinulot nalang ang dulo at hinayaang naka ladlad.

Ako ata ang pinaka maganda sa pamilya dahil ako ang pinaka madaling ayusan. Inaabot kami ng siyam siyam sa tagal gumayak ng mga yon eh. Pambihira inedit pa ata mga mukha nila eh.

"Daddy palagay ko di na matutuloy ang lakad natin. Nakatulog na ata yung mga yon eh" binatukan naman ako ni daddy. Psh totoo kaya! Kanina pa kami dito di parin sila bumababa.

"puro ka kalokohan,bat di mo na sanayin yang sarili mong maghintay dahil puputi muna ang uwak bago bumilis ang mga yan"

tama siya minsan nga naiisip ko tinae ba nilang lahat yung kinain nila bukod kasi sa matagal mag ayos matagal din sa banyo mga yan eh.Kung mahirap siguro kame namumutla na ko sa sobrang paghihintay at pagpigil ng tae nasa banyo parin sila. Buti nalang may sarili akong banyo.

Akala ko makakatulog pa ko bago sila lumabas pero ayon sabay sabay pang lumabas at nag model. Langya akala mo talaga wala kaming hinahabol na oras napakakukupad. Rumampa pa akala mo may red carpet eh nasa garahe lang naman.

"ow my gosh guys pwede bang make it faster ma le late na tayo for our beauty sake!"ha?ano daw?si ate talaga mapagbiro.Tsk siya tong makupad eh.

"ate Nica faster,bat kase nag heels ka pa eh"reklamo ni Nico ng may balikan pa si ate sa bahay. Nak ng teteng di pa kami nakaka alis nagiinit na pwet ko dito. Baka makabuo ako ng apoy sa upuan ko sa sobrang tagal nila.

"kuya Nick!damn stay away from me!"bulalas ko sa panganay namen aba takte pinulot daw ba yung nakita niyang bulate sa lupa at ilapit sakin.Hindi sa takot ako for damn sake naka puti ako! Papalamon ko sakanya yan pag nadumihan ako.

"guys late na tayo!pasok na!"nagsipasukan naman sila sa kotse at dito nagingay. Gusto kong pasukan ng bulak yung tenga ko sa sobrang ingay nila.

"Oh mane mane mane!" Sigaw ni Nico habang namimigay ng mane samin. May baon pa akala ko ba pormalan kami ngayon? Parang field trip lang.

Naghaharutan lang kame buong byahe dahil malayo layo pala ang pupuntahan namin and guest what.Pupunta lang naman kame sa mapapangasawa ni ate.

Tinamaan ng malas si ate, siguradong ako na ang susunod.Usapan kasi namin nila daddy pag wala pa kaming mga kasintahan pagdating ng 20 ipapakasal niya kami sa mga anak ng kumpare niya sa negosyo.Kaya ayon si kuya sa sobrang  takot makasal sa sinasabi niyang bruha wala pang isang araw ng break up may kapalit agad gunggong yon.

18 palang kami ni Nico kaya may dalawang taon pa kame para maghanap. Si ate Nica lang talaga ang nalintikan.

Nahinto kaming lahat sa pagaasaran ng makarating sa paroroonan halos namumutla na kaming apat at napa kapit na ko ng mahigpit kay kuya Nick anak ng tupa!akala ko ba si ate Nica lang?

"d-daddy what is the meaning of this?"tanong ni kuya at putchang english yan parang espanyol na nag try ng english. Sakin sa tenga.

"d-dad hindi nyo na po ba kami mahal?"tanong ko jusko nasa bingit kami ng kamatayan pano ba naman kase kasama din yung mga anak ng kumpare ni daddy ang masaklap may nababaliw samin don lalo na kay kuya Nick at Nico.May mga lalake naman don na pumoporma sakin lalo na kay ate Nica.Alam niyo kung bat onti saken?Di dahil pangit ako.May sinapak na kase ko sa kanila sa sobrang inis at parang wala ata akong takas ngayon.

"nandito na tayo babies be a good girl and boy"sabay sabay kaming napa sigaw.No way!!!

-----

Nasa loob na kami ngayon ng parang meeting room naka tingin lang ako sa labas dahil naaalibadbaran ako. Parang gusto kong sumigaw ng…

ANG PAPANGET NIYO!!

Hindi naman sobrang sama ko pero kase bad sila eh hinahabol nila kami at di tinitigilan. May atraso din sila samin noon. Lalo na sakin!

Minsan nga ang kambal ko umuwi habang umiiyak ni rape daw siya nung pinaka panget sa kanila.Kaya ngayon nanginginig siya sa takot.Nakatingin lang ako sa bintana ng mapansin kong may nakatingin sakin. Niliitan ko pa ang mata ko para mas lalong makita kung tama ba ko.


raper…

napatayo ako bigla kaya nakuha ko lahat ng atensyon."a-ahm pwede po ba akong umalis saglit may naiwan po ako sa sasakyan eh"tinitigan naman ako ni daddy na nagsasabing wag kang gagawa ng kalokohan kaya tumango naman ako.

Nagulat naman ako ng tumayo din si kuya Nick gago wag kang sasama!

"sisiguraduhin ko lang po na makakabalik siya"pepektusan ko to!  "Baka maligaw to! Mahirap na. Hehe"

"Hindi na kaylangan! Kaya ko namang bumalik magisa" nilakihan niya ang mata niya at pasimple akong kinurot.

"Sumabay ka nalang!" Bulong niya pero umiling ako.

"Ayoko nga! Bahala ka sa buhay mo" napatingin kaming parehas kay daddy nung tumikhim siya. Napaayos kami agad ng tayo at humarap sakanya.

"Sige bumalik kayo agad" tumango kami ni kuya at nagunahan sa pinto. Paglabas na paglabas ay nagbangayan agad kami.


"ganto nalang hayaan mo kong makalayo hahayaan din kita,ano deal"wala akong magagawa kaylangan ko makausap si raper.

"deal"kumaripas kami ng takbo nung makababa kami siya sa gate ako naman sa garden dun ko siya nakita. At natatanaw ko padin siya don. Nakumpirma kong ako ang sadya niya dahil nakatingin siya sakin na para bang hinihintay ang paglapit ko.

"Ibang klase nakikita mo nga talaga ko"hindi ako nagsalita at tinitigan lang siya.Naalala ko tuloy yung nakita ko sa past life niya. Totoo kaya yon? Antanga naman niya! Bat niya sinaksak ang sarili niya kung pwede namang lumaban? "Napupukaw ng isip mo ang interes ko"

Nabalik ako sa ulirat nang ibigay niya sakin yung bulaklak shet para san to  "halikaw para san to at bakit…kulay itim?" nagtataka ako kung bat itim ang kulay ng bulaklak san nya nakuha to mukha namang hindi niya kinulayan. "Anong ibig sabihin non? Bakit kase itim. Ang lakas talaga ng trip mo no"

"tanggapin mo nalang"kinuha ko sa kamay niya at inamoy pero king ina wrong move dahil unti unti ko ng nararamdaman ang hilo.Bago pa ko bumagsak ay sinalo na niya ko "sumama ka muna sakin" kita ko pa ang ngiti niya at tuluyan akong binuhat. Hindi na ko naka pag react dahil nilamon na ako ng kadiliman.

======

«Nhorilize»

Time Travel With My Grim Reaper.Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin