=TWENTY SEVEN=

48 4 0
                                    

Pagod kaming nagsi uwi. Kaya naman hindi ko na sila pinansin at pasalampak na humiga sa kama namin ni ate. Walang ano ano ay nakatulog ako.

_·_·_·_·_·_·_

Agad kong pinili ang taon kung saan ko makikita si Caius. At nung tuluyan akong makarating don ay laking pasasalamat ko dahil walang kahit sino ang humahabol sakin ng itak dahil hindi bahay,palikuran o kahit anong lagusan na magpapahirap sakin. Naglakad lang ako ng walang hinto.

"Nasan na ba yon?" Wala sa sariling tanong ko habang nagkakamot ng ulo. Putek mag tatatlong oras na kong nag iikot pero hindi ko padin siya makita.

Baka naman maling lugar ako dinala ng panahon kaya hindi ko siya makita.

"Caius~ asan ka na?~" kanta ko.

Ang tatlong oras na paghahanap ay nadagdagan ng isa pa hanggang sa kinakailangan ko ng gumising.

'Takte yan san ba kase nagsusulot yung lalakeng yon'

Wala akong nagawa kundi bumalik sa kasalukuyan.

_·_·_·_·_·_·_

"Yon oh! Aga magiseng ah!" Bungad ni ate pagmulat na pagmulat ng mata ko. Nakapalibot na ang twalya sa ulo niya kaya alam kong kakatapos lang niyang maligo.

"Himala ata at ang aga mo ate,san punta mo?" Napahinto naman siya at bagot na humarap sakin.

"Gaga! Baka nakakalimutan mong nasa Dubai tayo,malamang aalis tayo ngayon. Tulog ka pa ata eh!" Sarkastiko pa nga. Gagalit to?

"Tsk saan naman tayo pupunta ngayon?" Tamad na tanong ko sabay higa ulit.

"Huwaw!hoy ikaw wag kang tatamad tamad diyan. Aba baka pagnalaman mo kung san tayo eh mauna ka pa sakin mag ayos!" Hinila niya pa yung kamay ko kaya no choice ako kundi tumayo.

"Saan nga! Andaming sinabe!"

"Syempre sa Zoo!" Agad na nanlaki yung magaganda kong mata.

"Weh??"

"Mukha ba kong clown ha?! Oo sa Zoo nga paulit ulit to. Binge ka? Binge!" Napakamot nalang ako ng ulo. Kahit kaylan talaga yung bunganga ni ate napaka lake. Pwede namang wag sumigaw,parang nasa kabilang bayan ako nito eh.

"Sige sumigaw ka lang mamaya maya yung mukha mo magiging kulubot na" pangaasar ko para lalo siyang pumanget.

"Ewan ko sayo!" Nagtaka pa ko nung padabog siyang lumabas ng kwarto. Problema non?

Di ko na siya pinansen at excited na kong pumunta sa zoo.  Agad akong sumugod sa banyo at naligo. Wala pa atang five minutes yon sa sobrang pagmamadali ko. Agad din akong nagbihes at patakbong bumaba.

"Goodmorning madlang pipol! Lumarga na tayo mga kapuso!" Full energy yan wag ka.

"Oh gising ka na pala. Sakto lahat kayo bihis na. Ano larga na?" Tanong ni tito Arturo.

"Let's go go!" Aya ko din. Papalabas na sana ako nung pigilan ako ni Mommy. "Bakit ina?"

"Anong larga na, aba etong batang ito oo. Magsi kain muna kayo at masga pa!" Nakanguso naman akong bumalik sa loob at dumiretsong dining.

"Bilisan mo nalang para makaalis agad tayo" bulong ni tito kaya minadali ko na ang pagkain ko.

"Dahan dahan lang!" Suway ni mom kaya lalo akong napabusangot.

"Dahan lang dahan lang~" kanta ni Nico at napabungisngis naman kame.

"Bat ba nagmamadali ka?" Tanong sakin ni dad. Ngumiti ako ng malawak sakanya. Sa sobrang ganda ng ngiti ko pati si daddy nahawa na.

"Gusto ko pong makakita ng elepante!" Nakangising sabi ko. Yun talaga ang dahilan. Madami silang hayop dito may tigre at lion din sila pero elepante talaga ang gusto ko. At walang makakapigil sakin!

"Eh pano pag walang elepante?" Singit ni panget na Nico.

"Hmm edi ikaw kukulong ko don, gagawin kitang elepante!" Masayang sabi ko para asarin siya.

"Nye nye swerte mo naman. Dang gwapo ng taong to oh! Gagawin mo lang elepante" mayabang niyang sabi. Kahit kaylan talaga bulag ang taong to. Hindi ko nalang siya pinansin at pinagtuonan ng pansin yung pagkain kong akala mo bata lang ang kumakain.

Dang konte kase pero hindi naman kase ako nagugutom kaya okay lang. Nung matapos ako ay tumakbo agad ako papuntang labas at pumasok sa kotse. Dun ko lang napansin na wala si Caius.

Nasan na nga pala yon? Wala na nga siya sa nakaraan pati ba naman dito? Tsk kahit kaylan talaga abnormal yon.

Hindi na ko naghintay ng matagal dahil pumasok naman na din sila. "Ayown makakaalis na sa wakas!"

Natawa sila tsaka nagsimulang umandar ang sasakyan. Katabi ko si batang Cris. Kahapon ay hindi sila nakasama. Malay ko ba kung bakit.

"Mommy si Caius po pala nasan?" Baling ko kay mommy.

"May susunduin daw siya eh ayon nauna na" susunduin? Nalilito ako kung patay ba o buhay ang susunduin niya.

Tumingin nalang ako sa labas ng bintana at hindi naman ako na bored kase sobrang ganda din naman ng view sa labas. Kung tutuosin sobrang sarap mag road trip pag ganto kaganda ang lugar at kalsada.

Ilang oras din ang tinagal namin don at nakarating din sa wakas. "Akala ko buong araw na tayo sa loob ng sasakyan eh!" Reklamo ko at nagunat.

"Napaka mainipin mo talaga eh ang kupad mo din namang kumilos!" Sigaw ni kuya sakin. Siya kase yung nag drive eh. Inirapan ko lang siya at hinatak si mommy papuntang entrance. Agad din siyang bumili at sabay sabay kaming pumasok.

Inikot namin ang buong lugar at namangha sa dami ng ibat ibang hayop na nandito. Pero hindi ko padin nakikita ang pakay ko.

"Mommy nasan po ang elepante?" Tanong ko sakanya. Tumingin naman siya kay tito Arturo.

"Nasan nga ba kumpare?"

"Ahh namatay na kase yung nagiisang elep---"

"Anoo??!!!!" Gulat na gulat kong tanong!

"Oo namatay na eh hehe" 

Anak ng teteng eh ano pa bang pinunta ko dito?! "Bat hindi niyo agad sinabe tito?!" Maktol ko. Ano ba yan excited na excited ako kanina tas wala rin pala yung pinunta ko. "Ano bayan excited na excited ako kanina tapos wala naman palang elepante!" Maktol ko sabay upo sa lapag kahit madumi yon.

"Pero nasa museum naman yung mga buto niya, lika punta tayo don" napabuntong hininga naman akong sumunod sakanya.

'Eh ano pa nga ba?'

Tawa ng tawa yung mga kumag kong kapatid samantalang ako busangot na busangot. Mga bwiset may araw din kayo sakin!

=====

««Nhorilize»»

Time Travel With My Grim Reaper.Where stories live. Discover now