"Really?" I said sarcastically. Ramdam na ramdam ko ang pag-init ng aking mukha. Hindi dahil sa hiya kundi dahil sa inis na nadarama ko sa aking sarili. "Hindi na maibabalik ng sorry mo ang lahat, Mr. Ramn. You already tainted my reputation." Tinalikuran ko si Ramn.

"B-But, I have to. Nagkamali ako. So, I just did what is right. And that is to tell you my apology."

"Fine! Kung wala ka nang sasabihin, makakaalis ka na," wika ko bago naupo pabalik sa aking swivel chair.

"I'm sorry again, Mrs. Ramirez," wika muli ni Ramn bago ako tuluyang tinalikuran.

Napabuntonghininga na lamang ako habang pinagmamasdan siyang papaalis. I also closed my eyes to calm my senses. Kahit man lamang sa pamamagitan niyon ay mawala ang inis ko. Inis mula sa pakiramdam na napagkaisahan.

I took my phone out from my bag. Mabilis akong nag-dial ng numero doon. Sa ganitong pagkakataon ay gusto ko na lamang makausap ang taong alam kong hindi ako sasaktan. My confidante. My father.

Napangiti ako kahit papaano nang mag-ring ang kabilang linya. Madalas kasing nakapatay ang cell phone ni Daddy kapag oras ng trabaho. He was very serious in line with his job. Kaya minsan lang din kami nagkakapag-usap kapag work days.

"Hello, hija?" bungad kaagad ni Daddy.

Napangiti ako. Isang matamis na ngiti na tila ba nakikita niya ako. Boses pa lamang ni Daddy ay nakakagaan na ng aking pakiramdam. Para iyong mahika na dumuduyan sa akin kapag nalulungkot ako at nasasaktan. Malumanay na tila ba humahaplos sa kaibuturan ng aking puso.

"I miss you, Daddy," wika ko pagkatapos isandal ang aking likod sa swivel chair.

"Miss mo na kaagad ako. Eh, noong isang araw lang, magkasama tayo. May problema ba?" I could sense worry from his voice. Marahil, nararamdaman din ni Daddy ang nararamdaman ko.

"Wala naman, Dad. Gusto lang kitang kumustahin. How's your week?" pag-iiba ko sa usapan.

Natawa si Dad nang mahina. "Ganoon pa rin. Maraming debate. Mas gusto ko na lang sanang matulog sa session."

"Daddy, that's bad!" Natawa na rin ako sa sinabi ni Dad.

"I'm just joking, baby. Trying to lighten the mood. Hindi kita nakikita, pero ramdam ko ang lungkot sa boses mo. Si Atlas ba?"

"No, Daddy. Stress lang po siguro. Na-miss ko rin si Mommy," pagsisinungaling ko.

"Me too."

"Oli—" Sinenyasan ko si Kraius na kapapasok pa lamang sa aking opisina. Pinandilatan ko rin siya ng mga mata nang makita ang nakakalokong ngisi niya. Tumalikod din ako rito para magpaalam kay Daddy nang maayos.

"Bye for now, Daddy. May gagawin lang po ako," paalam ko rito.

"Take care, baby. Ikaw na lang ang kayamanan ko. Kung may problema ka, tell me. Daddy will always be here for you."

"I know. I love you, Dad," wika ko bago pinatay ang tawag. Naging magaan din kahit papaano ang aking pakiramdam. Tama si Daddy. He would always be with me. Marahil, kapag nagkaroon na ako ng lakas ng loob ay masasabi ko rin sa kaniya ang lahat. Not now, but soon.

"Ahem!" Natigil ang anumang iniisip ko nang marinig ko ang eksaheradong pagtikhim ni Kraius. I instantly shifted my position and saw him smirking. Naka-coat and tie pa siya at halatang kagagaling lang sa isang trial.

"Wala akong dalang bulaklak. Alam mo naman . . . busy."

"You don't need to, Kraius." Tumayo ako. Isa-isa kong kinuha ang mga papeles sa mesa at inilagay sa aking drawer. Inayos ko rin ang aking shoulder bag at naglakad patungo kay Kraius.

"But I ordered succulents online. Alam ko kasing mahilig ka sa mga iyon. Pati indoor plants na rin. An advanced Christmas gift."

Sinamaan ko siya ng tingin. Tumigil din ako nang magkatapat kami. "Ang bakla mo, Kraius. You don't need to do that!" mariing wika ko.

"Bakit ba kayong mga babae, hindi ninyo makita ang effort naming mga lalaki?" madamdaming saad naman niya.

