0019xxxx

712 23 1
                                    

0019xxxx
Until then

"Happy birthday, Kiel, anak!"

Masayang bati ng mga magulang ko mula sa London. May time difference na pitong oras ang Pilipinas at ang London. So, kung alas-dose na nang tanghali dito, saktong alas-singko ng umaga doon.

"Bagong gising na bagong gising, huh?"

Napatawa ako dahil pareho pa silang namumugto ang mata dahil sa tulog at gulo-gulo ang mga buhok.

"Excited kami na batiin ka, e. We miss the both of you." Malambing na dahilan ni Mommy sa camera.

Alam ko naman 'yun. Ever since I can remember, nag-e-effort silang pareho para hintayin ang unang segundo ng araw ng birthday namin. Siyempre ngayon, nagkakaedad na rin sila kaya kinagagalitan namin kapag gumigising sila ng madaling araw.

Sumimangot ako at papagalitan na sana sila, pero inunahan ako ng Mommy, "I know. Tumatanda na kami, hindi na puwede magpuyat. Nakalimutan mo yata na we're running a restaurant?"

Makakalusot na sana sila pero biglang umubo nang malalim si Dad.

"Dad? Ma? Naipa-check up na ba 'yan?"

Binalewala nila ng tanong ko and kept on asking about random things.

"Kayong dalawa, ha," banta ko. "Take care of your health. Umuwi na kayo dito, you've done enough."

"Speaking of uuwi, naalala mo 'yung nabanggit ko na bagong tenant nu'ng apartment sa taas ng restaurant?"

"Oh? Why? Aalis na uli?"

"Hindi naman agad, pero nabanggit nila na parang malapit na rin sila bumalik ng Pilipinas. It got me thinking the same thing. Kaso…"

"Marami na kayong naipon. It's time."

Lumungkot ang ekspresyon sa mukha niya. Alam kong napamahal na sila sa London dahil mahigit sampung taon na silang magkasama doon. Nauna kasi si Dad at sumunod na lang si Mommy nang mag-high school ako.

"You have a point. Para rin siguro makilala na namin si Dr. Storm? Baka mamaya may girlfriend na rin 'yang si Karl, hindi lang nagsasabi."

Dad made a sound bago umiling at itaas ang kamay. "Happy birthday, Kiel Kacy. I love you pero hindi ko kayang isipin na may boyfriend ka na. Jusko!"

Tumawa kaming pareho ni Mommy. Kinamusta niya si Storm at kung ano ang ibinigay sa akin. That's when I remember na ipakita ang binigay nito na bouquet of lillies.

"Look." I turned on the back camera to let her see it in whole.

"Wow. That's so beautiful and it's your favorite," she exclaims na kinikilig rin ang tono.

I've had guys give me flowers, but it always has been roses. I appreciate those, too, pero iba kapag paboritong bulaklak mo ang naaalala at ibinigay sa'yo.

"I know, 'My," bulong ko still looking at the flowers.

Napatingin ako sa may bintana at noon ko nakita ang maraming lobo ang nakasantabi sa gilid ng garahe.

"Kiel? Kiel!"

"A-Ay… Sorry, 'My. I spaced out."

"It's alright. Happy birthday uli. Enjoy the day. Punta ba diyan mga kaibigan mo?"

"Hmm, oo. Pero baka sandali na lang at hindi sabay-sabay. Nag-order na lang ako ng pagkain para mas madali."

"Oh, okay. Say hi to them for me, okay? Kumusta na si Pao? Is she coping well with the pregnancy?"

I've Got You (SPG Girls #5)Where stories live. Discover now