0032xxxx

683 22 17
                                    

0032xxxx


"Storm?" Paghanap ko sa kanya pagkalabas ng banyo.

Ang inaasahan ko kasi ay nakaabang lang siya na matapos ako na mag-shower para siya ang susunod. Habang naghihintay, nanonood 'yan o kaya naman ay nagbabasa ng libro.

Hmm, baka nagutom.

Malamang kakaunti na naman ang nakain kanina dahil madami-dami ang pasyente niya. Nagkasabay pa na may board meeting sa hospital at sa foundation.

Nasa dalawang araw na rin kaming nakabalik sa Manila. Daig ko pa ang nanalo sa Miss Universe dahil lahat ng kaibigan ko ay pinuntahan ako para kumustahin. Yes, even the very heavily pregnant Paoline na any day now ay manganganak.

Kakagaling ko lang doon kanina kahit pa ayaw ni Storm. E, mapilit ako saka okay naman na ako. Siya pa nga naghatid sa akin dahil next week pa ako mag-duty uli sa hospital.

Hindi ko naman kasi nagamit ang buong two weeks kaya pwede pa. Siya, mas pinili niya mag-clinic to take his mind off what happened.

Ngayon naman kahit saang silip ko, e, hindi ko siya mahagilap. Medyo may kalakihan ang unit niya pero hindi sapat para hindi kami magkakitaan.

Nang makarating ako sa kusina, agad kong napansin na may papel na nakadikit sa ref. The strip is so long, that it hangs off making it very visible.

'Lacy. If you need me, I'll be in the gym. ily. I love you.'

Napatawa pa ako dahil kaya sumobra ng haba ang papel ay dahil binuo niya ang I love you kahit pa nauna na niyang i-abbreviate.

Itinupi ko ng papel at inilagay sa bulsa ng sleep shorts ko. Kinuha ko ang isa sa hoodies niya na nasa likod ng sofa at sinuot. Tinatamad na akong magpalit ng mas maayos na shirt. Besides, nasa middle part ng building ang gym kaya okay lang kahit nakapantulog akong pupunta doon.

Mayroon nasa tatlo na iba pa na nandoon rin kaya maliwanag ang kabuuan ng gym. Karamihan naman sa kanila ay walang pakialam kaya dire-diretso lang ako na pumasok. Hindi naman ako nahirapan kasi kinuhaan ako ng card ni Storm.

Wala si Storm sa kahit anong area na madaanan ko. Well, isa lang naman ang madalas niyang puntahan and that is the boxing area. Medyo nasa bandang likod located ang boxing equipments and all that kaya doon ako dumiretso.

A few more steps after, bumungad sa akin si ang isang pawis at walang pang-itaas na si Storm. Aakalain mo ay ilang oras na siyang nandito samantalang wala pang kalahating oras ang itinagal ko sa banyo.

Hindi pa niya ako napapansin kaya dumantay muna ako sa pader habang nakahalukipkip. Mula sa puwesto ko, kitang kita ko kung paano gumalaw at sumunod ang mga muscles niya sa bawat suntok at hakbang niya.

Ilang beses ko na siyang nakitang nag-box sa instagram niya. Ito ang unang beses na makikita siya in raw action. Hindi ko pa natapos ang boxing classes ko pero alam ko ang basics.

Ang there is nothing basic with what he's doing.

Makikita sa galaw niya ang tagal at passion sa boxing. The combination of his fast jabs and footwork is captivating. Idagdag pa na kitang-kita at naka-display ang mga tattoo niya.

Napakalakas at lutong ng bawat suntok na binibitawan niya. Parang gusto kong maawa sa punching bag dahil sa tensyong bumabalot kay Storm. His concentration and skills makes him so damn hotter than before.

Ewan ko ba.

This man has so many layers on him na it will take years to uncover them all. And I hope I'd be the one to do that.

I've Got You (SPG Girls #5)Where stories live. Discover now