=EIGHTEEN=

69 9 30
                                    

Kanina pa kami nakauwi. Nakakain nadin kami ng lunch at maghahapon na pero wala pading paramdam si Caius.

Hindi naman sa inuubliga ko siya ha, pero parang ganon na nga! Diba kase sabi niya manliligaw siya tapos ano?! Makikita ko siya may kasamang babae. Hustisya!

Hindi ako papayag. Masyado akong maganda para ipagpalit lang. Kaylangan ko ng eksplenasyon kahit hindi ko naman yon papakinggan. Umpog ko siya diyan eh kunwari pa siyang allergic sa babae.

Nagtalukbong ako ng unan sa ulo at doon humiyaw. Bwiset.

"Tigilan mo yan. Baka malatin ka" natigil ako sa boses ni Caius. Agad kong pinigilan ang utak ko sa pagiisip. Utak lang ang nababasa niya hindi ang puso kaya kahit papano kaya ko siyang pigilan. Aba hindi pwedeng alam niya ang takbo ng utak ko. Unfair.

Dapat ako para alam ko kung kaylan siya mambababae. Umupo ako at hinarap siya. Nakahiga din siya sa paanan ng kama ko habang nakababa padin ang dalawang paa sa sahig. Bale kalahati lang ng katawan niya ang nakahiga. Nakapikit siya at malalim ang paghinga. Halata mo ang pagod.

Bat kaya to napagod? Siguro may ginawa sila nung babae niya no! Hala!

Napatayo naman ako at agad siyang dinaganan. Sinasakal ko na siya. "Walanghiya ka saan ka galeng ha! Anong ginawa niyo ng babae mo!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko dahil sa inis.

Sa halip na sumagot pilit niyang tinatanggal ang kamay ko sa paraang hindi ako masasaktan. "Sumagot kang animal ka!" Gigil na gigil ako sakanya. Dahil wala talaga siyang balak sumagot.

"Wala kang balak sumagot ha?! Hindi ka talaga sasagot!" Umiling lang siya kaya lalong naginit ang ulo ko. " pwes lumayas ka at wag na wag ka ng babalik dito!ales!" Tumayo ako at hinila siya. Napaupo ko siya pero di keri ng powers ko ang patayuin siya. "Alis sabe eh!" Hindi ko talaga siya mapatayo.

Bumuntong hininga siya. Animoy sobrang nakukulitan sakin. Aba ang kapal ng mukha siya pa ang may ganang mawalan ng pasensya. "May mga bagay na kinakailangan kong sarilihen. May mga bagay na hindi mo na kailangan malaman"

Napatulala ako sa kanya. Sabi nila pag daw papasok kayo sa isang relasyon kailangan niyo ng tiwala sa isa't isa at para mapatunayan ang tiwala. Kailangan nating sabihin ang bawat bagay. Maliit man iyon o malaki maski nakakahiya o ang kasalanan. Pero bakit siya hindi gustong ibahagi sakin yon? Ibig sabihin wala siyang tiwala sakin...

Hindi ko na namalayan ang luhang lumalandas sa mukha ko agad kong pinunasan yon. Nakatingin lang sakin si Caius animoy hindi alam kung anong gagawin. Sinubukan niyang lumapit pero lumayo ako. Pilit niya akong inaabot pero ayoko.

Wag niya kong hahawakan baka rumupok ako. Kailangan kong umiwas sa sakit. At ang sakit na yon ay sakanya naggagaling. Kung hindi niya kayang magtiwala sakin ay dapat hindi ko din ipagkatiwala ang sarili ko sakanya. Pinihit ko ang pintuan ng pinto ko at tumakbo sa sala. "Daddy!" Agad napatayo si dady dahil sa tono ng boses ko.

Yumakap ako agad sakanya. Nakasunod sa pagbaba ko si Caius pero wala akong pake. Tama ang pagtakbo ko kay daddy dahil sure na papaalisin niya ang kurimaw nayan.