I rolled my eyes on him. "Mag-effort ka sa walang sabit! Hindi sa katulad ko!" Nilampasan ko na rin siya.

"Tsk! Fine!"

Habang naglalakad ay panay ang pagsasalita ni Kraius. Halos hindi siya maubusan ng mga topic na nakakaagaw rin naman sa aking interes. Nakumbinsi rin niya ako na sa sasakyan na lamang niya sumakay. Kraius talked a lot so the whole ride wasn't as boring as I was expecting it to be. Ramdam ko rin ang lungkot na pilit niyang itinatago kaya imbes na magmaldita ay tumahimik na lamang ako.

Tumigil kami sa isang café sa Ortigas. Pagkatapos mag-parking ay sabay kaming bumaba ni Kraius. We headed to Trully's Coffee. Tahimik ang lugar kaya naging maayos din ang aking pakiramdam. I ordered a cappuccino while Kraius ordered a black coffee. Naupo kami sa gilid na bahagi ng coffee shop at tahimik na ininom ang aming kape.

"By the way, here's the video. Nakita ko kasi 'yong babae nang gabing 'yon. Sinundan ko kasi mukhang kahina-hinala."

Tinanggap ko ang iniabot niyang isang microchip SD card. "Salamat," wika ko.

"No problem. Walang ibang kopya 'yan. Nilinis ko na." Napangiti si Krais, maging ako ay napangiti rin.

"Hindi ko alam na isa ka pa lang tagalinis?" pagbibiro ko.

"Guwapong tagalinis," sagot naman niya pagkatapos ay tumawa.

Kraiusand I chatted even after we finished our coffee. Naging magaan din ang pakiramdam ko kasama siya. Natatawa rin ako kapagbumabanat siya ng mga corny na jokes. Tumatahimik naman kapag natatamaan sa mga banat niyang hindi naman sadya.

"Alam mo, dapat mag-asawa ka na, Kraius. You're not getting any younger," nakangiting turan ko. Papalabas na kami ng coffee shop at nakapulupot ang braso niya sa braso ko. Hinayaan ko na lamang siya dahil alam ko namang walang malisya roon.

"Nah! Mas gusto ko pang mag-enjoy as a bachelor. Andrius, my friend, became stubborn after what happened to him. Ayaw kong bigyan ng sakit ng ulo ang magiging asawa ko," sagot naman niya.

Napangiti ako sa sinabi ni Kraius. Naisip ko rin na sana lahat ng mga lalaki ay tulad niya. Considerate. Natatakot masaktan ang babaeng mahal nila. Natatakot na mahirapan ang magiging asawa nila.

Ngunit, ilang sandali lang ay napalis din ang ngiting iyon. Seeing Atlas entering the coffee shop with Trina made my intense urged to avenge them. My breathing hitched and my heart was beating too fast. Kasabay niyon ay tinanggal ko rin ang pagkakahawak ni Kraius sa aking braso.

Nang saktong tumapat sila sa amin ay walang pag-aalinlangan kong itinapon ang take away coffee sa suot ni Trina. Para sana 'yon kay Atlas pero mukhang ang kabit niya ang nakinabang.

"What the?" Kitang-kita ko ang gulat sa mga mata ni Trina. She was cursing me to death while the coffee I threw on her dripped from the side of her neck to her stomach. Dasurb!

Si Atlas naman ang binalingan ko pagkatapos. I looked at him straight to his eyes. Ganoon din siya sa akin, mariin din ang titig niya. Naglalaban ang aming mga mata, pero sa pagkakataong iyon, sisiguraduhin kong hindi ako ang matatalo.

"Hindi ko alam na mas gusto mo pala ang basura?" mariing wika ko. I did not hear his response. Sinulyapan niya lamang si Trina kaya ibinaling kong muli ang paningin sa babae.

"Oops! Sorry, nakaharang ka kasi sa daan," sarkastikong wika ko rito.

"Shit! Baliw ka ba?" Nanggagalaiti sa galit si Trina habang pinupunasan ang sarili. She was wearing a white sleeves and a black jeans habang si Atlas naman ay halatang kagagaling lamang sa opisina.

"Hindi ako baliw. Dahil kung baliw ako, hindi lang iyan ang matatanggap mo sa akin," matapang na wika ko. "Let's go, Kraius."

Hinila ko si Kraius. Sinadya ko ring banggain si Trina bago tuluyang lumabas. Dumoble ang bilis ng tibok ng puso ko na pakiramdam ko, gusto kong maiyak sa inis. But I suppressed myself.

Tama na. Nakakasawa na.















@sheinAlthea

WIFE SERIES: Tears Of A WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon