= THIRTY SEVEN=

36 6 0
                                    

AUTHOR NOTE: yung nasa taas....

Hindi si Nicole yan HAHAHA yan yung mame meet niya sa chap nato. Ganda no?

========

"Mom, do angels can make impossible things come true?" Biglaang tanong ko sa loob ng mahabang katahimikan namin habang sinusuklay niya ang buhok ko gamit ang kamay at nakahiga naman ako sa lap niya. "I mean, like the things normal people can't do?" I ask clearly.

She smile at me sweetly. "Maybe. Because we are not normal for them at the first place." Tumango naman ako sa sagot niya.

"I heard that angels have a good heart. If they can make impossible things go possible. So why they are not healing our heart to avoid heart aches?" I ask again.

"Ed sheeran said,A heart that's been broke is a heart that's been loved." She sang that part. "O sige nga. If you only can feel the happiness how sure you are that you are alive. Hmm?" Naglaro ang ngisi sa labi niya. "We need to bleed because if you only can feel happiness does it mean you success in this life. When you already do your part here in world. God will take you to paradise full of happiness and far from pain." I just look at her.

"So why you choose to be here? This world is full of pain and challenges. Why you choose to live here than to be happy in that paradise you are talking about?" I ask again. Tama naman diba? Normal people will choose to be happy than to feel pain.

"Because I found my happiness here" simpleng sagot niya pero naguluhan ako.

"Akala ko po ba puro happiness po yung nandon. Eh bakit dito niyo po nahanap ang kasiyahan niyo?" Umupo ako para mas lalo siyang maharap.

"Dahil nandito ang daddy niyo" again, natulala nalang ako sa kanya. "Anak aminin man natin o hindi. Nakakasawang mabuhay pag iisang imosyon nalang ang nararamdaman mo. Sometimes mas masarap makaramdam ng kasiyahan kung dumaan ka muna sa kalungkutan. Dun mo maa appreciate ang mga bagay." Paliwanag niya and I can't help but to agree with that.

"Mommy I want to have some sleep na po. Good night" I kiss her. Tsaka ako umakyat.

I don't know but may something na nagsasabi saking mag time travel. Nitong mga nakaraan lagi akong nag ta travel dahil wala akong ginawa kundi matulog para naman maiwasan ko si Caius. At lahat ng yon ay nagbibigay sakin ng kaalaman patungkol sa buhay na mayroon si Caius. Ipinagpasalamat kong mas naging kilala ko siya pero ikinalungkot ko dahil may panibago nanamang rason para layuan siya.

_·_·_·_·_·_·_·_

Napunta ako sa isang lugar kung saan sobrang wirdo ng lahat ng bagay. Whew saang pugad nanaman ng mga engkanto ako napunta?

Well baka naman nasa isang party ako? Sa future kase ako dinala ng kalutangan ko eh. Malay ko ba kung anong pinagpipindot ko don.

Nasa kalagitnaan ako ng pagiisip ng may marinig akong takong. Napaharap ako sa engrandeng hagdan na may red carpet pa. Napanganga nalang ako sa nakita.

Gage literal na dyosa ata to eh. Lahat pute! As in sa sobrang puti ng buhok balat at damit niya nagliliwanag na siya! "Woah. Feeling ko tuloy ang pangit ko" naisatinig ko ng hindi namamalayan. Natauhan lang ako nung natawa siya peri sobrang hinhin.

"Ang tagal kitang tinawag pero ang tagal mo bago marating ang lugar ko" panimula niya habang bumababa. Lalo lang siyang gumanda dahil ang tamis ng ngiti niya.

"Pano niyo po ako tinawag? Hindi ko po kayo narinig eh" inosente kong sabe. Wala naman kaseng tumatawag sakin diba?

"Kilala mo na ba kung sino ako?" Tanong niya. Pipilosopohin ko sana siya kaso wag na. Masyado siyang maganda para don. Reserve nalang natin para kay Cristine.

"Hindi po eh. Sino nga po pala kayo?" Napakamot ako sa ulo. Nakakahiya tumutungtong ako sa pamamahay niya eh hindi naman niya ako kilala.

Pero teka! Dapat sanay na ko! Dati napapasok ko yung ibang bahay ng dahil lang doon ako nilalabas ng train nayon.

"Ako ang dyosa ng oras" sagot niya. Taas noo.

Goddess of time? Meron ba non?

"Edi ibig sabihin ikaw ang gumagabay sakin sa pag ta travel?" Wala nanaman sa sariling tanong ko. Pero thankful tumango siya. Now is the time "kung ganon po. Pwede niyo po bang ayusin yung train na sinasakyan ko? Feeling ko sira eh. Lagi nalang kase akong napupunta sa delikadong lugar. Tulad nalang ng banyo, pinto ng bahay at kung ano ano pa! Minsan nga po sa kulungan eh" reklamo ko agad.

Natawa nalang siya. Bat ba siya tawa ng tawa! Lalo tuloy siyang gumaganda. "Hindi na ko magpapaligoy ligoy pa. Alam ko ang namamagitan sa inyo ng lalakeng grim reaper. Gusto mo bang malaman ang hinaharap?" Nagulat ako sa offer niya pero agad ding naka recover.

"Po? Pero... n-na tatakot po ako" mahina kong sabi. Napatungo ako dahil feeling ko pagtatawan niya ko. Pero nakalipas ang ilang segundo ay hindi niya ginawa.

"Bakit ka naman natatakot?" Sinsero ang tanong niya na para bang tinatanong niya ang isang bata kung bakit ayaw niyang magsulat.

Bilang masunurin ay sumagot ako. Bumuntong hininga muna bago magsalita "kase po baka, b-baka sa oras na yon mawala na yong... yung pagmamahal niya sakin. O di kaya baka--" hindi ko na natuloy dahil pinutol na niya ako.

"Inaalala mong baka hindi na kayo sa hulo ganon ba?" Unti unti akong tumango. "Sa totoo lang. Ang pagbibigay alam sa tao kung anong mangyayare sa hinaharap ay mabigat na gawain. Pero sa tingin mo bakit ko ibinibigay sayo ang pagkakataon?" Ngumisi siya sakin tila punapahanap ang formula sa pesteng math na hindi naman naturo.

"B-bakit po?" Nagumpisa na kong kabahan. Ewan ko ba! Feeling ko kaya niya gustong ipakita dahil babalaan niya akong lumayo kay Caius.

Ewan lahat kase ng tao, bagay o kahit anong nilalang ay pinag lalayo kami.

"Dahil gusto kong ipaglaban mo ang batang iyon" nanlaki naman ang mata ko. Bata? Sa itchura niya mukhang kaedaran ko lang siya. Eh si Caius gurang na. Don't tell me hindi siya tumatanda? "Hindi niyo nagawa sa una. Ngayon ang pangalawang pagkakataon. Ngunit aaminin kong mas humirap ang sitwasyon dahil sa pinili niyong landas. Pero wala ng oras para bawiin pa ang desisyong nagawa na." Bumuntong hininga siya at tumingin sa mga mata ko. "Ang unang pagkakataon ay mahalaga sa tao. Tulad nalang ng halik. Unang kasal,unang pagibig. Pero minsan lang magkaroon ng pangalawang pagkakataon. Kaya dapat ay hindi na sayangin" makahulugan yon pero sobrang linaw ng ibig sabihin.

Ito ang ikalawang pagkakataon namin ni Caius. Pinagbigyan kami ng may kapal kaya dapat ay hindi na sayangin pa.

"Gumising kana. Masyado ka ng nahihimlay" napatingin ako sa kanya sabay ngiti. Ngumiti din siya at tinulak ng marahan ang balikat ko.

_·_·_·_·_·_·_

Napabalikwas ako ng bangon na para bang nahulog ako sa balon. Takte walang warning na ganong klaseng hilo pala ang mararamdaman ko.

Napahawak ako sa dibdib at nilibot ang mata. Nagulat nalang ako nung makita ang seryosong mukha ni Caius habang naka krus ang mga kamay at paa habang naka pasan ang bigat niya sa pader.

"H-hi?" Weird kong sabi.

Paktay na.

=======

««Nhorilize»»

Time Travel With My Grim Reaper.Where stories live. Discover now