Tumingala ako nakita kong tumango si daddy. Animoy nagkakaunawaan sila ni Caius sa isang tango lang. Walang pasabing umalis si Caius.

Napabusangot ako "daddy dapat sinigawan mo siya! Dapat sinapak mo nambabae kaya yon! Para ka namang hindi daddy eh" tinawanan lang ako ni daddy at ginulo ang buhok ko. Ang weird niya pero bahala siya.

Kay kuya nalang ako magsusumbong. Bumitaw ako kay dad at tumakbo sa kwarto ni kuya. Walang pasabi kong binuksan ang pinto. "My gosh! Nicole ano ba?!" Galit na sabi niya pero agad ding nagbago nang makita ang itsura ko.

"What happened?" Yumakap siya sakin. Buti pa to tinanong kung anong nangyare. Eh si daddy wala manlang ginawa.

"Kuya may babae si Caius!" Sumbong ko na parang bata. Kumunot naman ang noo niya. Yan ganyan nga kuya magalit ka. Ipaghiganti mo ko.

"Ano! Eh anong ginawa mo?!" Umiling lang ako. Hindi na maipinta ang mukha niya. " dapat sinugod mo yung babae tsaka mo sinabunutan ganon! ang weak mo naman Nicole." Napasapo ako ng noo. Walanghiya anong klaseng pagiisip ba ang mayron to.

"Alam ko na. Kung nambabae siya dapat manglalake ka din!" Napaangat ang tingin ko sakanya. Ako naman ngayon ang hindi maipinta ang mukha.

"Pinagsasabi mo?" Binatukan niya lang ako tsaka ako hinila pababa. "Hoy kuya san tayo pupunta?!"

Humalakhak siya na parang sinasapian. "Maghahanap tayo ng pogi!" Don't tell me baklash ang brother ko?

Wala na kong nagawa nung ipasok niya ako sa sasakyan niya. Bwiset to, bi masyado.

Mabilis niyang pinatakbo ang sasakyan at wala pang limang minuto nasa bar na kame. Hinila niya ako papasok. "Kuya naman parang tanga eh" papadyak padyak ako habang hinihila niya.

Maghahanap nalang ng pogi yung lasinggero pa. " pwede ba tayo sa simbahan nalang maghanap. Para mabait" suggestion ko. Hindi naman niya ko pinakinggan at nagtuloy tuloy sa pagpasok. Bat nga ba ko nag suggest? Bobita. Para ko nading sinangayunan si kuya na maghanap ng lalake.

"Kuya hindi ko alam na poging lasinggero pala ang type mo" dun lang niya ako hinarap. Nakatanggap ulit ako ng isang malakas na batok.

"Tanga para sayo yon!" Kinaladkad niya ako at umupo sa isang gilid. Luminga linga siya at naghanap. Kinilabutan naman ako kay kuya at mukhanh seryoso siyang maghanap ng kapareha ko.

Palihim kong tinext si ate Nica. Lagot tong babaerong to.

To ateng neneng:

Ate nasa bar ako kasama si kuya. Hahanap niya daw ako ng pogi dito. Help!

Tinago ko na ang phone ko at hinitay ang hero ko. "Ayon Nicole pasok sakin yon!" Sabi niya sabay turo dun sa lalakeng pogi pero dala dalawa ang babae sa gilid. Napailing ako at nagpray na sana dalian ni ate ang pagpunta.

"Sino Nick? Sino ang pasok?" Nakapamewang si ate sa harap ni kuya. Nakahinga ako ng maluwag at napangisi. Akala ko mahuhuli pa siya eh.

"Wala! Sabi ko umuwi na tayo. Hindi bagay si Nicole sa lugar na to!halika na Nicole!" Iiling iling si ate habang sinusundan kami.

Kahit papaano nakalimot ako sa lahst dahil sa katangahan ni kuya. Natawa nalang ako dahil dito.

=======

««Nhorilize»»

Time Travel With My Grim Reaper.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon